Chapter XII: Slayers In Distress (Part 2)

897 46 10
                                    


 

*SORRY PO SA GRAMMATICAL ERRORS AT TYPOS. AGAIN, I DO NOT OWN THE FOLLOWING CHARACTERS THEY ARE BASED FROM THE WORK OF HIRO MASHIMA-SENSEI PLEASE DO NOT SUE.

 


(A/N: Yo! Beb Khezlyf ito na ang hinintay mong NaLu moment enjoy!!! Wieeeeeeeeee)



Natsu's POV

 

Naghiwahiwalay kami ng mga ugok para hanapin ang limang amazona. Kahit kailan talaga sakit lang sa ulo ang mga babae -_- Palagi na lang kailangan nililigtas. Psh. Pero kasi kung hindi ko ililigtas yung babaeng palaka eh di nganga rin ang plano ko para sa kanya. Hindi ko pwedeng hayaan na malamangan ako ni Gray!



"Hintayin mo ako babaeng palaka!!!" Naaamoy ko na malapit na ako sa kinalalagyan nung Lucy na yun. Kapag naligtas ko sya dito eh di mas malaki ang chance kong mapalapit sa kanya at dun ko itutuloy ang mga plano.



"Dito na yun?! T-teka? Bakit may malaking aquarium dito?! O.O" Pumasok na ako sito sa kakaibang dome na mukhang aquarium o pool? Pero wala pa namang gaanong tubig.



"Babaeng palaka!!! Hoy! Asan ka?! Sumagot ka!! Lucy!!!" Yeah sumigaw ako ng pagkalakas-lakas, alangan namang ibulong ko yun paano nya maririnig?! -_- Kumakalat kasi sa buong lugar yung amoy nya kaya nakasisiguro ako na narito sya sa lugar na toh!



Nag-ikot ikot pa ako at tiningnan ang buong paligid...



"Aray!!!" Hindi ko napansin ang isang transparent glass sa harapan ko, transparent nga di ba kaya hindi mo kita? -____-  Nag-iinit na ang ulo ko!!!



"Hoy! Palakang Lucy! Sumag— pusang gala!!" Nakita ko na rin sya sa wakas, nakabitin sa taas at nakatali ang mga magkabilang paa at kamay. Nakita kong bigla syang gumalaw, mukhang nagising na sya..



"Ang ganda nung panagini—waaaaaaaahhhhhhhh >,< Anong ginagawa ko dito!!!" Pfft seryoso? Nakapagmoment pa sya sa panaginip nya kahit nakabitin weirdo talaga.



"Tulong!!!! Huhuhu waaaaaaaaahhhhhh >,< Ibaba nyo ako dito!!!" Sigaw nya at nagpupumiglas na makatakas. Hindi ba sya nag-iisip kapag gumalaw sya lalo at makalas yung tali nya ay mataas din ang babagsakan nya. -_- Yeah na-analyze ko talaga yung sitwasyon nya, ang bobita talaga ng babaeng toh

 -__-... But somehow she's cute. Hoy! Natsu anong cute tumigil ka nga!!! Tss nahahawa na ata ako sa kabaklaan ni Gray.  Tss



"Hoy tumahimik ka nga dyan! Nag-iisip ako kung paano ka ibababa!" Yeah sinigaw ko yun since ang layo talaga ng agwat namin, nakatingala ako ng biglang may napansin akong...

Jerks Meet Their Slayers (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon