Chapter 9

4 2 0
                                    

LIMANG araw na ang nakakalipas. Hindi pa rin alam ni Chaya kung sino ang nagpadala ng larawan sa kaniya at sa totoo lang ay natatakot siya sa pwedeng mangyari. Ayaw niyang mapahamak ang ina ng dahil sa kaniya. Kaagad siyang umuuwi pagkatapos ng kanilang klase, at minsan ay pinupuntahan niya ito sa kaniyang trabaho.



At isa pa, hindi parin alam ni Chaya kung sino talaga si Rianne. Dahil din doon ay iniiwasan siya ni River. Hindi niya rin makausap si Camila dahil busy ito sa maraming bagay. Lalo na ngayon, siya ang napiling representative ng classroom nila sa Mr. and Ms. Canaria High. Sa limang araw na iyon ay hindi naman siya nilalapitan ni Brenna, kapag nagkakasalubong sila ay parang wala silang nakikita.



Sa mga araw na lumipas ay walang ibang ginagawa si Chaya kundi ang mag-focus sa kaniyang pag-aaral. Panay rin ang pagkikita nila ni Angela, sabay silang kumakain sa tanghalian at sabay ring umuuwi. Hindi na rin ginugulo ni Brenna si Angela, hindi nga ba o nagpapalipas lang si Brenna para controlin ulit si Angela?



Speaking of Angela, kanina pa siya hinihintay ni Chaya sa tambayan nila, doon sa upuan sa gilid ng building nila. Doon ang usapan nilang lugar kapag magkikita. May usapan sila ngayon, may sasabihin daw si Angela sa kaniya tungkol sa isang bagay. She told her not to trust anyone. Hindi lahat mapagkakatiwalaan, lahat ay nakatago lang sa suot nilang maskara.



Tumayo siya at naglakad-lakad sa tabi ng upuan, magsisimula na mamaya ang klase pero wala pa si Angela. Pumasok pa man din siya ng maaga para doon. "Kunting hintay pa, Chaya.." pakiusap niya sa sarili. Muli siyang umupo at tumingin sa daanan.



Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin si Angela. Napagpasiyahan nalang niya na pumunta na sa classroom nila. Pero paakyat palang siya nang makasalubong ang mga estudyanteng nagmamadaling bumaba. Gumilid tuloy siya at takang sinundan ng tingin ang mga estudyante. Dahil wala siyang makilala sa mga yun ay umakyat na siya at dumeretso sa room nila. Saktong palabas din ang mga kaklase niya at parang nagmamadali rin.



"Anong nangyayari?" Tanong niya kay Lada nang makita niya itong tumakbo palabas mula sa room nila. Huminto ang mga kaklase niya at tumingin sa kaniya na parang may ginawa siyang mali. "Anong meron, bakit kayo nagmamadali?"



"Saan ka galing, Chaya?" Tanong ni Brenna na naka-krus ang mga braso.



"Sa baba. Teka, ano bang nangyayari?"



"Someone was found dead sa baba," mariing sabi ni Brenna.



Hindi kaagad nakakilos si Chaya. May namatay? Dito? Sa school na ito?



"You guys know kung sino ang namatay?" Napalingon sila sa kadarating lang na si Camila.

Fear MeWhere stories live. Discover now