7.

138 11 10
                                    

Bada's Pov

I was trying to take a nap behind the chairs, hiding myself in case someone would see me. While I was preparing myself, I heard a music inside the studio.

“Ano yun?” bulong ko sa sarili ko at napabangon bigla.

Sa sobrang takot ko, nakiramdam muna ako bago bumangon. Ang alam ko kasi ako na lang mag-isa rito sa dance studio so bakit tumutunog yung speaker? Gusto ko lang naman matulog!!!

“Sabi na nga ba may nagmumulto sa school na 'to eh.” at kahit takot na takot pa rin ako, naglakas loob akong tumayo at hindi multo yung nakita ko.

Si Audrey...

Si Audrey yung naabutan ko at sumasayaw siya. She's good, she's really good.

“Wow.” I said, failed to hold back myself from speaking and cause her to stop dancing. Her eyes landed on me and late to realize I was indeed inside the studio.

“A-anong ginagawa mo rito?!” She stammered while pointing her finger at me.

“Nagpapahinga.” matipid kong sagot at pinatay yung music.

“Bakit dito? Bada, hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?!” bulyaw niya saakin at ramdam ko na yung frustration niya.

“Anong sinusundan? We had a practice earlier and I decided to rest a bit before going home.”

“Practice?”

“Yes, may performance kami tomorrow. Anyways, you have to be there kaya sana agahan mong pumasok.” nakangiti kong sagot kay Audrey. Hindi ba niya alam na dancer ako? Bakit parang wala naman 'tong alam sa paligid niya. She's so innocent.

“Pwede bang umalis kana muna ha? Yung president niyo nirequest kay Sir. Pablo na ako maglinis dito.” naaasar na sagot ni Audrey saakin sabay kuha ng walis sa gilid at nagsimula na siyang kumilos.

“Bakit pumayag ka?”

“Para maaga akong makauwi.”

“Wala man lang thank you?”

“At bakit ako mag—wait? Ikaw yung president na tinutukoy ni Sir?” gulat na tanong niya at tinanguan ko lang siya.

She put down what she was holding and started to walk, approaching me. I stayed where I was and gave her a welcoming smile but it all vanished when Audrey ran towards me in full speed. I panicked so I did the same thing.

“Bakit mo ba ako hinahabol?” sigaw ko sakanya habang tumatakbo sa loob ng studio halos paikot ikot lang kami.

“Gusto ko lang magthank you sayo. I'll you give free suntok at sabunot.” sagot niya saakin at dahil napagod na ako, huminto na ako.

“Finally.” rinig kong sabi ni Audrey. Nakaready na yung kamao niya at nang makalapit na siya saakin, agad kong hinila yung kamay niya kaya parehas kaming na-out of balance.

“Aray.”

“Alam mo kahit kailan—” her words trailed off when she realized our current position.

She's on top of me and we're looking at each other's eyes. I also noticed that her cheeks are turning red. Para tuloy kaming naistatwa at ni-isa walang gustong gumalaw.

*dug*dug*dug*

“A-ano? Wala kang balak umalis?” lakas loob kong tanong sakanya at dun siya natauhan.

“Bakit ka kasi nanghihila?” She asked me back as we both sat down properly and Audrey pushed my shoulder out of her annoyance.

“Eh bakit ka kasi manununtok? Wala naman akong ginagawa sayo ha? Ang init ng ulo mo pagdating saakin hmm siguro crush mo ako no? Dali umamin kana.” biro ko at inirapan niya lang ako.

A Love To Remember Where stories live. Discover now