"Marino! Nakung bata ka anong oras na at malelate kana sa klase mo, bumangon kana riyan!"
"Marita naku ang sinaing mo nangangamoy sunog na!"
"Hay naku!" Iba't ibang sigaw ang unang narinig ko ng magising ako. Bakit parang di familiar ang kwartong hinihigaan ko ngayon. Unti unti akong bumangon at agad na nakaramdam ng sakit sa bandang leeg ko.
Anong oras na ba? Shit baka kanina pa gising mga kapatid ko. Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto at napatigil ng makitang di ko kilala ang mga taong nasa loob ng bahay.
"Gising kana pala Iha, Hindi ka dapat tumayo muna at baka mapaano ka." Nagtaka ako sa sinabi ng babae.
"Excuse me po." Napalingon ako at nakita ang batang lalaki na nakasuot nang uniform. Tumabi ako para makadaan ito.
Nasaan ako? Parang nagstop ang oras sa paligid ko at di ako makagalaw. Anong nangyayari? Bakit nasa ibang bahay ako? Nasaan ang mga kapatid ko? Si Leny?
"Iha naku sinasabi ko na nga ba at wag ka munang tumayo, naku Berto naestatwa na yung babae dito!"
"N-nasaan po ako?" Naguguluhang tanong ko.
"Nasa Isla Doquin ka, nakita ka ng asawa ko sa tabi ng bangka niya. Madaling araw pa lang ng oras na yun kaya madilim pa, ang akala niya ay patay kana dahil wala ng kulay ang balat mo pero humihinga ka pa kaya dali dali ka niyang iniuwi dito sa bahay. Isang linggo kang tulog. Gusto man namin dalhin ka sa hospital pero wala kaming pera.""I-isang linggo!?"
"NAKAKAPAGTAKA iha, wag ka sanang magalit pero nilinisan ko ang iyong buong katawan at wala akong nakita ni isang galos pero sigurado ako na wala nang dugo ang katawan mo dahil sa kulay nito."
"W-walang dugo? Impossible po iyan kung ganun na nawalan ako ng dugo bakit buhay pa ako ngayon?"
"Wag kang magugulat sa sasabihin ko pero habang lumilipas ang araw bumabalik ang kulay ng balat mo. Iha may lahi ka bang diwata?"
"P-po!? hindi po, nanay naman ang tanda nyu na para maniwala sa mga ganyan." Ngumiti lang ang matanda at patuloy na ine-examine ang katawan ko habang nagtatanong tungkol sa akin.
"Napakalayo ng lugar mo paano ka napadpad sa lugar na ito." Tanong nito kaya ikinwento ko sa kanya ang nangyare.
"Naku! Hindi ko kaya ang mga ganyang pangyayare, napakadelikado na talaga ng panahon ngayon." Matagal akong napatitig dito dahil wala itong sinabi sa trabaho ko.
"Alam ko po pero kailangan ko na pong umuwi sa amin. Isang linggo na ang nakalipas at di ko alam kung ano na ang nangyare sa mga kapatid ko, matutulungan nyu po ba ako makabalik sa amin? Wala po akong pera—" Napatigil ako ng may inilahad itong maliit na papel sa akin, parang cheque iyon.
"Nakita ko ito na nakaipit sa damit mo, alam ko ang bagay na yan at napakalaking halaga ang nandyan. Hindi ko pinakialaman dahil alam kong kakailanganin mo sa oras na magising ka." Nagulat ako ng makita na parehong cheque iyong katulad sa ipinakita ni Wallace sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng galit ng maalala ko sila.
"Walang bangko rito kaya hindi mo mawi-withdraw yan, mamayang hapon may luluwas na barko papuntang maynila pwede kitang ipakiusap sa kumpare ko, gagawan niya ng paraan at makalibre ka sa pagsakay." Napangiti ako sa saya at di mapigilang yakapin ito.
"Napabait nyu po, utang na loob ko po ang buhay ko sa inyo. Sisiguriduhin ko pong makakabayad ako sa kabutihan nyu sa susunod na bibisita ako sa islang to."
"Walang anuman iyon Iha hindi ko kailangan ng bayad. Nakikita kong mabuti kang kapatid lalo na't ikaw ang tumatayong magulang sa kanila, wag kang sumuko sa buhay iha nakikita kong nakasunod sayo palagi ang swerte." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
My Vampire Professor was my rapist
VampireTakira need to be a parent in her young age for her sister and brother. There was a tremendous case in ther city about kidnapping ang murder, And the victim is only woman about her age. Takira was force to work in a bar because she's desperately wan...