Chapter 33

1.8K 19 0
                                        

NAPATAYO ako ng mag bell na hudyat na snack time na , tumayo na din si Dash maging ang iba kong kaklase.
Kanya kanya kaming labas ng room.

Nagugutom na ako kaya wala na akong pakialam kung may mabangga ako o wala. Paunahan na to .

Nasa hallway na ako ng may biglang humarang sa harapan ko , kunot noo akong napatingin dito.

'Its Hunter'

Nakapamulsa ito sa harap ko.

"Can we talk." mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko. Huminga ako ng malalim para pigilin ang dibdib kong kanina pa nagwawala.

"Sure. Saan ba?" hindi ko pinahalatang gusto ko din makausap siya , baka sabihin niyang na miss ko siya. Nakakahiya naman kung mabuking agad.

Tumalikod ito sa akin at nagsimulang lumakad , kaya sinundan ko ito.

Dinala niya ako sa likod bahagi ng building namin. Napapaligiran dito ng mga naglalakihang puno. Masarap ang simoy ng hangin yung tipong mapapapikit ka pag nag simula ng umihip ito.

Nabigla ako ng hapitin nito ang katawan ko palapit sakanya.

"I miss you so much."  ramdam ko ang pangungulila sa boses nito , he hug me tight pero nakakahinga pa naman ako.

Nangingilid ang luha ko dahil sa saya na nararamdaman. Sa isang buwan na lumipas palagi kong inaalala kung kamusta na siya , kung nasa maayos ba siyang lagay. And it seems like he's doing great. Siguro natutunan na niyang mag pigil.

"Are they treating you nice?" he's voice was trembling in every word he says.

Ramdam ko ang labis nitong pangungulila na nakadagdag sa kakaibang nararamdaman ko. I heaved a deep sigh before answering his question.

"Y-yes, masasabi kong bumabawi sila. I could feel the real love of having a family."

Mas humigpit ang yakap nito sa akin.

"Good to hear that. I-Im happy for you. I guess I need to have your parents permission before having you in my life.....forever."

A-anong.

I could feel my heart beat so fast.

Nilayo nya ang katawan saakin pero ang mga kamay niya ay nanatiling nasa bewang ko. He stares at me with full of love and longing. I could feel my face burning wild.

Naiwas ko ang paningin sakanya at napayuko nalang. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ngayon.

"I think I can't wait to....marry you."

And with that my knees trembled in so much emotions I could feel. Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko. He cupped my face and want me stare at his face.

He smiled widely at me.

"You look cute while blushing."

Napasimangot ako.

Heh! Kasalanan niya kung bakit nag iinit ang magkabila kong pisngi! Pabigla bigla kasi eh.

Niyakap nya ako ulit ng mahigpit kasabay ang paghalik nito sa tuktok ng ulo ko.

"Tama na ang bonding niyo magpamilya. Tayo naman magbonding ngayon." sabi niya sabay inangat ang mukha ko , kita ko ang pagtitig nito sa labi ko.

"Can I?"

Paghingi ng permiso nito. Napalunok ako , hindi paman ako nakakapagsalita ay sinunggaban na nya ako ng mainit na halik.

Hindi ito mapusok, ang malambot nyang labi ay swabeng gumagalaw na para bang iniingatan nya ang labi ko.

His sweet kisses deepen and I must say that this kiss might loss are breath!

BULLY'S OBSESSION (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon