bonfire

1.4K 63 12
                                    

Mikha's

Nandito kami ngayon sa labas ng inn, mag bobomfire raw kasi kami ngayon. Kaninang hapon pinakilala sa amin ni Aiah yung kapatid niya si Brylle, siya ang sumama sa amin ni Jho para mangolekta ng kahoy na gagamitin. Bilib nga rin ako kay Aiah eh, kami ang bisita pero kami ang pinakikilos dito, ganiyan rin sabi ng tatay niya eh pero wala talaga siyang pakialam.

Habang naghahanda kami ng lamesa dito ay lumabas na si Stacey at Aiah galing sa bahay, may dala dala silang mga pagkain na niluto nila.

"Mikha diba sabi mo favorite mo yung kare kare? I cooked for you!"

Sigaw ni stacey kahit kaharap ko rin lang siya dito

"Op op, may bagoong ba yan? Allergic si Boss Mikha jan Staku nako sinasabi ko sa'yo"

"Wala malamang! Tsaka Hello? Allergic din ako sa bagoong remember?"

Pinaglayo naman agad ni Aiah yung dalawa bago pa sila tuluyan mag away. Ewan ko rin ba sa kanila, minsan ang sweet sweet sa isa't isa pero madalas naman parang aso at pusa

Pagkatapos namin mag ayos ay nagsindi na si Brylle ng  bonfire, ngayon na lang ako ulit nakapag bonfire last pa ata nung High School scouting namin eh. Tagal na.

Nagsimula na kaming kumain, ang daming baon na kwento ng tatay ni Aiah, mostly tungkol sa mga pangyayari sa buhay ni Aiah dati, ngayon ko rin lang nalaman na half siblings lang pala sila ni Brylle. Maagang nawala yung nanay ni Aiah... Siya lumaking walang nanay... Ako naman lumaking walang tatay. Good combination na ba toh lord?

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na sa amin yung tatay ni aiah, matutulog na raw siya tsaka si Brylle. Kaming apat na lang ang nandito sa may bonfire, pumasok muna si Jhoanna sa inn tapos pagbalik niya may dala na siyang beer

"Boss mikha oh, Aiah gusto mo?"

Alok niya dito pero umiling si Aiah, si Stacey naman ayaw rin kasi wala raw mag-aalaga kay Jho kapag nalasing... Down bad si ate ko jusko

"Ang ganda pala dito sa inyo Aiah tapos ngayon mo lang kami dinala"

"Wala naman kasing dahilan noon para dalhin ko kayo dito Jho"

"Eh ngayon ba? Meron na?"

Hindi na sumagot si Aiah, kaya nanahimik na rin si Jhoanna

Habang umiinom,naiisip ko pa rin yung mga sinabi ng tatay ni Aiah kanina...hindi ba talaga nila alam yung tunay na buhay ni Aiah sa Baguio? Kung hindi eh bakit tinatago ni Aiah sa kanila? Nahihiya ba siya na malaman nilang ikakasal na siya sa mas matanda sa kaniya?

"Boss Mikhs pasok na kami ni Stacey"

Nagulat naman ako ng tapikin ako bigla ni Jhoanna

"Aga pa Jho?"

"Ayoko ma lock Boss,sige good night. Baka ilock ka rin ni Aiah"

"Sige Jho good night, diretso tuloy yan ha!"

Natawa naman siya sa sinabi ko,hays Jhoanna Robles isa kang malaking torpe

Kami na lang ni aiah ang nandito sa labas,nagtratrabaho pa rin siya hanggang dito

"Aiah,hindi alam ng tatay mo na ikakasal ka kay daddy?"

Napatingin siya sa akin bago sinara yung laptop niya

"Ano pang sinabi niya sa'yo?" Balik niyang tanong sa akin

"Woah teka lang ha I asked first?"

She huffed out some air before turning directly into me

"I'm actually...hiding the truth kasi ayokong isipin ng pamilya ko na...ganon ako sa naiisip mo Mikha. Home wrecker,gold digger...lahat yon"

"Huh? They're your family Aiah,they should know. Besides once you marry my father it will spread like a wildfire,sa inyo na rin nanggaling nina Jho na he's a powerful man"

" Hindi mo alam ang tunay na nangyari sa buhay ko mikha,yung mga nalalaman mo..wala pa sa kalahati ng pinagdaanan ko"

Nakaka apat na bote na ako dito at medyo tumatama na talaga pero di pa rin ako tumigil kaka inom..

"Alam mo Aiah nung unang gabi na pinakilala ka ng tatay ko bilang fiancee niya,nasaktan ako kasi akala ko mabubuo na ulit yung pamilya namin. Masakit para sa batang Mikhaela na makitang may iba na pala yung tatay niyang iniwan sila noon... wala akong ibang gustong gawin non kundi sakalin ka sa galit pero sino ba naman ako diba? Kaya sorry If I reacted that way, If I hurt you with my words...those are just words from a broken child...sorry Aiah"

I stand up and walked but I felt a hand grabbed mine and just before I know it...Aiah has spun me around and is now Kissing me... she's kissing me...Aiah is kissing me!!!!

I felt her lips moved against mine and when I tried to reciprocate she pushed me away...what?

"I-I'm sorry Mikha... here's the key. Lock the door...sa sasakyan muna ako matutulog ngayon"

"No, Aiah what was that?!" It's now my turn to stop her from walking away

"Nothing"

"Nothing? Aiah I'm supposed to be the drunk one here pero you're the one who initiated something between us..ano yon Aiah?"

" I just missed your father"

Sagada Where stories live. Discover now