Farm Day

1.4K 59 3
                                    

Mikha's

Nagising ako bigla ng may mag bukas ng kurtina dito sa kwarto ko, ang laki laki kasi ng bintana dito kaya konting hawi ng kurtina damang dama mo agad yung hagupit ng araw sa balat mo

Nagkusot muna ako ng mata bago tingnan kung sino ang taong sumira sa tulog ko

"Bumangon ka na diyan, may pagkain sa baba nakapag luto na ako. Si Jhoanna nandon na rin, sumabay ka na"

"Wala man lang Good Morning Miss Arceta? Good morning ha"

Tinitigan niya lang ako bago siya lumabas ng kwarto, ang galing... Ang sarap sapakin

Nagpunta na ako sa cr para mag ayos muna bago bumaba sa kusina... Teka lang, siya ang nag luto?? Nasan yung mga katulong?

Bumaba na rin ako pagkatapos ko mag ayos, naabutan ko si Jhoanna na punong puno yung bibig habang ngumunguya, parang walang bukas naman kung makakain oh

"Dahan dahan naman Jho, di natin mauubos yan. Good morning"

Nilunok muna ni Jho yung nasa bibig niya bago ako batiin.

"Good morning boss Mikha, oh kape pinagtimpla ka ni Aiah.. siya rin nag luto nito lahat. Sarap try mo"

Nag offer siya sa akin ng omelette, si Aiah naman nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape, di ba siya kakain?

" Ehem boss baka matunaw..."

Tiningnan ko naman ng masama si Jho

"Y-yung ano butter, lagyan mo na yang toast hehe"

Tumingin naman si Aiah sa amin at tsaka umiling, problema nito?

Kumain na lang ako habang nakikinig sa kwento ni Jhoanna, mostly mga nangyari kahapon sa café, wala kasi ako don kahapon kasi sinamahan ko maglibot dito si Ate Maloi at Colet, akalain mo yun nag first move na pala si colet before kami mag bakasyon.. graduate na sa pagka torpe ang tol ko

" Mikha, may trabaho ka sa farm today"

Biglang sabi na lang ni Aiah out of nowhere, as if namang nakalimutan ko na yon. Malamang hindi ko yon limot ano. Kagabi pa nga ako nag handa eh. Nag workout ako para di na mabigla ang aking muscles mamaya.

"sasama ka ba? O ako lang? Sana ako lan-"

" Malamang kasama ako, baka mag slack off ka lang don at hindi tumulong. Aba bakit pa kita pinag trabaho kung di ka gagawa"

" Oo na mahal na reyna, daming sinasabi"

....

Nandito na kami ngayon ni Aiah sa farm, wala naman masyadong gagawin ngayon kasi nga kakatapos lang mag harvest, bale mag lalagay lang daw kami ng fertilizer.

May nakilala ako dito na bagong worker, si Aj, siya ang kasama ko ngayon mag lagay ng fertilizer sa mga plant bed. Buti na lang at makwento siya, kundi baka bored na ako dito

Nalaman ko na summer job niya lang pala ito, kaklase niya si Stacey sa university kaya rin siya nakapasok dito.

"Mikha ano tapos ka na ba? Punta muna tayo don sa kubo, nakaka uhaw mag trabaho aba"

Nagpagpag muna ako ng kamay bago sumunod kay Aj sa kubo kung nasaan si Aiah nagtatrabaho, di kagaya last time na purp papel ang kaharap, ngayon naman laptop ang kaharap niya.

"Ma'am Aiah magandang umaga po"

Bati ni Aj sa kaniya, ngumiti naman si Aiah pero bigla rin siyang sumimangot pagka kita sa akin, grabe naman. Ano galit na galit? Ako ba malas sa buhay niya? Siya pa talaga ha.

"Nagtratrabaho ba yan si Mikha?"

Masungit na Tanong niya kay Aj, medyo nagulat naman si Aj sa tono ni Aiah

"A-ah opo ma'am Aiah, tinuruan po namin siya kanina, ako na pong bahal-"

"Hindi, ikaw mikha wag ka na mag-lagay ng fertilizer, sumama ka kay Mang Remy dun sa green house, tingnan mo kung ayos ba yung mga lettuce don, ikaw naman Aj continue your work okay? "

Napatango na lang si Aj sa sinabi ni Aiah, umalis na rin siya pagkatapos uminom ng tubig... Ako? Naiwan ako dito, may aawayin lang

"ano trip mo sa buhay? " Di niya ako pinansin

"so di mo ako papansinin? Okay! Edi ikaw na ang boss! Bwisit! "

Umalis na lang ako sa Kubo at pumunta sa green house, lintek lang walang ganti Aiah Arceta

Pumasok na ako dito sa greenhouse, nagulat naman si mang remy sa akin

" Oh ma'am mikha? Akala ko ba naglalagay kayo ng fertilizer ni Aj? "

" Akala ko rin Mang Remy, kaso si Aiah eh. Nakakainis, kung pwede lang ibaon dito yun sa lupa baka ginawa ko na"

" Mukhang bad mood lang yon ma'am, hayaan mo na magiging okay rin yun. Mabait namang bata yun si ma'am Aiah, tahimik nga lang"

Nag umpisa na kaming mag check ng mga lettuce ni kuya remy, pinapaliwanag niya rin sa akin kung anong pagkakaiba mg bawat isa, akalain mo yon? Iba iba pala tawag sa mga toh? Kinakain ko lang kasi toh ng kinakain sa Manila eh, malay ko ba?

Habang nag aayos ako ng mga punla ay bigla namang pumasok si Aiah dito sa greenhouse

" Lunch na Mikha, let's go eat. Kayo rin ho Mang Remy mag-aalauna na ho"

Di na lang ako umimik, di rin naman ako papansinin niyan eh kaya sumunod na lang ako sa kaniya papunta sa Kubo

Pagkarating ay inilabas na niya yung mga Tupperware na may pagkain

"ikaw nag luto? " Tumango lang siya ang patuloy na inihain yung mga dala niyang pagkain

" Salamat, pero matanong ko lang... Nasaan yung mga katulong sa bahay? Bakit wala sila? Bakit ikaw ang nagluluto? "

" Ano ba yan ang dami mo namang tanong, umuwi sila sa Sagada, kailangan rin nila ng bakasyon ano. At tsaka tatlo lang naman tayong kakain ni Jho kaya ko na magluto para sa atin"

" Yes! Sa wakas! Sumagot ka rin sa tanong ko! "

Nagulat naman siya kaya tinapon niya sa akin yung insulated bag na pinaglagyan ng pagkain, nakakarami na talaga sita sa akin.

" Aray ko naman! Wag ka nambabato"

" Sorry, nagulat lang. Kumain ka na nga lang"

Habang kumakain ay panay ang tingin sa akin ni Aiah, crush siguro ako nito hays ano ba naman yan, malas niya kay Daddy siya naka engaged at di sa akin

" Tingin ka ng tingin, crush mo ba ako?"

" Kapal mo, kanina ka pa kasi may dumi sa bibig para kang bata kumain.. anyway pagkatapos nito uuwi na tayo, tumulong ka naman kay Jhoanna at Stacey sa café"

Sa isang linggo ko dito sa Baguio, dalawang business pa lang ni daddy yung nabibisita ko, etong farm tsaka yung café, di naman siguro siya yayaman ng sobra kung ganito lang yung business niya ano? Hala baka nag bebenta ng shabu yung tatay ko?!

"hala oh my God! "

" Ano na naman? "

" Eto lang ba business ni daddy? Kung oo edi may chance na nagbebenta nga siya ng shabu! "

Napasapo naman sa noo niya si Aiah, oh bakit? Totoo ba?! Hala tangina ayoko mainvolve! Ayoko matokhang, mag eengineer pa ako

"alam mo Mikha para kang tatay mo, parehas kayong oa. Hindi lang ito yung business niya. Sadyang ito lang yung hinabilin niya sa akin na ituro sa'yo "

" Eh? Ayoko dapat alam ko lahat, pati ba naman yon ipagkakait pa sa akin?"

Bumuntong hininga siya at tsaka ako inirapan, talaga lang ha.

" Sige bukas pupunta tayong Sagada"

" Ha? Bakit? Kasama si Jho? "

Tumango lang siya at kumain na ulit... Nabanggit ni Jho na taga Sagada to eh.. iuuwi niya ako? Ay hindi baka naman nandon ang isa pang business ni daddy

"Please behave well sa Sagada bukas Mikha, ayokong mapahiya sa mga tao don"

"Bakit? Pinapahiya ba kita dito? Ako pa nga pinapahiya mo eh. Pero okay kwento mo naman yan kaya go lang, ikaw ang boss diba?"

Sagada Where stories live. Discover now