Chapter 16 - Circumstances

243 10 0
                                    

"Tama yan! Move on na! He's jerk." Nagngingitngit na sabi ni Nella.

While I was with Damien yesterday, narealize ko na kailangan ko siguro na may mapagsabihan na ng mga nangyari. Hindi ko naman maitatago ng matagal. They are my friends, they would comfort me.

I don't have to be alone in this.

Hindi ko nga alam bakit hindi ko agad sinabi sa kanila. And now I felt like my chest was lighter. Nandoon pa rin yung sakit, but knowing I have some people to talk with made it easier now.

We are currently having our lunch in one of our favorite resto. Claire can't make it at si Laurie naman ay wala pa rin. Si Nella at si Sasha na kanina pa tahimik ang kasama ko.

I planned to be with them the whole day.

Gusto ko kapag umuuwi ako, matutulog na lang ako para hindi na ako mag isip. Thus, kaya umuuwi ako ng gabi last few days.

Siniko ni Nella si Sasha.

"Diba? He's a jerk?" Sabi pa ni Nella.

Huminga ng malalim si Sasha. "Well, kung ako ang tatanungin, what he did was wrong. Damn wrong. Pero sino ba ang palaging tama? He did what he thought was right. Hindi ka naman nya pinlano na makilala. Come to think of it, ikaw pa nga nag approach sa kanya na umalis sa bar when you felt that Dom spiked your drink." Nagkibit balikat sya. "Pangalawa. I guess, tama yung sinabi nung Damien na ex nung Irina. Mikael could have kept his self single pero hinabol ka nya. Para saan? Kung gagamitin ka nya laban kay Irina, diba dapat sinasama ka nya sa mga events? Para magselos or something yung Irina?"

Napa awang ako sa mga sinabi nya.

Okay, I was expecting her to bash Mikael.

"That's the point. Pumupunta pa rin sya sa mga event or gig nung babae." Si Nella ang sumagot.

"Please, stepsiblings' sila. And si Mikael ang kasama ni Irina pumunta dito sa Pilipinas. Ano ba aasahan natin? Hahayaan nya na lang si Irina? Tsaka eto lang yan. They already ran away. Kung may balak pa talaga si Mikael kay Irina, edi sana masaya na sila ngayon. Di ka naman na need idamay ni Mikael dahil trip nya lang. He cared." Taas kilay na sabi ni Sasha, pero kay Nella naka tingin.

"Still, ginamit nya lang si Resha. He dated Resha para malimutan si Irina. Jerk!" Nella crossed her arms to her chest and murmured things.

Nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila.

"And what would be the problem now? Kaya nasasaktan si Resha kasi nalaman nya. If it's just Mikael, we all know na genuine ang mga pinapakita nya. Alam nyo, may point rin si Mikael eh. I am not siding with him, pero eto ang tingin ko. Kung hindi nalaman ni Resha, okay pa sila. He wasn't cheating or what. He may still love Irina, pero ang importante, he wanted it to be you. Mahal mo na, diba?" Nilingon ako ni Sasha.

Napalunok ako at napatango. Para akong bata na sinesermonan.

"Kung hind ka pa nya mahal, ang importante, determined sya." Dugtong nya pa. "Pero sabi mo nga hindi na ulit nagparamdam mula nung Monday."

Lumaylay ang balikat ko.

"See? You we're sad for that fact. Don't deny it, Resha. You still want him. Galit ka lang kasi nasaktan ka nya."

"What am I suppose to do? Tanggapin sya agad? I was hurt. I trusted him with my all. But he just used me." Madamdamin na sabi ko. It was like ako na nakakadama ng sakit lang ang makaka intindi.

"Use you for what?" I don't know how Sasha can manage to look so damn serious right now. "Established naman na, na hindi ka nya ginakit para pagselosin si Irina. Ginamit ka ba for sex? Palagi ba may nangyayari sa inyo? Pinipilit ka ba nya?"

Just One Reason (18+) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon