33.

106 11 6
                                    

Audrey's Pov

I decided to visit Riley since wala naman akong ibang gagawin. We canceled our practice dahil malamang sa malamang, may tama pa si Bada ngayon.

That crazy woman called me out of nowhere and she really think I'd fall for it? No way. If ever na wala siyang maalala dahil sa kalasingan niya, wala rin akong balak i-open up sakanya yun.

“Wifey!!!” Riley ran towards me as soon as she saw me.

“Grabe akala mo hindi magkasama sa iisang bahay.” I jokingly said, hugging her.

“Jusko kahit magkasama tayo sa iisang bahay, hirap na hirap pa rin tayo hagilapin isa't-isa.” Riley chuckled, pulling me inside our studio.

As we got inside, may isa pa pala siyang kasama at mukhahg nagpapratice sila. Parang naistorbo ko pa ata silang dalawa-malay ko bang busy din 'tong si Riley.

“Chocs!” tawag ni Riley sakanya at agad naman niya kaming nilingon.

“What?”

“10 minutes break muna. May bisita kasi ako eh.” sagot ni Riley at tumango lang ito.

Hinila ako ni Riley sa sulok at pinaupo ako sa tabi niya habang yung kasama niya, nagpapatugtog.

“Hayaan mo 'yan. Ganyan lang talaga si Chocol.” Riley said as she took a quick glance at her.

“Chocol?”

“Yup also may collab dance class kami at buti nga binisita mo ko kasi nakakabaliw kasama 'yan.”

“Bakit?”

“Hindi namamansin.”

“Eh?”

“Cold ang datingan.” Riley started to laugh kaya pati ako, natawa na rin.

As we started talking, I secretly glance at her, she was practicing their choreo and didn't even pay attention on us, acting as if she's alone in the studio.

“Anong balita kay Laine?” Riley asked me.

“I clarified everything and I also apologized for what I've caused. Ang problema lang is she wants to continue our so called relationship.” I sighed.

Yes, when we met, I apologized but then I didn't even expect that she would ask me to continue what we started. Laine confessed her feelings; I turned her down. Ang sabi niya since high school gusto na niya ako pero no, I never felt the same way.

I do feel bad kasi she's my bestfriend pero alangan namang pilitin ko yung sarili ko na magustuhan siya diba? Ayoko and pagkakaibigan lang talaga kaya kong i-offer sakanya.

“And?”

“I turned her down. She's only my bestfriend and nothing more than that.”

“She likes you?”

“Yes.”

“Edi nalagasan kana ng isang kaibigan.”

“Sadly, oo pero ayos na rin yun. I know we both need time and babalik din yung dati naming samahan.” I smiled at her and shrugged.

Riley just stared at me, I know naaawa siya saakin and I could see it all over her face. I've been through a lot and she's been there when I started my new journey.

“Can we start na? I have things to do and nasasayang yung oras.” at eto namang epal na 'to, panira ng moment.

“Panira talaga.” bulong ni Riley at padabog na tumayo.

“I'll wait na lang para sabay na tayo umuwi.” sabi ko kay Riley at tinanguan niya lang ako.

Habang nagpapratice sila, nasa sulok lang ako at pinapanuod sila. May times din na nagtatalo sila at syempre taga nuod lang ako kasi hindi naman ako kasali sakanila lol.

A Love To Remember Where stories live. Discover now