Chapter 19 - Something

284 10 0
                                    

Hindi naman naging awkward ang pagkikita nila Damien at Mikael nang isama ko si Mikael sa gig ni Damien. Although I gave Mikael a chance again, hindi pa kami kagaya ng dati. Of course, may restrictions kami sa ngayon.

I am still healing from all the mess that had happened. Hindi naman kasi ganoon kadali kalimutan iyon. Medyo nasa isip ko pa rin na anytime ay pwede sumulpot si Irina at manggulo. Although this time, alam ko na ako na talaga. But it wasn't easy as we approach this stage of our relationship. Nasaktan ako, alam ko na nasaktan rin sya.

"Hindi pa rin pwede?" I saw the anticipation in Mikael's face when he asked me that.

Umiling ako at lumabas na ng sasakyan nya.

Naramdaman ko na sumunod sya sa akin. Sabay kaming pumasok sa hotel as we are ushered to our seats in the resto.

"Resha.."

"No." Mabilis na sagot ko.

Kitang kita ko ang paglukot ng mukha nya.

Two weeks na ang nakakalipas mula nang mag usap kami sa kwarto ko. Two weeks na rin ang nakakalipas mula nang bigyan ko sya ng chance at two weeks nya na rin akong hindi nahahawakan o nahahalikan. I am cold the whole time.

Supportive naman sila Nella sa desisyon ko. If there are people who can understand what I was going through, sila iyon. They had been to different relationships that gave them heartaches too. And it's my turn to risk for a happy ending or a heartache.

And I chose to be with Mikael.

"But I miss you.." Mahinang sabi nya.

"Alam ko." Walang reaction na sabi ko.

Napabuntong hininga sya. "This is torture, honey."

Hindi ako sumagot. Ang totoo nyan, natatawa ako sa reaction nya. Pareho naman kami ng nararamdaman. I wanted his touch so bad pero tingin ko hindi pa oras. And I want him to realize that I meant every word. Na hindi ito magiging madali lalo na sa kanya.

Hindi na sya ulit nagsalita, pero kita ko ang lungkot sa mukha nya. Pumapayag ako na makipag kita sa kanya whenever he likes, pero nagbigay ako ng rules na no touching and kissing. Pumayag sya, basta makita nya lang daw ako at makasama.

At ngayon lang sya nagtanong kung 'pwede na' daw ba.

We ordered and ate in silence. Minamasdan ko lang sya. Gusto ko minsan matawa. I find Mikael amusing at the last few times. Maamong maamo sya. Well, not that hindi sya maamo before. Pero kitang kita ko ang sincerity nya ngayon.

"So.. kamusta? How's your day?" Panimula ko.

Napatigil sya sa pagsubo at tumingin sa akin. Nangunot ang noo nya. "Me?" Turo nya sa sarili.

"May iba ba ako'ng kasama?" Tinaasan ko sya ng kilay.

Napalinga linga sya at nagpunas ng napkin sa gilid ng bibig nya bago tumingin ulit sa akin. "I am.. fine, I guess." Nagkibit balikat sya. Hindi sya bigla mapakali.

"Good." Matipid na sagot ko na lang at kumain na ako ulit.

I can feel him just looking at me at hindi ko sya tinitingnan. Kunwari ay focus ako sa kinakain ko. Hindi ko na sya ulit nakita na sumubo.

He cleared his throat after a while.

Doon ko na sya tiningnan ulit.

"D-do you want to go have a drink later?" Kita ko pa ang paglunod nya.

"Why?" I do, actually. But I feel like taunting him. Patuloy pa rin akong kumakain.

"Aayain sana kita na lumabas tayo.. after this."

Just One Reason (18+) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon