t w e l v e

8 1 0
                                    

Sa bawat pagtapak ko papasok ng mansion ay halos napunta rin sa akin ang tingin ng mga tao. May ibang napapahinto sa pakikipag-usap para lamang tumingin sa akin.

Nakaka-touch naman..

Umupo ako sa table 3 dahil iyon ang numero na nakasulat sa likod ng card ko. Yes, even the tables and chairs.

Nagmuni-muni muna ako ng tingin. Puno ng silverlining designs ang paligid, sa bawat gilid ay may mga food buffet, meron ding mga medias na nakaabang sa gilid ng stage.

Sa hindi kalayuan ay nakita kong tumitingin ang grupo ng mga kababaihan na sa tingin ko ay kaedad ko lang din.

Pamilyar sila sa akin at tama nga ako, sila ang mga barkada ni Thania. Umiwas nalang ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa mga snacks na nasa mesa.

Infareness, everything seems unique.

"Oh, look who's here!"

I let out a sigh when I heard a brat voice.

Umupo sa tabi ko si Thania na may suot-suot na silver dress na sleeveless at kita ang hindi naman kalakihang hinaharap nito.

"Wait. What on earth are you wearing?!" Gulat na tanong niya at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa.

"It's unique, right?" sarkastiko kong sagot.

She scoffed as she looked at me with disbelief. "Are you out of your mind, Azalea? Hindi mo ba binasa ang dress code sa invitation card? or.. intensyon mo talagang magsuot ng itim sa party ng mommy ko?"

"The answer would be.. the latter one." Sabay kuha ko ng cookie sa mesa at pinaglaruan ito.

I saw how she gritted her teeth and act like she's not affected. Come on, Thania, alam kong pikon ka na.

"Bakit pa ba kasi inimbita ka ni mommy? You're not even part of the family." Sarkastiko siyang tumawa at muling pinasadahan ng tingin ang suot kong itim na dress.

Pinigilan ko ang sarili na hindi gumawa ng eskandalo kaya lalabanan ko nalang siya sa salita. Sinandal ko ang dalawa kong siko sa mesa at tumingin sa kaniya.

"Baka nakakalimutan mo, Thania. Ako ang unang anak sa unang asawa, hindi ang ikalawang anak at sa kabit."

Natikom ang bibig niya at hindi pa ulit nakasagot sa mga sinabi ko lalo na at nagsimula na ang party.

Iniluwal na rin si Fim, isa-isang nagsipalakpakan ang mga tao, labag man sa kalooban ko ay pumalakpak din ako, mahirap na, baka may nakatutok na camera sa akin at makitang ang stepdaughter ay hindi man lang pumalakpak.

Nagsimula na siyang magspeech pero lahat ay lumusot lamang sa kabilang tainga ko.

"May I have the presence of my daughters,  Thania Guiterrez and Azalea Guiterrez."

Nagkatinginan kami ni Thania nang tawagin ang pangalan namin, kaagad na ngumiti si Thania at naunang maglakad, tumayo na rin ako at tumingin kay Fim na nasa stage, nakita ko kung paano saglit na nagulat ang mukha niya dahil sa suot kong dress, pag-akyat namin ni Thania sa stage ay napuno ng flash ng camera ang paligid.

Habang palapit ako kay Fim na naghihintay sa akin, nakita ko kung paano siya nagpilit ng ngiti.

"Surprise.." bulong ko kay Fim nang makalapit.

"Aren't you aware of my party's theme, Azalea?" pabulong na tanong ni Fim habang nasa harap ang tingin niya at ngumingiti sa bawat camera na nakikita.

"Why? Black is gorgeous.. —oh, I forgot.. ayaw niyo po pala sa itim." umasta pa akong nagulat at nakalimutan iyon.

Pilit na tumawa si Fim sabay tingin sa akin, "Acceptable, the foolishness you have are acceptable for me, my daughter." Bumitaw siya sa pagkapit ng beywang ko at kay Thania, senyales na bumaba na kami ng stage.

"What are you again, Azalea?" Sumabay sa paglalakad si Thania sa akin, nilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa akin, "A fool.."

Tila nag-apoy ang buong sistema ko at gustong-gusto nang gumawa ng eskandalo but I decided not to.

Nagsimula na rin ang kainan, tumayo na rin ako para kumuha ng pagkain at muling bumalik sa kinauupuan.

"Do you want some cocktail, Ms. Azalea?" Isang butler na may dalang tray ang huminto sa harap ko. I was about to get the cocktail when somebody stole my drink.

"What the.." kaagad akong napalingon kung sino iyon.

"Thanks for the drink!" Sabay lagok ng babaeng pamilyar sa akin. Pabagsak niyang nilagay sa mesa ang walang laman na baso at nginitian ako.

Tumingin ako sa kabilang mesa kung saan nakaupo ang mga barkada ni Thania, nasa akin ang tingin at nagtatawanan. Akmang aalis na sana sa harap ko ang babaeng iyon pero nahawakan ko ang braso niya.

"How dare you leave after you drank my cocktail?"

One of her brows rose up, "Your cocktail? Hah! Ikaw pa rin talaga ang Azalea na masyadong arogante, anak naman sa labas."

Naalarma ang kokote ko sa pinagsasabi ng babaeng 'to, I stood up and gripped her hand more.

"What did you say?"

"Bitawan mo 'ko or else.."

"Or else, what? Ikakalat mo na inaabuso kita kahit ikaw naman talaga ang nauna."

She pointed herself, "Ako ang nauna? Ang liit naman yata ng utak mo, Azalea."

"Yes, that's why get out of my face right now before I will eat your brain to make mine bigger, or maybe not 'cause yours is empty." Pabagsak kong binitawan ang kamay niya na siyang takot na umalis sa harap ko.

Nagsisi yata siyang makipaghamon sa baliw na kagaya ko.

Muli akong tumingin sa barkada ni Thania na binibigyan ako ng mapanglait na tingin.

Don't give them a damn, Azalea.

They were just jealous because you are different.

I am the black swan in the group of broilers.

I took a deep breathe before sitting again on my chair, and I was about to hold the knife and fork when somebody shouted behind me.

I turned my head from behind and saw the girl who just fought with me earlier is now lying on the floor, the worse is.. some bubbles are bursting out from her mouth.

That Playgirl's Karma [Under Revision]Where stories live. Discover now