CHAYA
Hay nako, hindi na lang kasi umamin si Eya na may gusto rin siya kay Prince. Bakit suot--suot niya ang regalong binigay sa kaniya noon ni Prince, kung wala, di'ba? Nalaman ko lang kay Doris ang dahilan kung bakit basang-basa si Eya nung nakaraang araw. Sinundan niya pala si Prince nang lumabas ito habang umuulan. Gusto ko na ngang malaman kung bakit niya ginawa yun. Ano kayang balita sa kanila? Sayang naman si Kuya Trenton, mukhang mabait pa naman yun. Si Prince na ba talaga ang panalo? Hayst, gusto ko na talagang malaman.
Nasaan na naman ba si Eya?
Kakatapos ko lang ayusin yung mga gamit ko dahil wala namang pasok ngayon. Buti naman at tapos na ang exam namin, next week ay simula na ng second quarter. Siguradong marami ng performance task, iyon kasi ang sinabi ng ibang Teacher namin. Katulad ng Ibong Adarna sa Filipino at Festival Dance sa MAPEH. Excited na tuloy ako!
Bumaba ako at nang hindi makita si Eya sa sala ay dumeretso ako sa kusina. Naabutan ko si Mama doon na nagpre-prepare na ng pagkain. Late talaga kaming kumain kapag walang pasok. "Chaya, saktong-sakto, tawagin mo na ang kapatid mo para makakain na tayo."
"Wala po siya sa taas."
"Ha? E wala rin siya sa labas. Saan na naman kaya siya pumunta?" Napailing-iling na lang si Mama. Pumunta ako sa likod ng bahay at lumapit sa kulungan ni Delight ngunit maging ang tuta ay wala rin doon. Lumabas siguro sila para maglakad-lakad.
Napahinto ako sa akmang paghakbang nang makarinig ng pagkabasag sa loob. Dali-dali akong pumasok at nakita si Mama na nakatingin lang kay Eya, nanginginig siya at hindi makapagsalita. Napatingin ako sa basag na tasa sa sahig bago muling ibinalik ang tingin sa kanila. "Mama, Eya, ano pong meron?" Pareho silang hindi sumagot. Walang ka-emo-emosyon ang mukha ni Eya habang si Mama naman ay nanginginig pa rin.
"Makikipaghiwalay ka po sa kaniya?" Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil sa narinig. Teka, ano ba talagang meron? "O aalis ako?"
"Eya!" Gulat na sabi ni Mama.
"Teka lang, ano po bang meron? Mama? Eya?"
Humarap sa akin si Eya. "Hindi mo ba alam na may relasyon si Mama at Tito Marvin? At balak na nilang magpakasal." Bumuka ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas doon. Muli siya tumingin kay Mama "Kailan niyo po balak sabihin sa amin? Kapag kasal na kayo para hindi kami makatanggi?"
"Hindi yun ganun, anak. Sasabihin ko naman sa inyo."
YOU ARE READING
Fear Me
Mystery / ThrillerEya Dela Fuente will take revenge for her twin sister, Chaya Dela Fuente, who died in a wrong way. A victim of bullying and was believed to bring misfortune at Canaria High. Who is the real killer? Who killed Chaya?