Chapter 10

4 2 0
                                    

"Anong kailangan niyo, bakit kayo nandito?" Nakaramdam ng inis si Chaya nang makita kung sino ang dumating. Humigpit ang hawak niya sa bakal at napaatras nang magsimulang lumapit sa kaniya ang dalawa.



"Relax, Chaya. Wala naman kaming gagawin e."



"Sumama ka na lang sa amin para walang masaktan."



Natawa si Chaya. "At bakit naman ako sasama sa inyo?"



"Hmm... Ayaw mo?" Naglabas ng mga litrato si Kelvin at ipinakita iyon kay Chaya. "Ang bait ng mama mo, pinatuloy niya kami kanina. Ang akala niya mga kaibigan mo kami, Hahaha!"



Kumuyom ang mga kamao niya. "Huwag niyong idamay si Mama, wala siyang ginagawang masama sa inyo!"



"Pero ikaw meron.." ani Kelly na umupo pa sa may swing.



Naguguluhang lumingon si Chaya sa kaniya. "Ano bang ginawa ko? Bakit hindi niyo na ako tigilan?"



Napaiwas siya nang lumapit si Kelvin sa kaniya. "Nagsimula ang lahat nang tanggihan mo si Bre."



"Ano naman ang gagawin ko kapag sumali ako sa inyo ha?"



"Simple lang, parang si Angela. Utusan..." Mas lalo lang siyang nainis sa kanila. "Hahaha! Biro lang. Mukhang may ibang plano si Bre sa'yo kaso tumanggi ka, sayang naman." Dagdag ni Kelvin na umupo pa sa seesaw.



"Ibang klase, hindi na talaga kayo mga tao.." bulong ni Chaya.



Tumayo si Kelly matapos makatanggap ng mensahe galing kay Brenna. "Tara na, pinapatawag na tayo." Umalis na rin si Kelvin at lumapit kay Kelly. Nang hindi kumilos si Chaya ay binalikan lang siya ng tingin ng dalawa. Dahil sa takot na baka madamay pa ang Mama niya ay napilitang sumama si Chaya sa kanila. Pinagdadasal niya na sana walang mangyaring masama sa kaniya.



Ngunit nasa daan palang sila nang lagyan nila ng takip ang ulo niya. "Teka, anong ginagawa niyo? Saan niyo ako dadalhin!?"



"Sleep well, Chaya." Rinig niyang sambit ni Kelly bago siya nawalan ng malay.



PAPUNTA na si River sa meeting place nila ni Chaya nang makatanggap siya ng mensahe. Dali-dali siyang lumabas sa kaniyang kuwarto at kaagad lumabas ng bahay. Saktong may padaanan na taxi kaya pinara niya ito.

Fear MeWhere stories live. Discover now