Chapter XXI: Just Wanna Have Fun

886 32 18
                                    

*SORRY PO SA GRAMMATICAL ERRORS AT TYPOS. AGAIN, I DO NOT OWN THE FOLLOWING CHARACTERS THEY ARE BASE FROM THE WORK OF HIRO MASHIMA-SENSEI PLEASE DO NOT SUE.




Mirajane'sPOV



Hindi ko alam kung ano 'tong pinasok ko pero mukhang nag-eenjoy naman akong makipagsabayan sa kakupalan ng ninuno ni Pikachu.


Sino pa nga ba eh di ang masungit at walang modong si Laxus. -____-+

Sa tuwing naiisip ko ang kabuuan ng nag mamay-ari ng pangalang yun ay parang magkakaroon ako ng alta-presyon dahil sa kanya.


Daig nya pa kasi ang isang babaeng nireregla araw-araw dahil sa pabago-bago ng mood ang ungas.


Kunwari lang yang mga hirit nya ang gusto lang talaga nya ay gawin akong utusan at ipamukha sa akin na mayaman sya tss.


Kaya lang naman ako pumayag kasi nga dun sa deal namin di ba? Sino ba naman ako para humindi sa offer ng isang tusong Dreyar.


Ilang araw din kasi akong namalagi sa ospital akala ko nga pag nakalabas na ako dun ay makikita ko na sila Erza para magpaalam ng panandalian. Eh ang kaso wala namang tao sa bahay namin nung pumunta ako huhu nakakatampo silang lahat...


Kaya ayon umuwi na lang ako sa bahay ni Laxus kung saan nya ako aalilain.

Psh. Hindi na nya ako sinundo sa ospital dahil may aasikasuhin pa daw syang importante. Pinasundo nya lang ako sa driver nila...


So yun nga una kong pinuntahan ang bahay namin tapos wala pala akong madadatnan dun -___-+


"Okay lang yan Mira, konting sa kripisyo lang toh para sa kanila..."


Nasabi ko na lang sa sarili ko. Gusto ko kasing ituloy talaga yung surprise ko kay Juvia at sa kanila na rin.


Lately subsob kasi kami lahat sa kung ano mang pinagkakaabalahan namin kaya wala na kaming gaanong oras na mag-bonding.


Huminto ang sasakyan sa isang napalalaking gate na tancha ko ay nasa 10 ft. ang haba.


Paglabas ko sa sasakyan ay literal talaga na napanganga ako kasi naman yung style ng bahay napaka modern.


"Ahh Ma'am Mira saan ko po ilalagay 'tong mga gamit nyo?"


Napahinto ako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay...


"Ma'am Mira?"


"Ay hehe, nako sorry manong pwede po bang paki-lagay na lang po sa itaas? Dun sa tutuluyan ko pong kwarto?"


"Okay po mam." Tapos nag bow sya...


Jerks Meet Their Slayers (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon