o n e

30 2 0
                                    

Pagkatapos ng break up namin ni Ryle ay sumabog ang newsfeed ko, puno ng pambabash ang natanggap ko, may nagmemessage din ng mga threat dahil sinaktan ko raw ang isa sa hearthrob na volleyball player.

Blinock ko nalang sila isa-isa at pinagwalang pansin nalang.

Kasalukuyan akong nakaupo sa gilid, malapit sa bintana, tanaw-tanaw ko ang ground kung saan nagt-training ang mga campus soccer player.

Marami rin ang pogi sa field na iyon, pwedeng isa sa kanila ang next target ko.

Natawa nalang ako sa kung anong pumapasok sa utak ko.

Natigil ang pagpapantasya ko sa mga naglalaro nang may pumasok na ambulansya mula sa main gate, napahinto rin ang mga nagso-soccer at natuon ang tingin sa ambulansya.

Ilang minuto lang ay lumabas na ulit ito at balik ulit sa laro.

"Nakita niyo na ba 'yun?"

"Oo.. grabe.."

"Alam niya ba?"

"Ewan, parang hindi pa. Sabihan kaya natin?"

"Paano ba..?"

Napalingon ako sa katabi kong mga kaklase nang marinig ang bulungan nila, sabay silang napatingin sa akin at may pag-aalala sa mga mukha nila.

"What?" Taas kilay kong tanong.

"Ah.. hindi mo pa ba nakita, Azalea?"

"Nakita ang alin?"

Nagdadalawang-isip na binigay sa akin ng kaklase ko ang phone niya, may larawan doon.

Isang duguan na lalake, pareho ang uniform nito sa campus namin, zi-noom ko ang picture nang hindi klaro ang mukha nito.

Natigilan ako nang mamukhaan kung sino ang lalakeng iyon.

"R-Ryle?"

"Kakasend lang 'yan ng isang kaibigan ko, kinuha na siya ng ambulansya kanina." Isinauli ko ang phone niya.

Halos lahat ng kaklase ko ay nakialam sa balita at halos lahat sila ay nasa akin ang tingin.

Ang ibig sabihin, ang ambulansya na pumasok kanina ay ang nag-rescue kay Ryle na nakitang bugbog sarado.

"NASAAN SIYA?!"

Naalarma ako nang may biglang sumigaw mula sa pintuan ng classroom namin.

"SAAN ANG BABAENG 'YON?!"

Napatayo ako nang mamukhaan ang babaeng galit na galit na inaawat ng mga kasamahan niya.

Rein Santiago, ate ni Ryle.

Napunta ang tingin niya sa akin at biglang naging matulis ang paningin niya at mas kumuyom ang mga kamao.

"Y-YOU... BITCH!"

Tumakbo ito palapit sa akin at ang tanging nagawa ko lang ay tumayo roon at nang makalapit siya ay napasigaw ako nang hilahin niya ang buhok ko.

That Playgirl's Karma [Under Revision]Where stories live. Discover now