CHAYA
Nag-klase na rin kami sa Math pagkatapos ng una naming subject na Science. Nagkaroon kami ng Diagnostic assessment kanina at mukhang handa naman ang lahat. Familiar ang ibang questions doon kaya inalala ko na lang ang sagot.
Napalingon ako kay Eya nang bigla na lang siyang tumayo pagkatapos ng klase namin kay Sir Charli, ang Math Teacher namin.
Tatanungin ko palang sana kung saan siya pupunta pero dumeretso na siya sa labas.
"Chaya, bibili ka ba?" Tanong ni Shirley dahil breaktime na rin.
"Pwedeng pabili na lang?" Gusto kong sundan si Eya. Mukhang may iniisip na naman yun, tulala na naman kasi siya kanina e. Buti na lang pumayag si Shirley na bilhan ako, nagpabili na lang ako ng biscuits at juice, kasama niyang lumabas sina Jethro. Lumabas na rin ako pagkatapos kong ayusin ang gamit ni Eya na iniwan niya sa desk niya.
Saan kaya siya pumunta? Mukhang hindi naman sa cr. Hindi rin sa canteen, matao na ngayon doon kaya siguradong wala siya doon. Napahinto ako sa dulo ng hagdan nang sumikip ang dibdib ko. Napahawak ako sa may pader at dahan-dahang huminga. Nakalimutan kong dalhin yung tubig ko. Bumaba na ako dahil may mga napapatingin na sa akin, nasa pangalawang palapag palang ako.
Saan ko kaya siya hahanapin?
Teka, may nabanggit siya sa akin kahapon tungkol sa mini forest. Maganda raw doon na pagtambayan, mahangin at malilim. Ah! Naalala ko na! Sa likod pala iyon ng building namin.
Tinahak ko ang daan patungo sa tinutukoy ni Eya. Marami ngang puno dito at may upuan pa sa magkabilang gilid ng pathway. Kaunti palang ang tao dito, kaagad ko naman siyang nakita. Lalapit na sana ako nang mapansin na may kasama siya. Lalaki? Sino yun? Hindi ko makita ang mukha ng kasama ni Eya dahil nakatalikod sila sa direksyon ko. Huwag mo sabihing... Omg!! Boyfriend ba ni Eya yun!?
Kailangan kong malaman. Naglakad ako palapit sa inuupuan nila. Siyempre hindi ako nagpahalata, parang magpapahangin lang ako doon. Umupo ako sa kabilang bench at tumingin lang ng deretso sa harap.
"Don't tell me, bibigyan mo na naman ako ng slip?" Rinig kong tanong ni Eya. At teka, anong slip?
"Gusto mo ba?" Sagot naman ng lalaki.
"Tsk," asik ni Eya, natawa naman ang kasama niya.
YOU ARE READING
Fear Me
Mystery / ThrillerEya Dela Fuente will take revenge for her twin sister, Chaya Dela Fuente, who died in a wrong way. A victim of bullying and was believed to bring misfortune at Canaria High. Who is the real killer? Who killed Chaya?