t e n

9 1 0
                                    

Ilang oras ang lumipas ay pwede na kaming lumabas, ayoko na rin dito sa hospital, parang nanghihina ako sa tuwing nakikita ko ang mga pasyente na may iba't ibang dinanas.

Paglabas namin ng hospital ay kaagad akong huminga ng hangin at naglabas ng ngiti kahit hindi naman ako masaya sa nangyayari sa buhay ko.

"Here," inabot sa akin ni Felix ang isang helmet. Napatingin ako sa kaniya, may suot na siyang helmet.

"Binili mo 'to?" Tanong ko.

Tumango si Felix at inangat ang kaniyang helmet, ngayo'y nakikita ko ang mukha niya, "Wear it, we're going somewhere."

Somewhere..?

Wala man akong ideya kung saan ay sinuot ko nalang ang helmet at sumakay na sa likod niya. Saglit akong nagulat nang hawakan niya ang mga braso ko at hinay-hinay itong hinila palapit sa kaniya at ngayo'y nakapalupot na ang dalawa kong braso sa beywang niya.

And before he turned on the engine he slightly patted my hands as if he is saying.. not to let go.

Hindi ko alam ilang oras na kaming bumabiyahe dahil kumuha ng atensyon ko ang dalampasigan na nadaanan namin, palayo ito sa siyudad.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako, minulat ko ang aking mata nang huminto ang motor. Bumaba na ako at tinanggal na rin ang helmet, nilibot ko ng tingin ang buong lugar, napakaraming maliliit na makakainan at sa tapat nito ay dagat, wala ring mga building kaya't naamoy ko ang preskong hangin.

Nakasunod lamang ako kay Felix, pumasok siya sa isang malumang pintuan na may nakasulat sa taas na japanese kaya't hindi ko maintindihan, nang makapasok ay nilibot ko ang tingin sa paligid. May mga lumang larawan  na nakapaslit sa pader, base sa larawan ay kada-taon ito mula pa noong.. 1875? Napakatagal na pala ng restaurant na ito.

"ZYZY!"

Napalingon ako sa aking harap nang may biglaang sumigaw. Paglingon ko ay naabutan kong yumuko si Felix kaharap ang isang matandang hapon at sunod ay nagyakapan sila.

Oo nga pala, Felix Zy ang pangalan ni Felix kaya Zyzy yata ang tawag sa kaniya. Ibig sabihin din ay kakilala na pala ni Felix ang may-ari ng restaurant na ito.

Hindi ko naririnig ang usapan nila pero nakita kong tumingin ang matanda sa akin kaya dali-dali akong yumuko, senyales sa pagpapakita ng respeto. Hindi ako marunong mag-japanese pero base sa mga napapanood ko minsan ay ganoon sila magbigay respeto.

Mahinahon din itong yumuko sa akin at muling binalik ang tingin kay Felix, mahinang natawa ang matanda habang umiiling naman si Felix.

"Hai.. hai.." naglakad paalis sa harap ni Felix ang matanda, umayos ako ng tayo nang palapit ito sa akin.

"Ano ang pangalan mo, hija?"

Saglit akong nagulat nang marunong pala magtagalog ang matandang hapon.

"Azalea po." Muli akong yumuko at natawa ulit ang matanda sa hindi ko malamang dahilan.

"Oh sige, umupo na kayo at ihahanda ko ang ang soba." Tumatawa itong naglakad papunta sa isang pintuan na sa tingin ko ay ang kusina.

Kaagad akong umupo sa tabi ni Felix. "Who is he?" Pabulong kong tanong.

"Mr. Ishikawa, my stepfather."

Halos mahulog ang panga ko sa narinig. Kaya pala napaka-close na nila.

Ilang minuto lang ay dumating na rin ang pagkain, nagagalak ako sa nakagugutom na amoy.

"Maiwan ko muna kayo!" Tinapik ni Mr. Ishikawa ang balikat ni Felix bago umalis.

Pinagdikit ni Felix ang kaniyang dalawang kamay sabay sabing, "Itadakimasu."

That Playgirl's Karma [Under Revision]Where stories live. Discover now