Mikha's
Andito kami ni Aiah ngayon sa Burnham park,nagpapalipas ng oras. Gwen and the others went to a separate gala para daw may moment kami ni Aiah. Mga baliw talaga
"Kailan ulit start ng classes niyo Mikhs?"
"Uh...next week. Kaka enroll lang namin nina Gwen kahapon. Si Miles, she passed sa school namin kaya lang mom told her to enroll to a different university eh, medyo tagilid ata kasi yung desired course ni Miles sa Univ namin"
She slowly nodded, grasping whatever information I just told her
"Ano ba course ni Miles? Diba ikaw engineering?"
"She took accountancy eh. Ewan ko ba, sa aming dalawa siya lang yung na influence ni mommy. I never liked accountancy"
"Hmm? Bakit naman? It's a good course ha... actually I used to be an accounting student dito sa Baguio"
Oooh is that the reason why dad hired her? She has an accountancy background pala...pero to think of it, marami pa rin pala kaming di alam ni Aiah about sa isa't isa
"Oh wow, I never thought na may accountancy experience ka pala... why'd you stop tho? Nag shift ka?"
She didn't answer and stayed silent....okay maybe my question was too offensive
"I-I'm sorry, i didn't mean to ask that Aiah. If you're uncomfortable don't answer na lang"
"Sorry rin... I do not usually talk about it na... traumatized lang"
Traumatized? What happened to her?
I hold her hand and I felt her body tensed up...grabe naman to. Hinawakan ko lang kamay eh
"You know what Aiah, naisip ko lang....there are still a lot of things that we don't know about each other. I mean yeah, we know our names,adress, work, parents but the more deeper things are-"
"Are to be discovered by us Mikha,kaya nga I agreed to date you diba? To get to know you more" she said and pinched my cheeks. Aba alam kong cute ako pero kailangan talaga pisilin ng malakas?
" Aray ko naman love" pareho naman.kaming napatigil sa sinabi ko...love amputa...bobo ka talaga Mikha Lim
"love ka diyan? Huy di pa kita sinasagot ha. Speed ka"
" Eto naman! Syempre sasanayin na kita sa ganiyan para di ka na mabigla"
" Eh pati nga ikaw nabigla rin sa sinabi mo eh, sige nga?"
" Eh you know naman na I'm NGSB eh"
" Sus, for all I know marami ka raw chicks sa school ninyo. Akala mo ba di nakwento ni Gwen yun kanina? Habulin ka raw ng mga babae, babaera ka pala eh"
" Babaera eh ikaw nga lang babae ko. Wag ka nga maniwala dun kay Gwen, gusto niya lang tayong hadlangan babyloves so sweet Aiah ko"
" Hibang ka na Mikha, halika nga dito pasapak lang"
"crush mo lang ako"
....
Nakabalik na kaming lahat ngayon sa cafe, sabi ni Jho dadaan raw dito si daddy para mangamusta sa amin. Kanina pa sila parang balisa ni stacey eh. Ano kaya meron sa mag jowa na toh
" Huy jho, lika nga dito "
Tawag ko sa kaniya, lumapit naman agad siya at umupo sa tabi ko
"Ano yun boss?"
"May problema ba kayo ni stacey? Kanina pa kasi kayo parang balisa eh"
"Ay wala boss... Medyo nag-away lang kagabi. Pero okay na"
"Sure ka? Parang iba kasi eh. Ay nga pala nasa kotse ni Gwen yung libro na hinihingi mo sa akin. Galingan mo sa pasukan ha, sayang tuition ni daddy sa'yo pag nambabae ka lang don"
"Igagaya mo pa ako sa'yo na maraming babae, hahahaha syempre boss kaya naman pagsabayin yun at- aray!" Bago pa man matapos ni jho ang sasabihin niya ay nabatukan na agad siya ni Stacey
"Anong babae ang naririnig ko diyan sa bibig mo ha Robles? May babae ka na ngayon? Aba pasalamat ka at pinagbigyan pa kitang manligaw, ang kapal talaga ng pagmumukha mong mambabae pa"
"Eto naman, joke lang naman yun eh. Alam mo namang ikaw lang eh baby" sabi ni Jho at kumindat pa kay Stacey, kadiri naman tong kutong lupa na to
"Kadiri ka Jho, dun ka nga"
"Eme ka boss Mikha kala mo di ko narinig mga pinagsasabi mo kay Aiah kanina"
"Jho, Isa!"
"Eto na aalis na, hays init ulo ng mga tao. Pinaglihi ba kayo sa kalan?"
Habang nagkwekwentuhan kami ay bigla namang dumating si daddy, binati siya ng mga kaibigan ko pati na rin ni aiah
"grabe ka na talaga anak, wala pang isang linggo namiss mo na agad si Maraiah"
"ikaw dad,di mo ba kami namiss ni Miles ng 16 years kaya di ka bumalik? Joke lang!" Natawa naman si daddy sa sinabi ko, wow tawa tawa siya ngayon ah. Parang di talaga kami inulila ni Miles
"You'll know the real reason din anak, nga pala your mom dropped by kanina"
Nakita ko naman na biglang umiwas si Stacey at Jhoanna ng tingin sa amin, sinasabi ko na nga ba may kakaiba sa dalawang to eh
"Si mom? Nasa work siya dad"
"Ay actually tito Lim grounded yan si Mikhs, tinakas lang namin dito yan" sabat ni Sheena sa usapan namin,ang daldal rin eh no
"Ganon ba? Anak pwede ba tayo mag-usap sa labas? Oh kayo, just enjoy the food. Tara Janna"
Lumabas kami ni dad at umupo dito sa bench sa harap ng cafe
"Alam na pala ng mommy mo ang tungkol sa inyo ni Aiah"
"Yes dad, ayaw niya nga eh kaya kami nag-away"
"Mikha, kahit anong mangyari puso mo lang ang sundin mo ha? Wag na wag kang magpapatalo sa sasabihin nila sa'yo,wag kang magiging mahina kagaya ko."
"Dad sa lahat ng tao sa mundo, si mommy yung ayaw kong kaaway alam mo kung bakit? Kasi ang laki laki ng utang na loob ko sa kaniya"
"Anak, nanay mo siya...hindi ka dapat magkaron ng utang na loob sa kaniya kasi obligasyon niya lahat ng ginawa niya sa inyo...ako ang may utang na loob sa kaniya anak kasi pinabayaan ko kayo. Pero wag kang mag-alala andito na ulit ako. Poprotektahan ko kayong dalawa ni Miles sa kanila"
Sa kanila? Sinong kanila??
"Sinong kanila dad?"
"Hindi pa rin pala nasasabi ng mommy mo sa'yo? Di bale, mukhang wala naman siyang balak magsabi. Basta anak lagi mong tandaan na suportado ko kayo ni Aiah."
"Salamat dad. Tara na ulit sa loob baka namiss na ako ni Aiah"
"Namana mo rin pala ang kakapalan ng mukha sa akin nak"
"Kaya nga eh,mawawala ng 16 years tas biglang babalik...kapal"
Buti na lang talaga at marunong tumanggap ng biro si daddy, baka kasi sa iba nasampal na ako nito.
.....
a/n: hi! Namiss niyo ba ang ayuda? May naka timbog sa akin sa isang story kagabi eh hahahaha sorry na oh, busy lang magsulat sa dyaryo eh.
6million streams na ang ating walo sa spotify! Grabe parang nung December nasak 150k palang huhu ang bilis bilis talaga ng panahon.