Continuation
-
𝑪𝒍𝒂𝒊𝒗𝒐𝒏 𝑷𝒂𝒏𝒆 𝑮𝒍𝒂𝒅𝒊𝒖𝒔
...
"We thought everything was perfect- I thought our family was perfect." Ngiti ko. "And indeed. It was perfect..."
"P-pane..."
"... Perfectly disgusting."
Natawa lang ako sa itsura niya. Napagpasyahan kong tumayo na dahil mag gagabi na rin kaya inaya ko na siyang umuwi.
Pero imbes na pumayag, nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.
"A-ano, ano hah?" Naiilang kong tanong. Mas humigpit naman ang yakap niya.
"Payakap lang. Kala mo naman hindi mo gusto."
Wow???
"Ang ganda mo talaga no?" Sarkastikong tanong ko, na tinawanan niya lang.
Napailing na lang ako at hinayaan siyang yakapin ako. Ayokong yakapin pabalik, baka sabihin niyang gusto ko, slight lang syempre.
"Parang hindi ka nanliligaw sa akin ah? Kapal mo talaga."
Natawa ako.
"Hatid na kita sa inyo. Baka hindi na naman ako papasukin ni tatay Ren sa bahay n'yo hahahah!"
Noong nakaraan kasi hindi niya ako pinapasok kasi raw late ko na inuwi si madam buko, kahit 4pm pa lang naman 'yon. Pero alas-dos pa lang ngayon.
Inaasahan ko sanang papayag na umuwi si madam, pero nagulat ako bigla nang hinila niya ako paupo ulit.
Agad kong niyakap ang katawan ko at agad siyang sinigawan.
"Bata pa ako, madam! A-ayoko pa gawin natin 'yon!" Sigaw ko sa kaniya. "Pero pag pinilit mo 'ko, sige na nga." Open arms ko pa siyang hinarap.
Pero batok agad ang natanggap ko.
"Anong pinagsasabi mo? Nababaliw ka na... Gusto ko lang ipagpatuloy mo 'yung kinekwento mo." Pabiro akong nagulat. It's been a year at ngayon lang siya nagdemand sa akin magkwento.
"Ihhh bakiiiiit? Nakakadiri 'yon, madam buko. Bawal sayo 'yon." Pagtanggi ko sa kaniya at tumayo ulit. Pero nahila na naman niya ako.
Pinanlalakihan na niya ako ng mata kaya hindi na nakakapagtakang magkekwento na ako.
"Kilala mo naman ang panganay, hindi ba? Si kuya Evenly Bliss Gladius..." Tumango siya kaya napatango. Aba buti naman. "Kilala mo na pala siya. Edi tapos na."
"Claivon Pane!" Hahaha.
"Wala akong masabi kay kuya. Napakabait, matalino, gwapo, nasa kaniya na ang lahat, minamahal ko siyang tapat." Komento ko, na siyang ikinatawa namin pareho.
Ganoon palagi ang sinasabi ko kay kuya Even kaya nakukurot palagi ang pisngi ko.
"Mahal na mahal siya ng mga magulang namin. Syempre kahit sino ba naman magkaroon ng anak na gano'n, paniguradong aalagaan at mamahalin pa ng sobra-sobra." Nakangiti na ako.
Sobrang hinahangaan ko si kuya. Kahit na isang beses, hindi ko siya narinig magreklamo sa mga magulang namin o kahit sa amin.
"Narinig n'yo ang balitang siya ang magmamana ng business namin 'di ba?" Tanong ko. Dahan-dahan naman siyang tumango. "Sinadya nila mommy na sabihin 'yon kahit na hindi naman nila pinapakita sa publiko si Kuya even."
Sunod-sunod ang naging pagtango niya na parang may naalala.
"Narinig ko nga na isa lang din ang larawan niya na makikita mo kahit saan mo pa I-search. Pero lumabas lang daw 'yon noong nag 18 na siya." Tumango rin ako sa komento niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/293886854-288-k544576.jpg)
BINABASA MO ANG
Crazy Love
Mystery / Thriller"𝙃𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙢𝙖𝙩𝙖𝙮𝙖𝙣." ... 19 years old boy Claivon Pane Gladius met 18 years old Runeia Deil Garnet in the forest. They fell in love with each other and finally decided to...