° CHAPTER 8

3.2K 45 0
                                        

Maaga akong nagising ngayong araw sa kadahilanang  may trabaho ako.

Sabado Ngayon kaya trabaho Naman Ang aatupagin ko. Mahirap Kasi mag isa Kong sinusustentuhan ang sarili , kung pwede lang huwag na mag aral ay ginawa ko na kaso gusto ko rin Naman ipakitang kahit mag isa nalang Ako eh nakaya Kong iahon ang sarili sa hirap.

Sa suot Kong fitted jeans at white shirt ay kuntento na ako saaking ayos . Mula sa nakalugay Kong mahaba at itim na itim Kong buhok  at medyo mamula mulang labi ay para na rin akong nakaayos.

Napatitig Ako sa salamin , Minsan inaakala Kong pangit ako sa kadahilanang lahat ay iniiwan ako. Masasabi ko namang Hindi ako pangit aakalain ko rin sanang anak mayaman ako dahil sa kutis Kong maputi at medyo singkit Kong mata , ang manipis Kong labi na mamula mula pag nababasa ng sariling laway. Ngunit kung itsura lang ang babasehan ay mapagkakamalan talagang anak mayaman ako ,pero ang reyalidad mismo na mas mahirap pa ako sa daga eh mawawala talaga ang nasa isip nilang mayaman ako.

Napasulyap ako sa braso Kong medyo may mga pasa . Naghihilom na ito ngunit mababakas pa rin Ang mga sugat.

Napa buntong hininga ako , Hindi ko naman alagang alaga ang kutis ko para mamroblema ako sa simpleng sugat at pasa .

Napahawak ako sa labi ko , ramdam ko parin ang kunting sugat na naroon. Napabuntong hininga ako. Anu kaya ang pumasok sa isipan nya at nagawa nya akong halikan? Nakakapanghinayang , unang halik ko ay napunta sa lalaking palagi akong sinasaktan.

Sandali akong napasulyap sa orasan , nanlaki ang dalawa kong mata at halos murahin Ang Sarili. Oh god!  Malelate na ako sa trabaho!

Agaran Kong hinablot ang munting bag ko na medyo may kalumaan na ,naglalaman ito ng panyo at lumang cellphone .

Pagkalabas ko ng bahay ay sumalubong saakin ang mga tambay na Todo bati saakin . Ngumingiti lang Ako at tango sakanila habang dirediretsong tinungo ang paradahan ng mga tricycle.

Nasa squatter area ako ,magmula ng Iwan ako Ng pamilya ko ay natuto akong magpalaboy laboy hanggang sa may mga mabuting tao na ginawan ako ng bahay maliit lang pero ayos na para masilongan at matulugan pag Gabi.

"Saan ang punta Raquin?"

Ngumiti ako Kay mang Lusyo at agarang sumakay sa tricycle nito.

"Trabaho ho, dyan lang ako sa Hermedes." Ani ko , agad naman ito pinaandar ang sasakyan.

Huminga ako ng malalim , salamat Naman at Hindi magtatagpo ang landas namin ng lalaking Yun.  Siguro palagi ko na lamang hihilingin ang araw Ng sabado at linggo para Hindi magtagpo ang landas namin. Para syang puzzle sa paningin ko , mahirap syang intindihin.

Anu ba Yan Raquin , wag mong isipin ang lalaking Yun! Trabaho ang isipin mo ngayon!

Napailing nalang ako , di nagtagal ay huminto na SI mang lusyo. Pag tingin ko sa paligid ay nasa Hermedes na Pala kami.

Inabot ko ang bayad sakanya at agarang bumaba , malelate na ako kaya di na ako nakapag alam.

Malalaki ang hakbang na tinungo ko Ang coffee shop na pinagtatrabahuan ko.

"Oh quin? Malapit ka Ng malate ah, nakipagdate ka siguro noh!"

Paunang bungad sakin pagkapasok ko palang ... Napatawa ako Ng mahina Kay mika, katrabaho ko..
Siya ang katrabaho kong nakikipag usap sakin , ang iba ay masyadong mailap . Hindi ko alam kung bakit.

Nginitian ko nalang si Mika sabay iling at tinungo ang kitchen para ilagay doon ang gamit ko , isa akong waitress maayos naman Ang trabaho ko dahil maayos magpasweldo ang amo namin.

Hermedes Coffee shop ang pangalan nito , siguro dahil Hermedes ang surname ng amo namin kaya ganun.

May iilan akong katrabaho na mababait and the rest ay masyado ng mataray pag ako ang kausap.  Huminga ako Ng malalim bago Kunin ang tray. Naglakad ako papuntang counter at sinalubong ng ngiti si Jacob , katrabaho ko rin sya ang naka assign SA counter . Taga hatid lang ako Ng mga order at taga kuha.

"Good morning Raquin" ngiting bati nito, naka halumbaba ito paharap saakin na parang ineeksamin ang kabuoan ko ... Hilaw akong ngumiti at tinampal Ang Mukha nito.

"Anu ka ba , wag mo nga ako tingnan ng ganyan." Natawa ito sa turan ko kaya natawa na rin ako. Umayos ito ng Tayo at inayos ang mga NASA counter table.

"Raquin , masyado kang maganda para Hindi titigan ." Natatawang saad nito , napailing nalang ako.

Mambobola talaga ,ganyan siguro pag mahilig sa babae. Hindi nawawalan ng mga bulaklaking salita.

Magsasalita pa sana ako Ng bumukas ang glass door. Hindi ko ito pinansin , nandyan naman sila Mika para asikasuhin ito.

Tinuon ko ang pansin sa pagtulong sa paglilinis ng counter table.

Nakatalikod ako sa glass door kaya Hindi ko alam kung sino ang pumasok pero alam ko Naman kung may papasok base sa mga galaw ng katrabaho ko.

Lalakad na sana ako papuntang basurahan bitbit ang mga papel na Hindi na magagamit ng sumulpot sa harapan ko si Mika. Nakasimangot ito kaya nangunot ang noo ko sa itsura nito.

"Anyare" takang tanong ko ,mas lalong humaba ang nguso nito at tinarayan ako. Mahina akong natawa sa inakto nito , mukha itong nagtampo na ewan.

"Ewan ko ba bat ang ganda Ganda mo! Ikaw daw gusto nila maghatid Ng order nila! Hmp." Natawa ako Ng padabog nitong binigay saakin ang papel na naglalaman ng MGA order ng sinasabi niya.

"Anung table?" Saad ko bago tinabi ang papel ,tinuro nya ang direksyon sa likod ko kaya automatic akong napalingon .

Nanlaki ang mata ko at halos matumba ng tumambad sa paningin ko si Hunter kasama ang tatlo nitong kaibigan , si Dash ay Hindi na sumasama sakanila kaya palaging apat nalang sila.

Bakit nandito sila? Alam ba nilang dito ako nagtatrabaho kaya nandito sila? No Hindi naman ata ,siguro nagkataon lang . Pero bakit ako Ang gusto nilang maghatid? Ipapahiya nanaman ba nya ako?  Napalunok Ako sa mga naiisip ko.

"I-ikaw nalang Mika ." Kabadong saad ko at binalik sakanya ang papel , kumunot ang noo nito at sinuri ako.

"Huh? Ikaw Ang gusto nila eh." Nanliliit pa ng bahagya ang mga mata nito habang nakatitig saakin. I gulp hardly and tried to look away.

"S-sabihin mo busy ako." Saad ko at Dali daling umalis sa harap nito at tinungo ang basurahan.

Nakahinga ako Ng maluwag ng makalayo ako doon. Pati ba naman sabado ay magkikita kami? Hindi ba nagsasawa ang tadhana at palaging pinagtatagpo ang mga landas namin!

----

A/N

Continue ko sa next chapter.

BULLY'S OBSESSION (Completed) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon