° CHAPTER 2

4.3K 51 0
                                        

Lunch break kaya mag isa akong naglalakad patungong garden ,ayokong pumasok Ng cafeteria dahil alam Kong mahal ang mga tinda dun. Masa mabuting magtiis nalang Muna sa gutom kesa gumastos ako Ng malaki para sa panandaliang pagkain.

Liliko na sana ako sa gawi Ng garden Ng may pasimpleng pumatid saakin. Napasahinghap Ako dahil sa pagkabigla, namalayan ko nalang ang Sarili Kong nakadapa habang nakangiwi dahil sa hapdi Ng aking tuhod.

"Anu ba yan ,ang lampa naman"

Hindi ko alam kung sino ang nagsalita dahil bago pa lamang Ako ay sa malamang ay wala pa akong kilala Dito. Pero base sa Boses nito ay alam Kong babae ito.

Kagat labi Kong inupo ang Sarili at marahang hinilot ang tuhod ko. Kita ko sa gilid ng mata ko Ang pag dami ng estudyanteng nakapalibot saamin. At Hindi ako Tanga para Hindi malaman na pinagtatawanan nila ako. Naiiyak Kong itinayo ang Sarili at walang pasabing tumakbo palayo sakanila.

First day ko ito ngunit may kamalasan agad na nangyari. Ngayon pa lang ay alam ko Ng Hindi magiging madali ang pagpasok ko rito.

Hinihingal Akong nakarating sa loob ng garden , malawak Dito at maaliwalas halatang di pinapabayaan . At halata ring walang tumatambay dahil sa tahimik ito. Bahagya akong napangiti , sa wakas may magiging tambayan na rin ako malayo sa mga mapanghusga nilang mga mata.

Naupo Ako sa lilim Ng Puno . Naisandal ko na lamang ang ulo ko sa katawan Ng Puno dahil sa pagod na nararamdaman .

Napapikit Ako ng bahagyang humangin, Kay sarap ng hangin sa balat napaka preskong damhin.

SA Hindi inaasahan ay napatingala Ako ngunit ganun na lamang ang pangamba ko ng makita Ang Isang tao na nasa itaas ng Puno mariin itong nakatingin saakin kaya napalunok Ako ng ilang beses dahil sa kabang nararamdaman.

Akala ko pa naman walang iBang tumatambay Dito.

Nagulantang Ako ng tumalon ito saktong sa harapan ko pa mismo Ang bagsak nito.

"Did you know that stepping to my comfort zone might give you a chance to die." Ani nito sa malamig na tono ngunit halatang may pagbabanta.

Ito ang lalaking Nakita ko kanina sa dean's office. Tulad ng naramdaman ko kanina ay naulit itong muli.

Nanginginig akong tumayo at lumayo sakanya.

"P-pasensya na, Hindi ko a-alam." Takot akong harapin ang nagbabaga nitong mata kaya Mas pinili ko na lamang ang iyuko ang aking ulo.

Hindi ko inaasahan ang sunod nitong ginawa, mariin nitong hinawakan ang panga ko at sapilitang pinatingala sakanya. Ramdam ko ang higpit at mumunting sakit na nagmumula rito. Nag iinit na rin ang sulok ng mga mata ko sa takot na lumulukob sa Sistema ko.

" We met again, girl in the dean's office"

Naalala nya Ako? Kung gayon ay talagang tiningnan nya nga ako kanina ,ang akala ko pa naman ay makakalimutan ako into dahil Hindi naman matagal ang among pagkikita .

" Hunter , remember my name. Little dimwit"

Nakahinga Ako ng maluwag ng bitawan na nito ang aking mukha.

"This is not the last time that we will meet."

Sa sinabi nyang iyun ay parang sumabak Ako sa karera dahil sa malakas na kabog ng dibidib ko, at ramdam ko Ang muling pagsalakay saakin ng kaba.

No Hindi pwedeng magkita ulit kami. Alam Kong Hindi magiging maganda ang magiging dulot nun.

Nakaalis na ito sa harapan ko ngunit ramdam ko parin ang iniwan nitong takot saakin.

Hunter, sisiguraduhin Kong Hindi magtatagpo ang landas natin. Hinilot ko ang sintido at muling naupo sa pwesto ko kanina.

First day yet so tiring.

°🥀

BULLY'S OBSESSION (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon