CATALEYA
Ano ba ang hindi niya maintindihan sa sinabi ko? Malinaw ko namang sinabi sa kaniya na wala na ang tatay namin, bakit gusto pa rin niyang makita ang taong yun?
Kapag iniwan ka ng isang tao, huwag kang umasa na babalik pa siya. Kung importante ka sa kaniya, bakit ka niya iiwan, di'ba? Anong dahilan bakit niya kami iniwan? Gusto kong itanong yun sa Papa namin kung buhay pa talaga siya.
Natatandaan ko pa kung paano makiusap si Chaya kay Mama para lang makarinig ng kwento tungkol sa tatay na nang-iwan sa amin, pero hindi siya pinagbibigyan ni Mama dahil ang palagi niyang sinasabi ay wala na siya. Iniwan na niya kami kaya parang patay na rin siya.
Napahinto ako sa paglalakad nang may maalala. Naalala ko rin kung paano umiyak si Chaya noon sa tuwing wala siyang ibang nakukuhang sagot tungkol kay Papa.
Nagdalawang-isip pa ako, pero humakbang na ako patalikod at bumalik sa cr. Nakasalubong ko pa si Jethro at ang kaibigan niya. "Hi, Eya!" Hindi ko na sila pinansin dahil nagmamadali ako. Paano kung umiiyak na naman siya?
Saktong papalabas na siya kaya nagkagulatan pa kami. Bakas sa mga mata niya na umiyak siya. Nang makita ko ang namumuong luha ay lumapit ako sa kaniya. "Naku naman, Chaya. Pigilan mo nga yang luha mo." Sita ko sa kaniya.
"Nakakainis ka kasi," sisi pa niya sa akin. Napakaiyakin talaga, hayst.
"Sorry, okay na?" Umangat ang tingin niya sa akin. "Pero hindi ko babawiin yung mga sinabi ko dahil totoo yun." Sinamaan niya kaagad ako ng tingin at lumakad na paalis. "Huh? Sorry na nga! Chaya!" Sinundan ko na lang siya kahit hindi niya ako pinapansin. Alam kong masama ang loob niya sa akin, pero lilipas din yun. Bibilhan ko na lang siya ng Ice cream mamaya, tutal favorite niya naman iyon.
Bumalik na kami sa room, hindi parin umiimik si Chaya kaya lumipat muna ako ng upuan. Alam kong nagpipigil lang siya magsalita dahil katabi niya ako. Nang umalis nga ako ay saka ko narinig ang boses niya. Kausap na niya ngayon si Shirley na kauupo lang, may dala-dala pang mga pagkain. Speaking of pagkain, hindi tuloy ako nakabili. Kasalanan ni Chaya 'to, napakaiyakin kasi!
Hindi ko na napansin kung saan ako umupo, basta pumunta lang ako sa may bakanteng upuan na nakita ko. Sa pangalawang row ito, wala namang bag kaya dito na muna ako. Sino ba ang nakaupo kanina dito? Hindi ko na kasi napansin kanina.
May hinahalungkat ako sa bag ko nang biglang dumilim dahil sa anino, napaangat ako ng tingin at nakita si Prince na nakatayo sa gilid ng upuan ko. Lumingon ako sa likod at napagtanto na siya pala ang naka-pwesto dito kanina, bakit kasi hindi niya iniwan yung bag niya. May gold ba yun? Tatayo na sana ako nang bigla siyang magsalita.
YOU ARE READING
Fear Me
Mystery / ThrillerEya Dela Fuente will take revenge for her twin sister, Chaya Dela Fuente, who died in a wrong way. A victim of bullying and was believed to bring misfortune at Canaria High. Who is the real killer? Who killed Chaya?