Chapter 18 - Stay

261 7 0
                                    

Gusto ko'ng magalit sa sarili ko dahil kahit ayaw ko na sana na umasa ay patuloy ko pa rin pinagdarasal na sana ay mahalin na rin ako ni Mikael. That night became one of the worst night of my life.

Pero hindi ako nagmukmok. Unlike before, I made sure now that life goes on. Kaya kahit mugto ang mga mata ko ay lumabas ako at nagpunta kung saan saan.

Para ako'ng tanga na pasulyap sulyap sa cellphone ko. Umaasa na mag message sya sa akin o tumawag. Pero pauwi na ako ay wala pa rin. Gusto ko na naman maiyak.

Ang pangit sa pakiramdam ng ganito.

Hindi ko magawang isipin ngayon na walang Mikael sa buhay ko. I wanted him in my life. But damn it, why is he doing this to me? To us?

Sabay kaming kumain ni Mamsi ng hapunan. Pinasigla ko ang boses ko dahil ayoko na ma open sa usapan si Mikael. Ayoko na rin na mag worry si Mamsi. Bahala na.

Umakyat na ako sa kwarto pagkatapos.

Doon ko nakita na may dalawang message sa cellphone ko. Both from Mikael.

Bumilis ang pintig ng puso ko at hindi ako makagalaw. I was jusy looking at my phone. Umatras ako saglit at pinakiramdaman ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at puno ng kaba na kinuha ang cellphone ko.

Mikael: I miss you.

Mikael: Are you home?

Ilang minuto lang ang pagitan ng mga message, at halos kalahating oras pa lang ang nakakalipas mula nang matanggap ko iyon.

Mariin akong napapikit habang mahigpit rin ang paghawak ko sa cellphone. Gusto ko umiyak. I want him so bad. Hindi ko na kilala ang sarili ko. I never thought I'd love someone like this. As much as I love Mikael.

Tinitigan ko lang ang cellphone ko. Nag iisip ako kung magrereply ako o hindi.

Sa huli, I gave in. I type my message.

Me: I am home.

Tatlong salita, pero the fact na nagreply ako means ako pa rin ang talo. I gave in again. I stupid, I am crazy. I am a fool. But I love the man at umaasa pa rin ako sa kanya.

It started there. Hanggang text na lang sya. Paminsan minsan nagrereply ako, minsan hindi. Until that next weekend came. Mabilis ko'ng inayos ang mga gamit ko dahil gusto ko makauwi ng maaga. Pero nang makalabas ako sa office ay nakita ko na naghihintay si Mikael sa labas habang nakasandal sa kotse nya.

Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko.

Palinga linga sya, hindi nya agad nakita na nakalabas na ako. He was playing with his keys. Natigil iyon nang makita nya ako. He stood straight, at ako naman ay nagtuloy tuloy lang ng lakad.

"Resha.."

"What do you want?" Matigas na tanong ko. Hindi ako tumitingin sa kanya. I don't want to look at him dahil kitang kita sa mata ko kung gaano ko sya ka miss.

"Can I take you out to dinner?" Mahina lang iyon, parang bulong lang.

Napalunok ako bago dahan dahan syang tiningnan. Bahagya syang nakangiti. Mas maaliwalas ang itsura nya kumpara sa dati. He was wearing a dark blue polo na itinaas ang sleeves at kita ang tattoo nya. Ah, the tattoo. Bigla ko'ng naisip ang pagkiskis ng balat nya sa balat ko.

Mabilis ako'ng napailing nang ma realize na mali ang mag nasa kay Mikael sa ngayon. No matter how irresistible and hot he may look now as he always been, kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko.

"Why?" Walang reaction na tanong ko. Mahigpit na ang paghawak ko sa strap ng shoulder bag ko.

Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib nya bago sya humarap sa akin. Imbes na sumagot ay ngumiti lang sya at binuksan ang pintuan ng kotse nya para papasukin ako. I don't know what's the deal but I still got inside the car.

Just One Reason (18+) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon