4.

141 9 9
                                    

Audrey's Pov

“Jusko eto na nga oh! Nagmamadali na paakyat ng room.” I said on the other line.

“Girl, bahala ka talaga kapag nalate ka. Baka sa labas ka ulit magroom.”

“Laine naman!! You are not helping me.”

“Dalian mo habang wala pa si Sir. Pablo.”

“Fine, fin—shit!”

“Miss, are you okay?” tanong nito pagkatapos niya akong banggain.

“Do you think I'm okay? Look what you've done! May klase pa ako tapos ano? You spilled your iced coffee on me! Late na nga ako tapos ganito pa ginawa mo.” bulyaw ko sa nakabangga saakin at hindi siya hinaharap dahil abala ako sa pagpunas ng sarili ko.

“Look, I'm really sorry. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.” oh wow so now she's putting all the blame on me?

“What did you say?” feeling offended, I took all my courage to face her and wow... she's tall.

“Come with me. I'll let you borrow my extra uniform.” She coolly said as she turned around and the first one to walk.

“What's going on?” I even forgot to hang up on her.

Hindi na ako makaka-attend ng first subject natin. Sige na, see you later.” I didn't wait for her response cause I know she's going to scold me.

At dahil wala akong choice, sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa locker room area.

“Here.” bigla niyang hinagis yung uniform niya saakin at hindi ko kaagad ito nasalo.

“Pwede naman kasing iabot ng maayos.” bulong ko at inirapan siya.

“I can hear you.”

“Edi good for you. Isa lang ibig sabihin nyan, hindi ka bingi.” I sarcastically responded and let out a force smile, teasing her.

After changing my uniform, gusto ko na lang maiyak. Mukha kasi akong gangster sa laki nito at halatang hindi fit saakin. Paano ako haharap sa mga kaklase ko? Mukha akong tambay sa daan huhu.

“You done?” tanong niya saakin.

“Ano sa tingin mo?”

“Tsk.”

“Wala bang mas maliit na size? Para kasi akong siga tignan.” tanong ko sakanya na ikinatawa niya. Wow finally tumawa na rin.

“Wala.”

“Okay. Thank for your kindness kahit ikaw naman talaga may kasalanan. Anyways, I have to go na.” I still thanked her kahit na iritang irita ako sakanya. I picked up all my things and was about to go when she spoke again.

“Give me your uniform.”

“Why?”

“I'll wash it and give it back to you tomorrow.”

“No need, I can do it myself.” I politely refused her.

“Akin na.” pangungulit niya.

“Wag na ng—fine!” bigla niyang kinuha sa kamay ko yung uniform at in the end, hinayaan ko na lang siya.

“Mauna na ako.” paalam ko ulit sabay takbo para makahabol pa sa klase ko.

“Ang malas mo naman. Sino ba yung nakabanggaan mo?” Laine asked me while unwrapping her foods.

A Love To Remember Where stories live. Discover now