Chapter 6

3 2 0
                                    

CHAYA



APAT na taon, apat na taon na ang lumipas. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako. Kumusta na kaya siya?



Ang bilis ng panahon, umabot pa ng apat na taon. Ayos lang naman ako. Alam ko naman na uuwi pa ang kapatid ko. Makikita ko pa siya. Ang iniisip ko ay si Mama, araw-araw siyang nag-aabang sa labas baka sakaling dumating na ang kapatid ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pasisiglahin. Para naman sa kapakanan ni Eya ang lahat ng ito, kaya naiintindihan ko. Nabawi ni Mama ang bahay, hindi nga lang katulad ng dati ang atmospera dito. Ang tanging hiling lang ni Mama ay makauwi si Eya, kapag nangyari yun magiging masaya na ulit ang bahay namin.



Simula nung pinunta si Eya sa ibang bansa ay mag-isa na lang akong pumapasok sa school. Kaagad nilang hinanap ang kapatid ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kila Shirley ang nangyari noon. Hindi rin naman kasi nila alam na naaksidente si Eya. Ilang araw rin akong tahimik bago ko nasabi sa kanila ang totoo. Pero ang pinaka-naapektuhan sa lahat ay si Prince. Tahimik siya pero mas naging tahimik pa siya nang malaman ang totoo, sinubukan ko rin siyang kausapin at buti naman at nakinig siya. Mukhang balak pa niyang kausapin ang kapatid ko nung araw na mabasa sa ulan si Eya nang dahil sa kaniya, sumunod kasi siya sa amin pero dahil dumating ang sundo niya ay wala na siyang nagawa. Iyon din ang araw na una kong nasilayan si Papa nang makabungguan niya si Eya.



Kinakaya ko pa naman, pumapasok pa rin ako araw-araw. Mas ginalingan ko pa sa school. Nag-focus ako sa pag-aaral dahil gusto kong maging proud silang lahat sa akin, gusto kong ipakita kay Eya na maayos ako dito. Pero hindi pa ako masyadong nakaka-move on nang pati si Shirley ay umalis rin. Lumipat sila ng tirahan sa Maynila kaya naiwan akong mag-isa dito ngunit nangako naman siyang bibisita. Dalawa na kayong hihintayin ko kaya sana dumating na kayo...



At ngayon nga ay isa na akong ganap na Senior High school student. Lumipat ako ng paaralan para mag-explore pa, gusto ko pa kasing matuto ng marami. At isa pa, hiling ni Mama na lumipat na ako ng paaralan. May nag-alok kasi sa kaniya ng trabaho malapit dito sa Canaria High. Umalis na si Mama sa dati niyang trabaho at nakipaghiwalay na rin siya kay Tito Marvin. Hindi naman na nangulit si Tito dahil alam na niya ang lahat ng nangyari. Alam kong hindi pa kayang magtrabaho ulit ni Mama, pero tinanggap niya parin ang trabaho. Hindi naman araw-araw ang pagpasok niya, mabuti na rin ito para malibang si Mama..



Nagpalinga-linga ako para maghanap ng mapagtatanungan. Hindi ko pa kasi alam ang pasikot-sikot dito sa bagong school. Ngayon ang unang araw ng klase kaya kinakabahan ako. Isang prestihiyosong paaralan ang Canaria High. Dito rin lumipat ang ibang mga kaklase ko sa Junior High. Maganda raw dito, isa itong private school at halos may kaya lahat ng nandito. Ang maganda sa paaralan na ito ay nagbibigay sila ng scholarship. Mas malawak din ito kumpara sa Riverdale High School.



May nakita akong dalawang estudyante kaya nilapitan ko kaagad sila. Kaagad na ngumiti ang isa sa akin. "Hello, excuse me po. Pwede po bang magtanong? Saan po dito yung Roxas building?" Doon kasi ang room ko. Wala pa akong uniform kaya malalaman kaagad nila na isa akong transferee.

Fear MeWhere stories live. Discover now