Chapter 1 - Liberated

1.2K 20 3
                                    

"Hindi ka ba na late sa pictorial nyo?" Agad na sinalubong ako ng halik at yakap ni Mamsi ng marating ko ang main branch ng Purple Vanity.

May mangilan ngilan na customers.

She was talking about the graduation picture pictorial. Muntik na kasi akong ma late dahil hindi ako nagising agad kanina. Mabuti na lang at chineck nya ko sa kwato bago sya umalis.

Mamsi owns Purple Vanity, it's a salon with four branches already. Tumutulong tulong din ako sa mga branch na malapit sa amin kapag walang pasok. And now, one month na lang at gagraduate na ako sa course ko na Business Management, thanks to Mamsi.

"Hindi naman po. Buti na lang Mamsi, nadaanan mo ako." Then I laughed.

"Nako. Humihina na ang alarm mo ah?" Pang aasar nya pa.

Kaya rin nya ako pinapayagan gumimik o lumabas labas dahil alam nya na hindi ko papabayaan ang pag aaral ko.

I started wearing a bit revealing clothes when I turned to college. Bata pa lang ako, malaking bulas na ako. While my classmates in High School are struggling for puberty, I already have the curves in the right places. I always use make up to accentuate my face. I usually use red lipstick because it looks good on me. Si Mamsi ang nagturo sa akin mag make up, ang kapatid ni Mommy na nagpalaki sa akin.

Mahilig din ako gumimik. Me and my friends would frequent well known and high scale bars along the metro.

And they think I am a bitch because of these things. But they don't know my story. Mapapagod lang ako magpaliwanag, kaya ginagawa ko na lang ang payo ni Mamsi sa akin:

"Learn the art of dedma. Di naman nila tayo binubuhay para mahiya at magpa apekto tayo sa kanila."

And for four years, yan ang naging motto ko sa buhay. I do whatever I want, suportado ako ni Mamsi. Sya na kasi ang nagpalaki sa akin when my real mother died of cancer before I graduated High School.

Nang ampunin nya ako, kinausap nya ako ng masinsinan. She told me na ibibigay nya ang lahat ng gusto ko, wala daw problema sa gastos o ano pa man, basta matupad lang daw ang pangako nya kay Mama bago ito mamatay, na makakatapos ako ng pag aaral at hindi ako mapapariwara. At nangako naman ako.

And now, alam ko kung gaano ka proud si Mamsi sa akin. Ilang beses syang pumunta sa campus para samahan ako kumuha ng certificate of exelency, or para mang away ng prof or parent ng kapwa ko studyane dahil sa pang aaway o panghuhusga sa akin. Hindi ako warfreak, pero ayoko ng binubully o minamaliit ako dahil sa way ng pananamit ko o ano pa man. Ang nangyayari, maga guidance kami at sasamahan ako ni Mamsi. As much as possible ay di ko sila pinapansin, pero ibang usapan na kapag dinadamay nila ang academics ko sa panghuhusga nila.

Ever since pa man, magaan na ang loob ko kay Mamsi. Tuwing bumibisita kami ni Mama sa kanya, palagi nya ako'ng bininigyan ng regalo at pera. She's only thirty eight pero marami na syang naipundar. Wala na nga yata sya plano mag asawa.

Tuwing binibiro kasi namin sya, palaging ako at ang salon na lang daw ang pagkaka abalahan nya. Tumatawa lang ako pero concern ako sa kanya. I want her to be happy too. Sa likod ng main branch ay may office si Mamsi. Sa taas naman ay may sala, kusina at kwarto. Kanya rin kasi ang lupa nito. Sinundan ko sya sa office nya.

"Where do you want to go after your graduation? I can book you a flight to Japan, Thailand or China, just tell me the date." Agad na sabi nya sa akin nang makapasok na ako.

"Mamsi naman? Pinapaalis nyo na ako agad." Kunwari ay nagtatampo na sabi ko.

Tiningnan nya ako at tumawa sya. "Gaga. Bakasyon yan. Di naman kita pinapag tatrabaho doon." Naiiling na sabi nya.

Just One Reason (18+) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon