NAGISING ako sa hindi pamilyar na kwarto , maganda ang disenyo nito 'ang mga kulay kahel na kurtina na nagsisilbing panakip sa glass wall . Kita yung labas mula dito sa kwarto 'and I must say na nasa itaas na bahagi ako ng mansyon na ito.
Nilibot ko ang paningin sa kabuoan , may bedside table and dun nakalagay yung lampshade and alarm clock. Masasabi kong organize ang kwartong ito. May malaki ring walk in closet dito , and isang door na banyo ata ang laman. May mini ref din dito.
Just wow.
Sobrang yaman ng may ari nito , may veranda din dito.
Nakakamangha talaga , and I can't keep my eyes to roam around . Sobrang ganda ng vibes dito.
Napaupo ako ng maalalang kasama ko nga pala kanina si Dash . So nasa bahay nila ako?
"Your awake"
Napalingon ako sa may pintuan , and there he is . Dash with his signature friendly smile. Napangiti rin ako dito ng bahagya at tumayo na sa pagkakaupo. Madami ang katanungan ko sa isipan kaya't hindi ko muna paiiralin ang sama ng loob ko.
"Nasan tayo?" kunot noo kong tanong dito , may hint na ko pero ayoko namang paniwalaan agad ang nasa isip ko.
He smiled to me widely before he answer my question.
"Nasa bahay tayo."
Napa-O shape naman ang labi ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mamangha dito lalo pa't bahay lang to sakanya eh palasyo na ata to .
Tuluyan na akong nakalapit dito , he patted my head na kinangiwi ko . Does he know na hindi ako puppy?
"Tara , you will meet our parents." kinuha nya ang kamay ko at nagpatiuna na sa paglalakad. Sa sobrang laki ng mansyong ito ay medyo natagalan kami papunta sa dining area. Yes dining 'kakain na pala and to tell you umaga na ' ganun siguro katagal yung tulog ko marahil sa pagod kakaiyak.
Napahinga ako ng malalim , ayokong maramdaman ang bigat sa dibdib ko masyadong masikip at parang hindi ako makahinga ng maayos. Siguro mas makabubuti na pag usapan namin to.
Napaisip naman ako kay Hunter bigla, How is he doing right now 'is he doing okay.? Teka bakit ko nga pala siya iniisip , siguro ang dapat isipin ko muna ngayon ay ang problema ko.
Napabuntong hininga ako.
Dash offer me a seat beside him and hindi naman ako tumanggi , sino ba ako para tanggihan siya .
Napatingin ako sa dalawang tao na nasa harapan namin , .nakatingin sila sakin ng malumanay na kinailang ko.
Masasarap ang nasa hapag kainan pero parang hindi ako natatakam dahil sa kabang nararamdaman ko. Ramdam ko ang pag nginig ng aking mga kamay na nasa ilalim ng mesa.
Hooohh kalma lang Raquin , hindi ka nila kakainin para mag ganyan ka.
Muli akong napahinga ng malalim to compose myself from nervousness.
"Eat first iha we will talk later." saad ng ginang marahil siya ang mama n-namin. She looked at me with those pleasing eyes , napaiwas ako ng tingin dito.
Linagyan ng ibat ibang pagkain ni Dash ang plato ko kaya nagmukha akong patay gutom dito. Sinulyapan ko ito ng masama na kinatawa lang niya ng bahagya.
Kimi ang mga kilos ko habang kumakain , para hindi naman ako nagmukhang patay gutom dito. Tanging mga utensils lang ang maingay dito sa kusina , wala ni isa ang nagsasalita . Ayoko rin naman magsalita dahil sa naiilang ako.
Kain , nguya , lunok lang ang ginagawa ko. Nasa pinggan ko lang ang atensyon ko , hindi ko manlang matingnan ang mga gawi nila dahil sa paraan ng mga titig nila.
Natapos kami ng matiwasay pero nandun parin ang awkwardness.
Nasa may sala na kami. Magkatabi parin kami ni Dash na nakaharap sa mga magulang daw namin.
"I-iha anak."
Paunang salita palamang ng ina namin ay ramdam ko ng naluluha ako. Siguro dahil sa ngayon lang may tumawag sakin ng anak. Umiwas ako ng tingin dito at napayuko. Nasa daliri ko lamang ang atensyon ko.
"Pasensya na kong nagawa ka naming pabayaan."
Ramdam ko ang sakit sa boses nito at ang mumunting hagulgol nito. Parang may bumara sa lalamunan ko sa sandaling ito , pilit ko paring pinipigilan ang iyak ko .Hindi ako sumagot o nagsalita man lang sa sinabi nito , nakinig ako. Gusto kong maliwanagan .
"K-kinidnap ka nun , k-kayong dalawa ng kuya mo. P-pero ang kuya mo lang ang tanging nakuha namin mula sa mga kidnapper . Three years old ka palang nun . Hindi namin alam kong nasan ka. N-nawalan kami ng pag asa na buhay ka pa k-kasi matagal kaming naghanap sayo. A-and wala kaming lead kung nasan ka o yung katawan mo manlang, yung mga kidnapper naman ang sabi lang nila inabduct kana daw nila."
Napahagulgol na ito ng tuluyan , niyakap naman siya ng asawa nya. Napalingon naman ako kay Dash naiiyak na rin ito. Napaluha ako sa narinig.
Pinagpatuloy nito ang sinasabi.
"A-anak , Hindi namin alam ang gagawin kasi ikaw yung bunso namin tas nawala ka pa. Ilang taon kaming naghanap sayo , ilang taon kaming nagdusa 'hindi makakain ng maayos kasi baka nagdudusa ka habang kami nagpapakasaya ka. Anak sobrang hirap , yung mga ngiti mo na nagpapasaya samin 'hindi na namin nakikita. A-anak pasensya na."
Napatakip ako sa aking mukha at doon binuhos ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam na naghihirap rin pala sila , ang akala ko sobra sobra na yung paghihirap ko pero hindi ko rin naisip na baka naghirap rin sila nung mga panahong wala ako.
Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Dash , ang kuya ko.
"And there this time , na may palaging kinekwento si Dash na babae na napakaganda daw at mabait. Yung tahimik sa lahat pero masayahin pag ka close mo na sobrang daldal daw. Palagi ka nyang kinekwento saamin. Sa mga kwento palang niya ay napakagaan na sa loob namin. And one time pinakita niya yung picture niyong dalawa habang magkasama. A-anak alam namin ikaw ang anak namin."
Ngumiti ito ng bahagya saakin ,kita ko ang tuwa sa mukha nito habang binabanggit ang katagang 'anak'.
Napangiti rin ako, hindi ko alam na kinukwento pala ako ni Dash sa mga magulang nya.
"Pero hindi naman kami makaka pagsabi na anak ka talaga namin kung wala kaming ebidensya."
She handed me a paper, napahiwalay sa akin sa pagkakayakap si Dash . kinuha ko ang papel at tiningnan ito.
99.9% na kadugo nila ako. DNA test to.
"Kinausap namin si Dash na kunan ka ng hibla ng buhok na hindi mo nalalaman para makumpirma ang hinala namin. "
Ng matapos ito sa eksplenasyon nya ay lumapit ito sakin at binigyan ako ng yakap.
Napapikit ako , nasagot na ang mga katanungan ko. Ramdam ko ang pag gaan ng pakiramdam ko. Niyakap ko rin ang mama ko ng mahigpit.
"Group Hug!" sigaw ni Dash at dali dali ring yumakap saamin, naramdaman ko rin ang pagyakap ng papa namin.
Hindi ko narinig na nagsalita ito kanina pero kita ko naman ang saya sa mukha nito.
Ganito pala ang pakiramdam ng may pamilya noh. Sobrang saya.
Natupad na ang pangarap ko. Hindi ko lang akalain na may kapatid pala ako at si Dash pa iyun.
Anu kaya ang itatawag ko sakanya? Kuya na ba or Dash nalang ?
BINABASA MO ANG
BULLY'S OBSESSION (Completed) Under Editing
RandomHuminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat...
