Chapter 32

1.7K 19 0
                                        

1month passed at walang Hunter na muling nagpakita sa akin. Masaya na akong kasama ang aking totoong pamilya pero ramdam ko pa rin ang kulang.

Dash and I became really closed , ayaw nyang tinatawag ko siyang kuya kasi mas baby face daw siya saakin and mas okay na yun kesa kuya talaga maging tawag ko sakanya eh mas nasanay akong pangalan lang niya ang tawag ko sakanya.

Pinagpatuloy ko ang pag aaral ko and pinatransfer ako ng mga magulang ko sa bagong school para new school new life daw. Daming alam noh , btw nalaman kasi nilang marami daw bully sa dati kong school kaya ganun.

Panibagong araw ngayon sa pagiging normal student ko. Sout ang uniform ay napatingin ako sa salamin.

Medyo bagay naman sa akin. Mas lalo akong pumuti and wala ng bakas ng mga peklat ang katawan ko kaya kampante na ako na makita ang braso ko .

White long sleeve and may black ribbon ang upper ng uniform while yung sa ilalim naman ay black skirt na hanggang tuhod , hindi siya pencil style skirt kundi parang yung sa mga korean style skkort kumbaga ang style nito.

And I really love it. Simple yet elegant.

Naka pony tail lang ang buhok ko and to tell you the truth hindi ko pa kailanman nalagyan ng make up ang mukha ko yung tipong mag mumukha akong clown . Siguro liptint or polbo solve na.

Nag peace sign ako sa salamin kasabay ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko niluwa nito ang kapatid kong nakataas ang kilay sakin.

Nilingon ko ito at napakunot noo.

"Uso ang pagkatok dear brother." binaba ko ang kamay ko at kinuha ang bagong bag pack ko. Narinig ko pa ang munting reklamo nito pero hindi ko na ito pinansin.

He became more protective on me , and medyo nasisiyahan ako kasi I have kuya na makulit pero super protective.

Lumabas na ako sa kwarto ko at hinaklit ang braso ni Dash, kinawit ko naman dun ang braso ko. Puro naman mga walang kwentang bagay ang mga pinagsasabi nito habang papunta kami ng dining area. We dont have much time to eat pero mas mawawalan kami ng oras kung hindi kami makapag almusal dahil sa tiyak na sermon ng mga magulang namin.

Mas inalagaan nila ako----kami. And I can feel na binubusog nila ako ng pagmamahal nila. Pakiramdam ko nabubuo na ko pero alam ko na may kulang pa. Hindi ko alam kung anu o sino. Basta isang tao lang ang palaging nasa isip ko.

Hunter

Malaking role ang ginampanan nya sa buhay. A bully who changed into a soft one.

Alam kong naging masama ito saakin , alam kong minsan na nitong pinaramdam saakin kung gaano kasakit ang mabuhay ,kung gaano kahirap ang walang masandalan habang nasasaktan ka.

He hurt me physical , he tear me apart.

Pero alam ko na lumambot sya. He change himself into a better one.

Kung nasaan man siya ngayon sana di pa huli ang lahat para saamin.

"Dear sister ko, may balak ka bang titigan lang yang nasa harapan mo? Kasi sobrang late na tayo."

Nabalik ako sa katinuan ng marinig ko ang sarkastikong sabi ng kapatid ko. Lihim akong napairap at sinimulan ng kainin ang mga pagkaing nasa harap ko.

Hindi nakaligtas ang mumunting hagikhik ng magulang namin tila natutuwa saaming dalawang anak mga anak nila.

Napangiti nalang rin ako saka madaliang tinapos ang kinakain ko.

"Mom were done na po , pasok na po kami." Nakangiting sabi ko at lumapit , humalik ako sa pisngi nila ganun din ang ginawa ni Dash.

They smiled to us widely and give us a hug bago tuluyang lumakad paalis.

---

Pumarada ang kotseng sinasakyan namin sa parking lot ng WESTERN GORREN UNIVERSITY.

Bongga ng school name noh , maganda ang school na to dahil sa complete facility sila and pumapangalawa talaga to sa GIDEON  my previous school.

Naunang lumabas si Dash bitbit ang bag, lalabas na rin sana ako ng lumiko ito papunta sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Naks gentleman.

Lumabas naman ako dala ang malaki kong ngiti.

"Para kang tanga."

Inirapan ko lang ito sabay sukbit ng bag ko.

Umaasa pa rin ako na sana nandito si Hunter sa school na to. Hoping na magtagpo muli ang landas namin , ewan pero parang nasanay ako sa presensiya nito noon. Kaya umaasa akong sana sa panibagong eskwelahang eto ay narito rin sana siya para makabuo kami ng panibagong memories 'yung good and happy memories'.

Were heading to our respective room , bawat madaanan naming estudyante ay ngumingiti saamin kaya para kaming timang na hindi mabura bura ang ngiti sa mga labi.

Nakakangalay rin palang ngumiti noh, kaya siguro ayaw ni Hunter na ngumiti.

Magkaklase kami ni Dash , ayaw talaga niyang magkahiwalay kami. Ika nga niya ay dapat daw palagi siyang nakadikit sa akin para hindi na ulit ako lapitan pa ng mga taong may sakit sa utak.

Matiwasay kaming nakarating sa room namin , naupo kami sa pinakahuling upuan. Nandun kasi yung may pinaka malapit na bintana. Alam niyo naman na mahilig akong magmasid sa labas kung nabobored ako sa lesson. Nilagay ko ang bag ko sa lap ko at umayos sa pagkakaupo.

"Good morning class we have a new transferee here. Siguro nagtataka kayo kung bakit sa kalagitnaan na ito ng school year nagtransfer 'oh well nagkaproblema daw sa dati niyang school  and napilitan nalang daw siyang lumipat'." sumenyas ito sa may pintuan ng pasok sa kung sino man ang nasa labas.

Napanganga ako ng tuluyan na itong pumasok.

"Ang g*go di napigilan." rinig kong bulong ng katabi ko rinig ko rin ang natatawa nitong boses.

Oh my! Totoo ba itong nakikita ko!
Oh likha lang to ng utak ko kasi naman! Palagi lang naman siya ang laman ng utak ko. Corny pero argh! Tinamaan na ata ako ng lintik.

"Kalma ka lang kapatid, baka matunaw yan."

Sinamaan ko ng tingin ang kanina pang bubulong bulong kong kapatid.

"Introduce yourself 'iho'."

Kalmado namang lumakad ito papunta sa harapan.

"Hunter." malamig nito sabi sa karamihan bago magtagpo ang mata namin kita ko ang paglambot ng ekspresyon nito sakin at bahagyang pagkibot ng labi nito.

Rinig ko naman ang pasempleng singhal ng katabi ko pero wala dito ang atensyon ko kundi sa taong naglalakad papuntang harapan ko. Hindi na nito hinintay ang utos ng guro na humanap ng upuan kundi kusa itong umupo sa upuang nasa harap namin.

Lumingon ito saakin.

"I miss you."

Parang binundol ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig nito.

"G*go!" saad ng kapatid ko , pero tanging ngisi lang ang binigay ni Hunter sakanya.






BULLY'S OBSESSION (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon