Chapter 27

2K 25 0
                                        

Quin's Pov.

Tikom ang bibig kong pumasok sa kwarto , nauunang maglakad si Hunter at nakasunod lang ako sakanya. He's aura is screaming for danger, kaya mas pinili kong manahimik at hindi muna kausapin ang kasama.

Hindi ko sya maintindihan, naguguluhan na ako . Masyadong komplikado ang mga bagay bagay sakanya. Hindi ko maintindihan minsan ang takbo ng utak nya. Para bang napakahirap nya basahin sa kahit na anung anggulo.

Inilapag nya ang bagaheng bitbit ko kanina. Hinarap nya ako at tiningnan ng malamig. Kaya napaiwas ako ng tingin.

"Get rest for a while. I will make you a food to eat." 

Wala na syang ibang sinabi saka nilagpasan ako na naka tunganga dito sa loob ng kwarto. Marunong syang magluto...? Napakibit balikat nalang ako saka sinarado ang pinto at tinungo ang kama . Humiga ako at pinikit ang mata . Kahit panandalian sana ay mawala ang agam agam na ito. Masyadong marami ang nangyayari ngayong araw.

Napamulat ako ng maalala kung kamusta na kaya si Dash. Baka nagtatampo yun sakin kasi d ako sumama sakanya .

Grabe ang kaba ko kanina , hindi ko alam ang gagawin ko if ever man na saktan ni Hunter si Dash. Hindi ko alam pero sobrang sama ng aura nito makatingin kanina. Hindi to maganda. Alam kong mali pero wala akong magagawa , sobrang possessive nya to the point na nakokontrol nya ako. Nakakatakot suwayin ang gusto niya. Para bang anytime ay mapapatay nya ako .

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naiisip ko, di ko alam ang dapat gawin. Alam ko sa sarili kong nakakaramdam na ako ng atraksiyon sakanya ngunit 'mas mabuti atang pigilan ko to kesa lumala pa. He's dangerous and I know what he's capable of. Ilang beses ko ng naramdaman ang kalupitan nya at sa karanasan kong iyon nakakapanginig talaga ng kalamnan . Napailing ako sa naisip ko at bahagyang napangiti ng mapait , kung siguro ay may mga magulang lang sana ako o di kaya'y kapatid man lang 'siguro  may magliligtas sakin sa mga panahong naranasan ko ang kalbaryong iyon.

Napatingala ako ng maramdaman ang pangingilid ng mga luha ko. Hah! Ang Oa ko naman para magdrama pa. Sa daming mga nangyari sakin ngayon pa ako nagdamdam. Nakakainis na nakakalungkot pero ito ang reyalidad ko. Never akong sasaya.

Napaayos ako ng sarili ng maramdamang may papasok dito sa loob, pinilit kong itago ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag ngiti ngunit nawala ang ngiti ko ng makitang si Hunter pala ito. What do I expect , dalawa lang naman kami dito dahil yung mga kasambahay ay nasa day off .

Kita ko ang dala nitong tray, nakahain doon ang sinasabi nyang niluto daw niya. Naningkit ang mata ko sa nakita ko.

''I-iyan na yun?'' gulat akong napatitig sakanya , mukha siyang nahihiya na ano dahil pamumula ng tainga nito. Nagsalubong ang kilay nito at iniwas ang paningin saakin , inis syang suminghal na para bang pinagtatakpan nito ang nakakahiyang pangyayari ngayon.

cuteeee

Nilapag niya ang tray sa mini table nitong kwarto at inilagay sa lamesa ang tatlong cup noodles yup tama kayo ng basa. CUP NOODLES talaga tong inihain nya. Expectation versus reality to kumbaga.

Pero sayang naman tong effort niya kung babalewalain lang. Nakaka-touch nga eh , imagine ang masungit at gwapo slash mayamang si Hunter ay pinaghanda ng cup noodles ang isang nobody na katulad ko.

'' Eat before I change my mind.''

sungit

Umupo nalang ako sa kama at kinuha ang isang cup noodles , kumuha rin ako ng tinidor. Kita ko rin ang pag kuha niya ng isa , tumabi siya sa akin .  Tinapunan nya muna ako ng tingin bago tinuon ang atensyon sa hawak nya.

"How are you feeling." mahina ngunit ramdam ko ang lamig ng tinig nito. Napalunok muna ako ng sariling laway saka sinagot ang tanong nito.

"I'm fine , nothing to worry." saad ko nalang at hinipan ang sabaw ng noodles. Flavor palang nito ay amoy masarap . Batchoy flavor , masarap at mabango ang aroma . Ito na ang bago kong paboritong flavor sa cup noodles tiyak na di ako magsasawa nito.

Ninamnam ko ang lasa nito sa loob ng aking bibig at marahang nilunok. Ang mainit init nitong sabaw ay nakadagdag sa linamnam nito. Napapikit ako ng gumuhit ang init sa lalamunan ko.

Ang sarap.

" You'll stay here , I don't want you to leave. I-im sorry if I try to dump you."

Napatingin ako sakanya. Malalim ang iniisip nito habang nakatitig sa hawak nitong hinahalo halo Niya gamit ang tinidor.  Napatitig ako sakanya, nagsorry ba talaga siya?.

Napailing ako at binalik muli sa kinakain ko.

"A-ayokong nakikita kang lumalapit ka sa iba. N-nasasaktan a-ako Q-quin."

Napatigil ako. Napahawak ako sa dibdib kong sobrang lakas ng pintig. Sa sobrang lakas ay nahihirapan akong huminga.

Whats happening to me. M-may sakit ba ako.

"I don't want to share what's mine."

And with that tuluyan na ngang nagwala ang puso ko na para bang gusto nitong lumabas sa dibdib ko. Naka ilang lunok ako bago binalingan sya ng tingin .

Nakatitig ito saakin , ang mga mata niyang sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ng emosyon.

Malambot ang ekspresyon nya ngayon  na para bang anytime ay maluluha na ito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako naka engkwentro ng ganitong senaryo.

"Gusto ko akin kalang , kung pwede ipagkait kita 'ay gagawin ko. Just please don't leave me. Ika mamatay ko kung mawawala ka sakin."

*tug dug tug dug tug dug tug dug*

My heart beat so fast .

Hindi ko alam ang gagawin ko sa sudden confession nya. Grabe ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang irereak ko . Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko alam pero p-parang----

Namumula ang mukha ko sa hiya ba o sa kilig...?

------------------

Author's note.

Im sorry if ngayon lang masyado akong na busy sa pag babasa ng ibang story . And ngayon lang ako sinipag , expect typo and errors , wrong grammars or anu pa ba. Enjoy reading , salamat sa pagbabasa sisikapin kong mag update ulit as soon as possible.

Lovelotssssss.

BULLY'S OBSESSION (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon