Chapter 8

37 0 0
                                    

"Here." Napangiti ako ng makita si Kirito na may inaabot na plastic. Nandito kami sa dating garden ng school.

"Kompleto na yan baka maghanap ka pa." Masayang kinuha yung plastic at kumain. Kompleto nga ang street foods na binili niya.

"Thank you babayaran kita kapag  malakas na ang benta namin sa tindahan." Nakangiting sabi ko habang kumakain.

"Malapit ng dumilim medyo natagalan yung classes natin sa major ngayon." Banggit ko ng mapatingin sa langit.

"Yeah and you need to go home now, come on ihahatid na kita." Sabi nito kaya agad akong nagreklamo.

"Mamaya na, ayoko pang umuwi." Sabi ko dahil ayoko siyang makita. Alam kong uuwi sya sa bahay ngayon dahil natapos na yung ginagawa niya ayon kay Wallace.

"Ikaw ba? Kung gusto mo ng umuwi, mauna kana dito na muna ako." Sabi ko tumingin rito pero napaiwas rin agad dahil sa binibigay nitong tingin sa akin.

"Naaah... I can't leave you here. Ihahatid pa kita pauwi, delikado sayong umuwi kapag gabi na."

"Thank you Kirito pero kaya ko naman sarili ko, baka hinahanap kana sa inyo." Umiling ito at tumayo.

"I'll buy you drinks, ano gusto mo?" Sasagot na sana ako ng biglang tumunog cp ko.

'G*ga ka nasaan ka, malapit ng dumilim. Hinahanap ka ng isang lalaki dito, hindi yung mukhang unggoy ha, yung isang lalaki.' Text ni Leny sa akin, she's referring to Mr. Williams

'Uuwi ako mamaya'. Reply ko sa kanya, sunod sunod na text kaagad ang pinadala nito pero di ko na pinansin

Inenjoy ko ang katahimikan sa paligid ko, alam ko na kailangan ko ng umuwi dahil nanghihina na naman ako.

"Kirito uuwi na ako." Ngumiti ito at inalalayan ako sa pagtayo.

"You don't need to do that, hindi pa naman malaki ang tiyan ko." Nahihiya kong sabi.

"Well mas mabuti ng sure."

Hinatid ako ni Kirito hanggang sa bahay, nakita ko na kaagad si Zeke sa labas ng bahay.

Pagkababa ko ng sasakyan nakita ko ng madilim ang mukha nito, pero di ko ito pinansin at dire-diretsong pumasok sa bahay.

Nagulat ako ng biglang may humatak sa akin papasok ng kwarto. "What the fuck, ano ba!" Inis kong sigaw ay binawi ang kamay ko ng makapasok kami sa kwarto.

"Baka nakakalimutan na buntis ako! Sumosobra kana ata, yesterday you fucking push me, kaninang umaga hinayaan mo akong sumakay sa motor kahit na bawal sa buntis yun tapos ngayon kung makahatak ka—" napahawak ako sa ulo ko dahil parang hihimatayin ako.

"Are you okay." Tinampal ko ang kamay nito ng subukan ako nitong hawakan.

"G-galit ka? Sige nga sabihin mo sa akin ang reason kung bakit galit ka, dahil ba sa ngayon lang ako umuwi? Kababae kong tao at buntis ako pero gabi na umuuwi? Ganun ba?" Hindi ito makapagsalita at seryosong nakatingin lang sa akin.

"Ikaw ba? Nung mga araw na hindi ka umuuwi dito, nung mga araw na madaling araw kana umuuwi may narinig ka ba sa akin? Nagalit ba ako? Sinaktan ba kita ha!?" Inis kong sigaw

"Bago ka magalit, sana tanungin mo muna ako kung okay lang ba ako? Kung okay pa ba ang pagbubuntis ko? Sa tingin ko nga wala ka namang pakialam dito kaya di ko maintindihan kung bakit pa kayo lumipat dito."

"L-lets forget this set up, if you still want the baby pwede kang bumisita sa kanya anytime pero ngayon pa nga lang pinapakita mo ng wala kang pake. Hindi mo nga ako masamahan sa check up ko, hindi mo rin mabigay mga cravings ko kasi wala ka palagi dito.

My Vampire Professor was my rapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon