Chapter 15 - Process

251 12 4
                                    

"May LQ kayo? Nakasimangot ka, eh. Tapos di mo man lang sya tinitingnan." That was Eva.

Quarter to five na at malapit na kami umuwi. Pinilit ko'ng pumasok kinabukasan kahit na masama ang pakiramdam ko, idagdag pa na broken hearted ako. Nagpalit ako ng number at nagdeactivate ng facebook. I want to clear my head.

Only to realize na alam nga pala ni Mikael kung saan ako nagtatrabaho.

Medyo napatanga ako ng makita sya na nakasandal sa naka park na kotse nya sa parking space ng shop. May dalawang client pa na kumukuha na package tour para sa Palawan.

Nanginginig pa ang mga kamay ko pero pilit ko inaalis si Mikael sa isip ko. Durog na durog ang pakiramdam ko. Pigil ko kanina ang maiyak habang nasa trabaho. Ang pag pyestahan ako ng mga katrabaho ko ang huling gusto ko magyari.

"Hayaan mo sya." Walang reaction lang na sabi ko kay Eva. I made mysef busy with the screen infront of me.

Damien told me to give Mikael a chance bago nya ako maihatid. I asked him kung ganoon din ba gagawin nya kay Irina, and he said no. He said that he can only give her his love for too much.

I don't know, pero first broken heart ko ito at nakatatak sa isip ko na ginamit lang ako ni Mikael para pagtakpan ang relasyon nila ni Irina. Or ang nararandaman nila. And it feel so damn agonizing.

Ang sakit sakit.

He cared, but it stopped there. I did more than caring. Nahulog ako sa kanya. At akong si tanga, umaasa na madali ko mapupunan ang lahat para mahulog din sya.

Para akong inaatake nang tumuntong na sa alas singko ang orasan. Inayos na namin ang mga tables at computers namin. Nauna na ako lumabas. Plano ko na maglakad ng mabilis kaya nauna ako sa mga kasamahan ko.

But Mikael caught my hand easily.

"Bitawan mo ako." Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Ayoko sya tingnan.

I maybe mad at him pero miss na miss ko na sya. At ayoko sya bigyan ng pagkakataon na gamitin ang katotohanan na iyon para bilugin ako ulit.

"Resha.. Mag usap naman tayo. Please." His voice was low. And it sent shivers down my spine that I chose to ignore.

"Let me go." Firm na sabi ko. Hinila ko ang kamay ko pero ayaw nya bitawan. "Just go, Mikael. Be with Irina. I am moving on. Kakalimutan ko na nakilala kita." Then I bit my lower lip to stop myself from crying.

Naramdaman ko na binitawan nya ang kamay ko. I thought I can go, pero mabilis sya na nakaharang sa harap ko. Tiningala ko sya, he looked furious.

"That's it, Resha? You did not even let me explain? You're moving on, that's it? Wow." His fists were clenched.

"Ano'ng gusto mo'ng gawin ko, Mikael? Magpaka tanga lang ako sayo? You obviously love her. And you used me para mapagtakpan ang mga nararamdaman nyo. That's wow!" Punong puno ng pait ang boses ko.

Hindi ko na inisip na baka naririnig kami ng mga kamahan ko na palabas na ngayon sa shop.

"Resha.. I was sincere when I ask you to date me. I used you? Fucking hell, I did! Kung iyon ang iniisip mo, be it. But I used you, because I wanted it to be you. Hindi mo ba naisip yon? Na kung may mamahalin man ako'ng iba bukod kay Irina, ikaw yon. Kaya ikaw ang hinabol ko." Puno naman ng hinanakit ang boses nya.

Parang may bato na tumama sa akin nang marinig ang mga sinabi nya.

"Let's talk about this, alright? Come with me." Mahinang sabi nya bago nya ako hilahin.

Wala ako sa sarili na pinasakay nya sa kotse nya. When the engine started, doon ko naisip na mali ito. That I should just get out and go home and cry myself to sleep. Nakaka suffocate ang presenysa ni Mikael. Seeing him beside me brought it all back.

Just One Reason (18+) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon