Chapter 12

2 0 0
                                    

HINDI lubos maisip ni Jerry na may alam si Chaya tungkol sa sekretong matagal na niyang itinatago. At ang nagpapasakit pa sa ulo niya ay kung paano nalaman ni Chaya ang tungkol doon. Sila lang dalawa ni Kelly ang nakakaalam sa nangyari at isa iyong malaking pagkakamali. Isa pa pang problema, ang taong hinahanap nila ay kasama lang pala nila.



Napatingin siya kay Kelly na nakaupo lang sa gilid habang kausap ni Brenna. Kung sasabihin niya ang totoo siguradong mapapahamak si Kelly, pero paano kung si Chaya mismo ang magsabi? Mapapahamak pa rin siya! Hindi na niya alam ang gagawin. Ikinuyom niya ang mga kamao at nag-isip. Ano ang tamang gawin? Hindi naman ako madadamay kung mapapahamak si Kelly di'ba?



Nandito sila ngayon sa lumang gusali kung saan sila madalas magkita. Ang sabi ni Brenna ay may pag-uusapan sila pero wala pa si Kelvin kaya naghihintay pa rin sila hanggang ngayon.



"Jerry," tawag ni Brenna sa kaniya pero nanatili pa rin itong nakatitig sa kawalan. Napalingon na si Brenna sa kaniya at napairap na lang nang makita ang kasintahan na lutang na naman. "Jerry!"



"Huh?" Tumingin si Jerry sa kaniya.



"Anong huh? Ano bang nangyayari sa'yo, bakit lutang ka na naman?"



Umayos ng upo si Jerry at napakamot na lang sa batok. "Wala naman. Ano ba yung sinasabi mo?"



"Bakit wala pa si Kelvin? May sinabi ba siya sa'yo?" Umiling lang si Jerry. Halatang naiirita na si Brenna dahil sa katagalan ni Kelvin.



Napatakip sa bibig si Kelly nang makita ang isang live na napadaan sa newsfeed niya. Napatingin sa kaniya ang dalawa at takang lumapit. Nanlaki ang mga mata ni Brenna at kinuha ang cellphone sa kaniya.



"Si Kelvin!" Live ng isa nilang kaklase, si Kelvin at River ay nagsusuntukan. Nasa sahig na si Kelvin at hindi na nakakalaban pero hindi pa rin tumitigil si River sa pagsuntok sa kaniya. Wala pang pumipigil sa dalawa. "Mamatay na si Kelvin, bakit walang pumipigil sa kanila!?"



"Dahil ang sinumang lumapit ay mapapahamak..." Ani Jerry habang nakatitig sa cellphone niya na nanonood na rin ng live. "Sabi ni Sebbe sa comment, sinabi raw yun ni River." Tumingin siya sa kanila at bumalik ulit sa panonood. Hindi niya alam kung maaawa ba siya o matutuwa dahil hindi pa rin nakakalaban si Kelvin. Ang mayabang na si Kelvin napatumba ng isang lalamya-lamyang si River na akala nila malakas lang kapag nasa malapit ang kapatid niya. "Sino kaya ang mananalo?"



"Jerry!" Sabay na sabi ng dalawa.



"Bakit hindi mo na lang siya puntahan at tulungan!?" Si Brenna na nag-aalala na dahil baka kung ano pa ang mangyari kay Kelvin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fear MeWhere stories live. Discover now