ICE POV
Pagkatapos naming kumain bigla akong siniko ni Pula. Kunot noo ko syang tiningnan.
“Mabait ba’yan?” Nguso n’ya kay ate na ngaun ay busy na patingin tingin sa paligid. Halata talaga sa mukha nya na bago lang sya sa paligid. Weird , ang weird nya pa hays…. Napaigtad ako ng bigla akong sikohin ni pula sa kamay ko, sinamaan ko sya ng tingin.
“Ano?” nakataas pa ang dalawa niyang kilay na para bang naghihintay talaga sa sagot ko.
“Oo naman,” agad kong sagot .
“Nga pala ba’t kayo napunta dito, diba nasa east side kayo ng isla? Tanong ko sa kanila nagkibit balikat lang siya.
“Magkasabay na namatay ang amo naming”singit ni asul na ikinangisi ko. ‘ Mabuti nga sa kanya, eh halos di na kayo pakainin ng bwesit na yon,”. Sinamaan naman ako ng tingin ni Pula.
“Tumahimik ka nga, kahit ano ang nangyari amo ko pa rin s’ya.” Napaismid naman ako sa sinabi nya.
“Tss as if naman tinuring mo talaga syang amo.”
“Eh ikaw pano ka napunta sa kanya? “ mausisang tanong ni pula. Tsk nilalayo n’ya lang ang topic sabi na sa inyo ehhh. “ Mahabang kwento, Pula”. Maikli kong sabi.
‘edi iklian mo puti”. Malakas na sabi nya binatokan naman sya ni Asul. “Kahit iklian ko lang, Pula isang taon muna bago ko matapos”. Tumango-tango naman ang bobo kong kapatid. Gusto kong tumawa sa harapan nya pero nagbago na ang isip ko.
“ Gano’n na kayo katagal mag-amo?” bulong nya. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ko. Mayamaya ay naramdaman kong napatitig sya sakin kaya napatingin ako sa kanya sabay taas ng kilay.
Tsss tingintingin- tingin nya.
Napaiwas ako ng tingin ng unti-unting maningkit ang mata nya. Sabi ko nga buking na ako.“Sigurado ka ha!”
“Hinaan mo nga boses mo,” pagalit ngunit mahinang saway ni Asul.
“Tumahimik ---”
“Tapos na kayo?” singit ni master.
MAXIME POV
Tinitigan ko ng Mabuti ang mga taong dadaan sa harapan ko. Hindi ko sila Mabasa at saka parang bumalik ako sa vintage na may pagkaretro style na panahon. Napatigil ako sa pagmamasid ng biglang umingay ang mga batang kasama ko.
“Tumahimik –”
“Tapos na kayo?” Pinutol ko ang sasabihin ni ice. Napasimangot naman sya saka ako inirapan. “Opo,” sabay na sagot ni Pula at Asul. “Mabuti , kung ganon tara na ,” aya ko sabay tayo , sila naman ay dali-daling bumaba sa upuan nila. Hindi ko mapigilang mapailing talagang pumayag ako para maging keeper ng mga batang ito.
Paglabas naming ng kainan ay bigla akong may nadinig na takbo ng kabayo na ikinatigil ko. Ilang Segundo lang ay nagsihawian naman ang mga tao sa gitna ng kalsada, na tila ba may hari at reynang paparating.
Hindi ko mapigilang tumingyakad para tingnan ang nasa unahan. May mga taong sakay ng kariton habang hila-hila ng mga kabayo. Sinundan ko iyon ng tingin at tumigil ito sa gitna ng fountain.
“ang punong tagapagsalita,” dinig kong sabi ni pula.
“Nandito ako para ipaalam sa lahat na ang lahat ng binibini imbitado at maaaring makilahok para sa pagpipiling mapapangasawa ng emperor,” Malakas na basa nya sa scroll na dala nya , binate pa pala ang emperor I thought its already old and may mga anak na. Biglang umingay ang paligid.
YOU ARE READING
The Gangster Empress Reincarnation ✨
FantasyShe had the life that dream of everyone BIG MANSIONS LUXURIOUS CARS DELICIOUS FOODS AND SHE CAN DO WHAT SHE WANTS She knows for being cold and ruthless businesswoman A monster in business world Billions of money go to her bank acc. Everyday A kind...