꧁꧂
Anhin pa itong bibig na ito
Kung hindi rin naman bibigkas
Ng mga salitang tino at wasto
Na para lamang sa iyoUnang-una
Ano ba't hindi ko inaakala
Na darating ka sa buhay kong kulang ng sigla
Ginoo, ako ay iyong biniglaSa momentong ako'y napangiti
Nang marinig ang iyong tula't sabi
Nanginginig ang aking mga labi
Sa t'wing binibigkas mo ang iyong panigPangalawa't sa gitnaan—
Sa gitnaan ng ating ligawan
Tila ba’t ako'y inaagawan
Ng hinga at oras; o dahan, o dahanSangkatutak na tula
Mga mensahe na sana'y iyong binasa
Sa bawat musika na iyong kinanta
Sinta, ako'y palihim na natuwaHindi huli at matagal-tagal pa
Dito sa mundong madaya
Marunong kang magparaya;
Na ako'y may pangarap din; malayang-malayaSangkatutak na bigkas ng inday
Dakila ang iyong pag-antay
Sikap mo ay walang kapantay
Kaya para sa atin, ginoo; hintay, hintay
YOU ARE READING
A Poet's Diary
PoetryWhen she first felt disappointment in herself, she hid. When she wanted to step out and give it a shot, she took the step. When she first felt rejection, she renounced his presence. When she wanted to show her hidden truths, she spoke. When the butt...