*SORRY PO SA GRAMMATICAL ERRORS AT TYPOS. AGAIN, I DO NOT OWN THE FOLLOWING CHARACTERS THEY ARE BASED FROM THE WORK OF HIRO MASHIMA-SENSEI PLEASE DO NOT SUE.
Juvia's POV
Hindi alam ni Juvia kung saan siya pupunta, basta ngayon gusto lang nya mapag-isa. Takbo lang ng takbo si Juvia na kahit nakakabangga na si Juvia ng mga taong nakakasalubong niya...
"S-sorry po..." Hindi na makita masyado ni Juvia ang daan dahil na rin sa mga luhang hindi nya mapigilan kahit anong pigil ni Juvia. Ewan ba ni Juvia parang may sariling isip ang mga luha ni Juvia.
Naramdaman ni Juvia ang malalaking patak ng ulan... Ito na naman kapag malungkot si Juvia nakikisabay din ang ulan sa kalungkutang nararamdaman ngayon ni Juvia.
"Siguro alam na alam nyo talaga kung anong nararamdaman ngayon ni Juvia..." Hinayaan na lang ni Juvia na mabasa siya ng ulan pero kahit basang-basa na si Juvia ng ulan, hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng mga luha ni Juvia...
"B-bakit k-ka ganun G-Gray-sama *sniff*, w-wala ka ba t-talagang n-nararam..nararamdaman *sniff* kay Juvia?" Tumingin si Juvia sa paligid nya, hindi na alam ni Juvia kung saang parte na toh ng Magnolia. Napadpad si Juvia sa isang lugar na may fountain... Makulimlim ang kalangitan dahil nga sa ulan. May mga tao na tumitingin kay Juvia akala siguro nila nasisiraan na ng bait si Juvia kasi nagpabasa ito sa ulan...
Masama lang naman kasi ang loob ni Juvia, ewan ba ni Juvia kung bakit ganito na lang ang naging reaction niya dun sa naging pagtrato ni Gray-sama sa kanya... Sabihin nyo? Masamang babae ba si Juvia? Mukhang suntok sa buwan na ata na mapansin ni Gray-sama ang nararamdaman ni Juvia para sa kanya...
Hindi na alam ni Juvia kung anong gagawin, wala naman kasing masabihang iba si Juvia tungkol sa nararamdaman nya para kay Gray-sama. Lahat ng kasiyahan at mga kalungkutan nya hindi nya yun sinasabi kina Erza. Ayaw kasi ni Juvia na maging alalahanin lang siya ng iba.
*sniff* sniff*
Napansin ni Juvia na parang hindi na sya nababasa ng ulan, t-teka tumigil na ba ang ulan? Kaya napalinga si Juvia at nakita ni Juvia si Lyon-sama na pinapayungan si Juvia...
"L-Lyon-sama? A-anong g-ginagawa mo d-dito? S-sinundan mo ba si Juvia hanggang dito?"
"Tsk, bakit ka ba umiiyak dahil sa Gray na yun?"
Hindi ni Juvia masagot ang tanong ni Lyon-sama, hindi rin naman kasi alam ni Juvia kung anong isasagot dun... Kaya naman ngumiti si Juvia para ipakitang hindi sya umiiyak?
"Ano bang pinagsasabi mo kay Juvia Lyon-sama? H-hindi naman si Juvia umiiyak ah? N-nakangiti nga si Juv—"
"Wag ka ng magkaila Miss Juvia, sige iiyak mo lang yan lahat..." Niyakap ni Lyon-sama bigla si Juvia kaya naman nabitawan ni Lyon-sama ang payong na dala-dala nya... Kaya naman napahagulhol lalo si Juvia at niyakap na rin si Lyon-sama...
![](https://img.wattpad.com/cover/25463115-288-k627512.jpg)
BINABASA MO ANG
Jerks Meet Their Slayers (ON-GOING)
Fiksi PenggemarA Fairy Tail fanfic that will definitely rock your system. ☺☺☺ Luxury cruisers of JeRza, GrUvia, NaLu, MiraXus and GaLe must read this thing before the world ends. muahahahahahahahahaha xD *thrilling sound of piano* NOTE: TAGALOG PO ITO, HINDI ENGLI...