Chapter 7

41 0 0
                                    


Nakataas ang isang kilay ni Leny habang nanonood kay Wallace na nagluluto sa kusina.

"Feel at home ang g*go." Bulong nito at padabog na binuksan ang ref at kumuha ng fresh milk.

"Ako ang bumili niyan." Sabi ni Wallace pero obvious naman sa boses nito na nagbibiro lang pero umusok agad ang ilong ni Leny.

"Oh tapos? Share mo lang? Ipabillboard mo." Sabi nito at umirap.

"Bahay ko rin naman to, eh bakit ka nandito? Gatas na nga lang ambag mo dito sa bahay." Pinigilan kong wag mapangiti at baka mapagalitan na naman ako.

"Good morning po Kuya Wallace!" Masiglang sabi ni Akiea at tumakbo papunta kusina. Sumunod naman si Aki at tumulong sa paglagay ng plato sa mesa.

"Kira follow me." Napasinghap ako ng bigla na lang dumaan si Sir sa harapan ko. Agad akong sumunod sa kanya sa labas.

"S-sir bakit po?"

"Can you f*cking stop calling me that, it's f*cking weird." Napakagat ako ng labi at di alam ang sasabihin. Eh, ano bang itatawag ko sa kanya? Mas weird naman kung sa pangalan dahil professor ko siya.

"Ahm.. Mr. Williams." Napaatras ako ng biglang pumula ang mga mata nito at tinignan ako ng masama.

"It's Zeke for you."

"Z-zeke.... pwede bang Mr. Williams na lang parang ang weird kasing tawagin sa pangalan ang prof ko sa campus." Hindi ito nagsalita.

"Connor told me that he saw you together with that japanese guy." Napataas ako ng kilay at napa-isip.

"Im not prohibiting you to have a boyfriend but no sex for you. Doing sex with someone else you don't know if he's clean or not might affect the baby. You might catch a disease with someone by doing sex—" parang nagpanting ang tenga ko at pinigilan ito.

"Wait lang ha, hinay hinay po tayo Mr. Williams una sa lahat classmate ko lang si Kirito, walang namamagitan sa amin at wala akong plano na magboyfriend. Kahit noon di ko plinanong magkakapamilya ako. Kung hindi nyu ako nabiktima edi sana okay ako ngayon—"

"Do you want to get rid the baby?" Putol nito sa sasabihin ko.

"You sounds like you don't want him." Napatigalgal ako sa sinabi nito.

"Don't worry once you gave birth to him. You won't see him anymore." Napahawak ako sa tiyan ko at biglang nakaramdam ng kaba.

"N-no...! Hindi mo pwede gawin yan, makikipagpatayan ako para sa anak ko."

"Then stop whining about it." Napakuyom ako ng kamao.

"Una sa lahat ginulo—hoy saan ka pupunta!" Sigaw ko ng bigla na lang ito tumalikod at tumalis. Tang*na napakabastos ng gago.

"Saan ka ba sumusuot kakain na pero wala ka pa dito." Bungad ni Leny ng makapasok ako sa bahay.

"Nasaan si Zeke?" Napataas ito ng kilay.

"Sinong Zeke?" Tanong nito.

"Si sir, si Mr. Williams." Sagot ko.

"Wala akong pake, di ako hanapan ng demonyo." Sabi nito at nilagpasan ako.

Umalis si Leny dahil may duty daw ito, hiniram naman ni Wallace si Akiea, hindi sana ako papayag pero gustong gusto ni Akiea na sumama dahil gusto nitong lumabas ng bahay. Sumama naman si Aki dahil ayaw nitong pabayaan ang kapatid.

"You'll gonna thank me later Kira for doing this. I need to take your siblings for the mean time since it's saturday. Don't worry hindi ko sila pababayaan." Huling sabi nito bago sila umalis. Naiwan ako sa bahay kaya naman ginawa ko na lang ang mga assignment ko sa school at mga activities. Naglaba ako ng mga damit ni Akiea at Aki at naglinis na rin ng kwarto.

My Vampire Professor was my rapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon