Hinay-hinay kong minasahe ang pisngi ko gamit ang maginaw na tuwalya. Namaga ang isang bahagi ng pisngi ko sa sampal ni Fim.
Nang mawala na ang pamamaga ay pumunta ako sa kusina para magluto ng makakain ko, matapos ang mabigat na labanan laban sa ate ni Rein na sinabunutan ako, pagtapon ng bag ni Thania sa ulo ko at sampal ni Fim ay parang mapupuno ng pasa ang katawan ko kinabukasan.
Ramen nalang ang niluto ko dahil iyon ang pinakamadaling lutuin, nagugutom na rin ako. Naisipan kong sa balkonahe ako kakain.
"Wow..." puno ng city lights ang makikita ko samahan pa ng malamig na hangin.
Nasa 9th floor ng condominum ang unit ko kaya kitang-kita ang ilalim. Nang maubos ang ramen ay napabuga ako ng mainit na hangin at nabusog na rin.
Sumandal ako sa upuan at tinanaw ang malaking buwan sa taas.
"Ang layo mo naman.."
Pangarap ko noon pa lang ang tumira sa buwan, gusto ko mamuhay mag-isa ro'n. Walang mga naka-suit ang biglang huhuli sa akin at walang dalawang bruha na gugulo sa buhay ko, wala ring mga mata ang titingin sa'kin.
That's my childhood dream, until now, I secretly wanted it to happen.
May biglang tumulo na butil ng tubig sa pisngi ko kaya kaagad ko itong hinawi.
"Wala namang ulan, ah?"
Muli na namang may tumulo kaya kaagad ko itong hinawi hanggang sa rumami ito.
Napagtanto ko na... galing pala sa mga mata ko.
"Putangina, bakit ako umiiyak?"
Pinilit kong alisin ang patuloy na pagtulo pero kusang tumutulo ito hanggang sa hinayaan nalang itong tumulo sa hita ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman ang malakas na pagtibok nito.
Hindi na yata niya kinaya, masyado na yata siyang nasaktan. "Sorry..." bulong ko sa sarili ko.
Nakakatawa, wala sa isipan ko ang umiyak pero kusang tumulo ang luha ko.
Masyadong malakas ang dumadaloy sa utak ko na dumating sa punto na may puso rin pala ako— parte ng aking katawan na mas naaapektuhan— pero hindi ko binibigyan ng pansin na umabot sa puntong.. nilalaro ko nalang ito.
——
"Azalea?!"
Gulat na nilapag ni Shan ang hawak niyang bote nang mapagtanto niya kung sino ang kaharap niya.
"Yes.. it's me!" Sabay hawi ko sa buhok ko.
Nasa bar ako, malakas ang tugtog ng musika at may nagsasayawan sa gitna.
After my dramatic event in my unit, I decided to take a break here at the bar.
"Anong ginawa mo sa buhok mo..?" Hinawakan niya ang buhok ko na agad ko namang sinapak ang kamay niya.
"It's nice! Blonde hair suits me, right?" Sinuklayan ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko.
Shan nodded, "Yeah, it suits you. But I feel bad for your hair, madadamage 'yan." Nakangusong saad niya.
"Sira na ang buhay ko, isali na rin natin ang buhok ko." Pangiti kong sagot.
"Gaga ka, nagawa mo pa talagang mag-joke." Bumalik siya sa pagmimix ng alak.
Luminga ako sa paligid, medyo lumaki ang espasyo ng bar na ito. "Ni-renovate ba 'to?"
"Oo, nakaraang buwan lang."
"Wow.. buti pa ang bar lumuluwag." Ang solusyon sa problema ko, hindi.
"Pinagsasabi mo? Oh heto." Sabay abot niya sa akin ng alak.
YOU ARE READING
That Playgirl's Karma [Under Revision]
RomanceKnown as the playgirl on their campus, Azalea Louise Guiterrez- loves to play with their hearts like a toy- until one typical morning changes everything in her life when she ended her relationship with Ryle Satiago, her ex became the victim of an as...