CATALEYA
GUSTO ko silang mataranta kapag nakita na nila ako. Ang nangyari sa party ay hindi pa ang umpisa, pagpapakilala pa lang yun.
Ngayon ang araw para sa totoong umpisa ng laban. Suot ang uniform ni Chaya ay lumabas na ako sa bahay at tinungo ang sakayan ng jeep. Hindi ako sumakay sa sasakyan dahil gusto kong isipin nila na ako si Chaya. Gagawin ko lang ang mga usual na ginagawa ng kapatid ko. Gusto kong maghiganti, gusto ko silang mawala lahat.
Napatingin ako sa pangalan ng school sa may arko sa harap ng gate nang makababa ako. Canaria High...
Humakbang na ako papasok at sinuri ng maiigi ang paligid ko. Hindi mo kaagad masasabi kung totoo ba o hindi ang mga taong nakakasalamuha mo, pero ang dapat mong gawin ay huwag kaagad magtiwala. Mas mapapahamak ka pa kapag ginawa mo yun.
Bakit napahamak si Chaya? Siguradong may malaking dahilan at konektado dito ang apat na taong yun.
Sinadya kong magpahuli para makita ang mga reaksiyon nila. Nang masigurong pumasok na ang adviser ng Section A ay saka ako pumasok sa classroom.
"Good morning, Ma'am!" Napalingon silang lahat sa akin. Nakangiti ko silang tinignan at bakas sa mukha nila ang pagkagulat. I asked Dad to take care of everything, to make Chaya's funeral private. And to disguise Chaya's nonattendance as absent due to sickness. Kaya siguradong walang ibang makakaalam ng nangyari bukod sa grupo nila. Lumipat ang tingin ko sa isang babae na nasa larawan na nakita ko sa drawer ni Chaya.
"Good morning, Chaya! I'm glad you're back!" Nginitian ko si Ma'am bago ako pumunta sa upuan ni Chaya. Nakasunod pa rin ang tingin nila sa akin. Napansin ko ang isa pang bakante na upuan sa likod. Nagkibit-balikat na lang ako at umupo. Tumikhim si Ma'am kaya nagsiayos na sila ng upo pero nakatingin pa rin sa akin ang babaeng maikli ang buhok. Hanggang ngayon ay gusto ko pa ring tumawa dahil sa nangyari sa party. Hindi lang kasi ang pagsulat ko sa salamin ang sorpresa ko sa kaniya.
Flashback...
"Excuse me, pwedeng pahingi pa ng drinks?" I asked the waiter. Kaagad naman siyang tumalima. "Thank you!" Nilapag niya ang inumin sa table ko. Pinakatitigan ko ito bago lumingon sa pwesto ng babaeng may maikling buhok. Nakatingin na siya sa akin, bigla siyang ngumiti kaya ngumiti rin ako bago itinaas ang inumin ko. Itinaas niya rin ang sa kaniya at akmang iinom nang bigla niya itong binitawan dahil sa gulat.
"Bre!"
"Ipis! May ipis sa drinks ko! Sino naglagay ng ipis sa inumin ko!?" Lahat ng nasa loob ay napapalingon na sa kaniya. "Yung waiter, na saan yung waiter!?"
YOU ARE READING
Fear Me
Mystery / ThrillerEya Dela Fuente will take revenge for her twin sister, Chaya Dela Fuente, who died in a wrong way. A victim of bullying and was believed to bring misfortune at Canaria High. Who is the real killer? Who killed Chaya?