Napabuntong hininga Ako matapos Gawin ang pagtapon. Nasa likod bahagi ng coffee shop ang basurahan kaya kampante akong ako lang ang nandito.
Pinunasan ko ang pawis na nasa nuo ko , pinawisan ata ako sa kaba. Ilang beses akong huminga ng malalim para maibsan kahit kunti ang kaba sa dibdib ko.
Nang makuntento ay napagpasyahan ko ng bumalik SA loob , panigurado naman ay wala na sila dun.
Tinatahak ko na Ang daan pabalik ng may biglang humila sa kamay ko dahilan para mabalik Ako sa pwesto ko. Hila hila Ang kamay ko Hanggang sa napunta kami sa parteng madilim.
Napalunok ako sa kaba , pinilit Kong bawiin ang kamay ngunit mahigpit itong nakakapit. Ramdam ko ang sakit sa mga hawak nya kaya napapadaing ako bawat lakad namin.
"Are you avoiding me?" Bungad nyang Tanong ng mahila nya Ako malayo layo SA coffee shop, napasulyap Ako sa paligid dahil medyo napalayo kami.
Grabeng Kaba Ang nanuot sa kaloob looban ko. Hindi ko kakayanin ang makasama sya sa iisang Lugar. Para akong hihimatayin sa sobrang Kaba at takot sa maari nitong gawin saakin.
Napaatras Ako ng bahagya itong lumapit saakin. Kita ko Ang pagsama lalo ng timpla nito. Umigting Ang panga nito at walang pasabing hinawakan ng mariin Ang magkabilang balikat ko.
"I saw you ... Your flirting with that guy..." Humihinga sya ng malalalim habang galit na Galit na nakatingin saakin, sambit ang mga katagang Yun na may panggigigil sa Boses.
Para syang baliw na handang pumatay , nakakatakot ang kanyang ekspresyon . Para bang anu Mang Oras ay sasaktan nya ako.
Hindi ko mapigilan ang magpumiglas baka sakaling makawala sa hawak nya. Pero mas Lalo lamang nyang hinigpitan ang hawak saakin. Naiiyak na ako sa takot para akong gelatin na anu Mang oras matutumba na sa sobrang lambot.
"B-bitawan m-mo ko." Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko ngunit walang nag iba sa ekspresyon nya mas lalo syang nagalit at Walang pasabing sinampal ako.
Napasalampak ako sa lupa , at umiiyak na hinawakan ang pisngi Kong napuruhan . Nalasahan ko Ang dugo sa aking labi.
Nanlalambot ako sa takot , Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin , masyado syang Galit. Hindi ko alam kung bakit ganyan Ang Galit na nararamdaman nya saakin. Para bang pag aari nya ako na dapat sundin lahat Ng mga utos nya. At kapag lumabag ay maari Kong ikasawi ang Anu mang parusang kanyang ipapataw.
Napayuko Ako at mahinang humihikbi , ramdam ko ang paglapit nito saakin. Kaya't parang tinambol nanaman ang puso ko sa takot.
"I-Im sorry." Malambing Ang Boses nito kaya takang tiningnan ko ito , wala na Ang Galit nyang ekspresyon. Ang kanyang mata na kanina lamang ay puno Ng Galit ngayon ay nabahiran ng pag aalala .
Ginilid ko ang ulo ko baka sakaling Mali ang nakikita ko. Tinuyo nya ang pisngi ko at marahang hinawakan ang labi Kong medyo namamaga na.
"I-ikaw Kasi , palagi k-kang n-nakikipag usap sa mga lalaki." Parang batang nagsusumbong ito saakin. Napalunok Ako , b-bakit ganyan sya? Madaling mag iba Ang emosyon nya. B-bakit.
Napaiwas ako ng tingin at pilit lumayo sakanya , kita ko Ang muling pag igting ng panga niya.
Nagulat nalang Ako Ng binuhat Ako nito na parang Sako at dinala SA kung saan .
"Bitawan mo ko!" Pinalo Palo ko ang likod nito , pero kamay ko lang ata Ang nasasaktan dahil patuloy lamang ito sa paglalakad .
"No! Your coming with me." Ramdam ko ang kaseryosohan sa boses nito na mas lalong nagpaiyak saakin. Hindi ako sasama sakanya!
Nagpumiglas Ako ngunit huli na ng pabato ako nito pinasok sa loob ng sasakyan. Agad nyang nilock Ang pinto at pumuntang driver's sit.
Umiiyak Kong kinalampag Ang pinto , at paulit ulit na nakiusap na pakawalan nya ako. Ngunit matigas lamang itong nakatuon sa pagmamaneho.
"Pakiusap! Ayokong sumama sayo!" Umiling iling pa ako habang naka saklop ang dalawang kamay naka tingin sakanya habang umiiyak. Ngunit ganun na lamang ang panghihina ko Ng Galit nya lamang akong tiningnan bago sigawan.
"Shut the f*ck up!"
Nanghihina Kong iniyuko ang Ulo Ang lumayo ng distansya sakanya.
Paanu na ngayon? Mas lumalala ang sitwasyon ko. Ilang beses kong kinwestyon ang sarili kung Anung maling nagawa ko at bakit ganun na lamang Ang Galit nya saakin.
Hind ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.
----
A/N
Malapit na sa hinihintay Kong part .
BINABASA MO ANG
BULLY'S OBSESSION (Completed) Under Editing
De TodoHuminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat...
