CATALEYA
NAUNA na akong lumabas nang matapos ang huling subject namin bago mag-lunch. Siguradong hahanapin na naman ako ni Chaya... Sa cr ako pumunta para maghugas ng kamay.
Pabalik na ako sa room nang makasalubong ko si Prince. Umiwas siya ng tingin nang magtama ang mga mata namin, at saka parang hangin na dumaan sa gilid ko. Napahinto tuloy ako at napalingon sa kaniya. Dumeretso lang siya sa hagdan pababa, napatingin tuloy ako sa hagdan na katabi lang ng room namin. Napailing-iling na lang ako at pumasok na sa room.
"Kakababa lang ni Chaya." Tugon ng isa sa mga maiingay na lalaking kaklase namin. Nag-thumbs up lang ako at lumabas na ulit para bumaba.
Nakasalubong ko sina Abby at Doris, sinabi nila na nasa Canteen si Shirley at kailangan niya ng kasama dahil may binili raw ito. So, hindi sila magkasama ni Chaya?
Pumunta na lang ako sa Canteen, marami ng estudyante ang nasa labas. Napahinto ako nang makarating sa harap canteen at napabuga na lang ng hangin nang makitang halos puno na sa loob. Paano ko hahanapin si Shirley?
"Eya!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko siyang kumakaway.
Lumapit ako sa kaniya at ibinaba ang kamay niya. "Tama na, andito na ako." Napatingin naman ako sa mga binili niya, may mga chips at drinks. Ang dami naman.. "Anong meron, birthday mo ba?"
"Oo!" October pa kaya ang birthday niya. Umismid na lang ako. "Charot! Umuwi na kasi si Papa, kaya ayon." Tumango-tango ako at hindi na lang nagsalita. Kinuha ko na lang yung drinks at chips, dala niya kasi yung mga baonan namin. Sabay na kaming lumabas sa Canteen at tinungo ang building namin saka dumeretso sa likod. Kaagad kaming napahinto ni Shirley nang makita ang sitwasyon doon.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" Siya na naman?
"Ah, wala naman po. Hindi naman namin siya ginugulo." Ani ng isang lalaki.
Sumilip ako sa kanila at kaagad naman silang nag-react. "Kambal kayo!?"
Humakbang ako palapit kay Eya at hinila siya patalikod. "Kayo na naman?"
"Ah, aalis na kami."
"Huwag niyo ng uulitin ito, hindi na talaga kayo makakapasok dito." Pananakot ng lalaki sa kanila.
YOU ARE READING
Fear Me
Mystery / ThrillerEya Dela Fuente will take revenge for her twin sister, Chaya Dela Fuente, who died in a wrong way. A victim of bullying and was believed to bring misfortune at Canaria High. Who is the real killer? Who killed Chaya?