Chapter 13 - Sobbing

306 10 0
                                    

Sa lagpas isang buwan ko sa trabaho ko, ngayon ko lang naisip at naramdaman ang pagod. Pero nasa isip ko na kaya ko.

For the past weeks of a roller coaster ride with Mikael, kahit may mga disappointments or such ako na naeencounter, hindi pa rin noon naalis ang katotohanan na pinapasaya nya ako.

He respects me, he takes care of me. We talk and we communicate quite well. Bonus pa na ang gwapo at ang hot nya.

Yes, aminado ako na sa kabila ng pagiging intimate namin ay wala pa rin ako masyado alam sa kanya in a personal level, inisip ko na lang na darating rin kami sa punto na iyon. We're going there.

My fears are still there, pero hindi ko na sila hinahayaan na mag take over sa desisyon ko. Hindi ko sila winawalang bahala, but I don't let them linger.

"Birthday ni Irina this Wednesday, pero icecelebrate nya this weekend. She asked me to ask you kung gusto mo sumama?"

Nasa elevator kami ng Fairmonte pababa mula sa suite nya when he asked me that. Doon kami nagdinner matapos nya ako sunduin sa trabaho. At ihahatid nya na ako ngayon pauwi.

"Talaga?" Gulat na tanong ko.

He pulled me closer. "Yep. I hope you can come."

Nag isip ako saglit. It's like he was asking me to know about them more. Well, at least ininvite nya rin ako. Malay ko ba kung maging mag bestfriend pa kami?

"I guess. Wala naman ako lakad sa weekend." Mahinang sagot ko.

"Good. Susunduin kita Saturday morning. She will celebrate it in a resort in Cavite. Sunday afternoon na tayo uuwi."

Tumango lang ako.

Monday ngayon. May apat na araw pa ako para magpaliit ng tyan at magpa tone. I am confident with my body, pero iba pala talaga kapag yung pinagseselosan mo na ang usapan. Irina looked thin, but she has the curves.

Wala ako plano makipagtalbugan. Ayoko lang mapahiya. Besides, hindi ko alam kung sino pa ang mga nandoon.

Hind ako nagpasundo kay Mikael the next day. Nagdahilan ako na may lakad kami ng mga ka trabaho kahit ako lang naman talaga ang aalis. Bumili ako ng bagong swimsuit at ilang toiletries supplies na rin.

"Resha!" Bigla akong napalingon after ko makalabas sa Watson's nang may tumawag sa akin

"Sabi ko na nga ba, naka kita ako ng Dyosa eh." Malapad ang ngiti na sabi ni Gerard sa akin nang makalapit na sya.

"Oh Gerard!" Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Nakasuot sya ng black polo na naka tuck in sa itim na pants nya.

"Nakita lang kita. Dito ako nagtatrabaho." Turo nya sa isang familiar shop.

Nag usap kami saglit bago ako nagpaalam na. It's good to know na mas lumalawak na ang network ko with having friends.

Inaaya sana ako nila Nella na mag night out pero nag decline ako dahil nga sa birthday ni Irina. I told them na babawi na lang ako.

When the weekend came, alas sais pa lang ay gising na ako although medyo late na ako natulog kagabi. Hindi na ako masyado nakakapag open ng facebook and such. I guess, being a working girl and at the same time, taken, is taking a toll on me.

Pasado alas otso tumawag sa akin si Kael na nasa tapat na sya. I mentally checked all the contents of my backack. Uminom lang ako ng isang baso ng fresh milk bago ako lumabas. I made sure na naka lock ang lahat bago ako umalis.

Sinalubong ako ni Mikael. He got my bag and put it in the back.

"Breakfast muna tayo." Sabi nya. "What do you want to eat?" He opened the door for me.

Just One Reason (18+) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon