CHAYA
They say High School is the the most exciting part of a teenager's life. You will meet new people, a new environment and experience a lot of new things.
Sinipat ko ang sarili sa salamin bago kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto. This will be the start of my new journey..
"Hmm, saan na kaya siya?" Tumigil ako sa dulo ng hagdan para hanapin ang kapatid ko. "Male-late na kami, saan ba siya pumunta?" Tuluyan na akong bumaba, nilapag ko muna ang bag ko sa upuan sa sala bago nagtungo sa kusina. Hindi ako makapaniwala nang makita siya. "Eya, anong oras na? Kumakain ka pa lang?" Nilapitan ko siya at tinignan ang plato niya, mukhang magsisimula pa lang siyang kumain.
Lumingon siya sa akin, yung itsura niya para siyang lantang gulay. "Mauna ka na, susunod na lang ako." Aniya at nagsimula ng kumain.
"First day of school ngayon, hindi ka ba excited?"
"Excited ako hindi lang halata," sagot niya ng hindi tumitingin sa akin. Saan banda siya excited?
Nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga. "Mauna na ako, siguraduhin mo lang na susunod ka a!" Nag-thumbs up lang siya. Napailing-iling na lang ako bago umalis sa kusina. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa bahay. "Papasok na po ako, Ma!" Paalam ko kay Mama na nagdidilig ng halaman sa gilid.
"Ang kapatid mo?" Takang tanong niya nang walang sumunod sa akin.
"Kumakain pa po."
"Ha? E anong oras na! Ang batang yun talaga, hay nako.." Napangiti na lang ako sa tinuran ni Mama. Si Eya ang nag-iisa kong kapatid, ang kakambal ko to be exact. Ang pinakamabagal kumilos sa lahat. Tapos na ako, pero siya ay magsisimula pa lang. Isang beses pa lang ata kaming pumasok ng sabay, e kasi naman palagi siyang late gumising at ang tagal nga kumilos. Buti na lang at malapit ang school noon. At ngayon nga ay isa na kaming ganap na High School students! Excited ako na kinakabahan, pero ganun naman talaga sa una di'ba? Alam kong masasanay rin ako.
"Chaya!" Napatigil ako nang may tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita kung sino iyon. Kinawayan ko siya at hinintay na makalapit sa akin. "Si Eya?" Tanong niya kaagad.
"Naiwan pa, alam mo naman yun." Humawak siya sa braso ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Kailan kaya siya bibilis kumilos? Hindi ba siya excited na pumasok?" Excited daw siya, hindi ako na-inform na ganun na pala ang excited ngayon. Ewan ko ba sa kapatid ko, napaka-weird minsan. Nagkibit-balikat na lang ako. "Excited na ako pumasok, buti na lang nakita kita."
YOU ARE READING
Fear Me
Mystery / ThrillerEya Dela Fuente will take revenge for her twin sister, Chaya Dela Fuente, who died in a wrong way. A victim of bullying and was believed to bring misfortune at Canaria High. Who is the real killer? Who killed Chaya?