s i x t e e n

7 0 0
                                    

"Really?! So si Thania pala ang kumuha sa kaniya maging butler sa party. Akala ko nga isa talaga siya sa butler sa mansion." Pinunasan ko ng malinis na tuwalya ang mukha ko habang nasa lababo ang tingin. 

Kakatapos ko lang maghilamos, tinanggal ko ang napaka-pulang blush sa pisngi ko. 

"By the way.." naglakad ako palapit sa sofa at umupo sa kaharap na sofa ni Felix, "paanong hindi ako nakilala ni Wilbert? Wala man lang reaksyon ang mukha niya, parang literal na estranghero lang ako sa kaniya." 

Ang plano namin kanina ay aasta si Felix na si Detective Alex Delaware, napakapamilyar nga sa 'kin ang pangalan ng Detective, nalimutan ko nga lang saan ko iyon nabasa. 

Tapos ako naman, papasok ako kapag lalabas na si Felix at ib-block ko siya gaya ng ginawa ko kanina, pinalapit ni Felix si Wilbert kaya hinangad ko ang aking ulo upang makita ni Wilbert kung sino ako, pero 'yon na nga, hindi niya ako kilala. 

"There's only one reason for that," binaba ni Felix ang hawak na baso ng tubig, "Wilbert is innocent." 

Nang sabihin sa akin ni Felix ang dahilan kung bakit ekis na si Wilbert bilang suspek ay napasandal ako sa sofa at namangha sa galing ni Felix. 

Hindi talaga pumasok sa utak ko ang mga rason niya na kaya inosente siya dahil hindi niya ako nakilala, syempre kapag may target ka na isang tao o may galit ka sa isang tao ay may bahid talaga ng gulat o kahit na ano pang reaksyon na magpapasabing, kilala mo ang taong iyon pero kay Wilbert, wala. 

"So.. what do you think, any idea?" tanong sa akin ni Felix kung may ideya ba ako sa iba pang posibleng may gawa nun. 

"Isang tao pa ang kilala ko na nakakapagduda." ani ko sabay tingin kay Felix.

Tumango-tango si Felix at siya ring sumandal sa sofa, "Shall we say its name together?" 

"Sure," I agreed. 

Felix counted one to three and after that, we both say who was it. 

"My bitch stepsister."  "Thania Guiterrez."

*****

Humihikab kong sinandal ang aking likod sa upuan, katatapos lamang ng second subject namin at lunch time na. Late na ako nakatulog kagabi sa libo-libong pumapasok sa utak ko. 

Isa-isa nang nagsilabasan ang mga kaklase ko at may iilan na inalok ako na sumama sa kanila mag-lunch, pero umayaw lang ako, hindi ako gutom. 

Nasanay na ang tiyan ko walang kain.

Pinanood ko nalang ang ilang mga estudyante na may kaniya-kaniyang kausap, mayroon ding naglalaro sa field kahit sobrang init. 

"What are you looking?" 

Binaling ko ang aking tingin sa taong tumabi sa akin, "Wala naman—Felix?" nilibot ko ang aking tingin sa paligid, iilan lang ang nandoon at kumakain, may iba pa sa mga kaklase ko ay napatingin sa akin. "What are you doing here?" 

"Doing my job as your private chef," sabay lagay sa hawak niyang lunchbox sa mesa. 

Umupo siya kaharap ako at binuksan ang lunchbox. 

"Sineryoso mo talaga 'yung mga sinabi ko?" Akala ko kasi nagj-joke time lang kami nun, seryoso pala ang kausap ko. 

"Uhuh," nabuksan na rin niya ang lunchbox. 

"Wow.." tila kumikinang ang mata ko sa pagkain at ilang segundo nalang ay maglalaway na ako sa bango ng ginataang gulay. 

"Here," inabot sa akin ni Felix ang isang kutsara at tinidor. "Now, you can eat." 

Kakain na sana ako nang may mapagtanto, "How 'bout you? Nakakahiya naman yatang kakain ako rito tapos ikaw hindi." 

Kumurap-kurap siya at umiwas ng tingin, "Tapos na ako." 

"Ah gano'n ba, paamoy nga ng hininga kung amoy gata 'yan."

Nakita ko kung paano magulat ang mukha niya, "What? N-No way!" 

"Guilty? Kasi ang totoo hindi ka pa kumakain, oh heto," inabot ko sa kaniya ang tinidor pero tiningnan niya lamang ito. 

"Ayaw mo? Sige ito nalang," ang kutsara na ngayon ang inabot ko pero buntong hininga ang natanggap ko mula sa kaniya. 

"Kumain ka nalang, Azalea. Niluto ko talaga 'yan para lang sa 'yo." 

"So akin na 'to?" 

"Yes." 

"Okay, so, I have the right now," sumandok ako ng kanin at gulay, pagkatapos ay nilapit ko kay Felix, "say aaah.." 

"W-What are you doing?" namula ang paligid ng tainga niya na mahina kong ikinatawa. 

"Sige na, nangangalay na kamay ko, say aahh.." 

"Azalea.." with a warn tone in his voice. 

"Felix.." kaya ginaya ko siya. 

Akala niya yata susuko ako. Kung mataas ang pride niya, mas mataas ang sa akin.

"Okay, but, just one bite." 

Tumango-tango ako bilang sagot kahit ang totoo ay hindi 'yun mangyayari. 


Niligpit na namin ni Felix ang lunchbox nang maubos na, dalawang tiyan na ang nabusog. 

"Sa susunod ulit, Felix, ha?" 

"Ofcourse, but, I will just pass it by next time, hindi na ako mags-standby dito." 

Naiiling akong natatawa sa mga sinabi niya, "Mas masaya kaya kumain kapag may kasalo, magdala ka nalang ng extra spoon para hindi parehong kutsara magagamit natin, nagmumukha tayong naghahalikan niyan—" isang pagbagsak ng gamit sa sahig ang nagpahinto sa pagsasalita ko. 

"Anyare?"

"N-Nothing," sabay pulot ni Felix sa lunchbox na nahulog. 

"Sige, alis ka na, baka mag-start na klase ninyo," sabay senyas ko ng shoo shoo. 

"Yeah, bye." mabilis ang paglalakad niya hanggang sa makalabas ng room namin. 

"Hindi naman masyadong maanghang 'yung pagkain, ah? Ba't siya namumula?" bulong ko sa sarili ko nang makitang pulang-pula ang mukha niya kanina, lalong-lalo na no'ng mahulog ang lunch box.


That Playgirl's Karma [Under Revision]Where stories live. Discover now