Chapter XXIII: Can't Fight This Feeling

1K 35 16
                                    


*SORRY PO SA GRAMMATICAL ERRORS AT TYPOS. AGAIN, I DO NOT OWN THE FOLLOWING CHARACTERS THEY ARE BASED FROM THE WORK OF HIRO MASHIMA-SENSEI PLEASE DO NOT SUE.

Mirajane's POV

Pasado alas tres y medyana ng hapon nung napagpasyahan nilang lahat na magsiuwi na pati na ang mga ka-berks ni Laxus. Gustuhin ko man na dito na lang sila patuluyin ay kailangan ko pang magpa-abiso sa may-ari nitong bahay na ngayon ay nangangatog dahil sa taas ng lagnat.

Kung dito man sila Erza magpapalipas ng gabi ay hindi ko pa rin sila magagawang asikasuhin dahil nga nagkasakit ang isang Laxus Dreyar na once in a blue moon lang daw kung magkasakit.

Kailangan ko pa rin syang alagaan noh?! Alangan namang panuorin ko lang sya hanggang sa mamuti na lang ang mata nya 'di ba?

May malasakit lang po talaga ako sa mga hayop...

At isa pa nakasaad din yun sa kontrata na magpapaka-"asawa" ako kahit hindi ko naman alam kung papaano.

Ang galing lang tumayming nitong si Laxus. Yun pa talagang masaya kaming lahat tapos siya bigla na lang mahihimatay?

So yun nga nagsiuwian na lang din sila may lakad din daw yung iba sa kanila eh.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ni Laxus, pinagbihis ko muna sya ng tuyong damit kahit na hinang-hina na sya.

"Ano ba kasing pinaggagawa mo sa sarili mo work-freak?!"

"I—'ve h-heard what you've said insane b-bitch!"

Kita nyo na itong taong toh?! Kahit hinang-hina na at sya na nga yung pinapakitaan ng malasakit sya pa 'tong umaasal hayop. Akmang-akma talaga sa kanya ang animal care ko. Psh!

Tumahimik na lang ako para matahimik na rin ang animal instinct nya. Wala rin naman kasi akong aasahan sa kaluwagan ng turnilyo niya sa utak.

"H-oy wag mong bigyan ng malisya 'to ha! Dapat nga tanawin mo 'to bilang utang na loob sa kagandahan ko."

No response po ang Hari ng Kahayupan. Oh well nag-jojoke lang naman ako para gumaan naman yung mood dito.

*Tok tok tok*

"Yes?"

"Mam Mira nandito na po si doktora Poluchka ang resident doctor ng mga Dreyar." Sabi ng kasambahay mula sa labas ng kwarto.

"B-ukas p-o yung pinto papasukin nyo po si doktora please." Hindi naman sa bastos ako na pagkabata, pagbubuksan ko naman sana sila eh ahm inaalalayan ko lang kasi 'tong si Laxus na bumalik sa higaan nya. Alangan namang mag-standing ovation sya ng bonggang-bongga para check-upin 'di ba?

"Good afternoon, Miss Strauss nandito ka na pala."Sinalubong ko si doktora Poluchka pagkatapos kong alalayan si Laxus na makahiga.

"Hello po? Hehe sorry po sa abala hah. May masamang damo po kasi na biglang nagkasakit jan kaya naabala po tuloy kayo." Mula sa likod ramdam kong pinapatay na ako ng tingin nitong si Laxus.

"Hahaha naku sanay na ako sa kanilang mag-ama!" Magtatawanan pa sana kami

"What now?! Are you gonna have some time to chitchat there?! Treat me now old hag!"

"Wag nyo po syang lasunin ako na lang pong gagawa." Pabulong kong sabi kay doktora Poluchka at tumawa lang naman sya.

Sya rin yung gumamot sa akin nung na-high ako sa Azuraldehyde hehe kaya click na click kami.

Sinimulan na ni auntie Poluchka... Oh wait yep auntie na lang daw itawag ko hindi na naman daw ako iba eh. So yun nga sinimulan na nya yung pagcheck-up sa naghihingalong si Laxus yeah OA ang pag-describe ko kasi parang ganun na rin yun eh.

Jerks Meet Their Slayers (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon