Chapter 10

91 1 4
                                    

Nagising ako ng maaga para makapasok, plano kong magdress para matago yung baby bumps ko pero nahahalata na masyado.

"You've been standing for an hour infront of the mirror, what's wrong?" Tanong ni zeke na kakagising lang.

"Mukhang busog lang ako no?" Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

"Yeah, why? Ayaw mong malaman nila na buntis ka?" Tanong nito na tumayo at lumapit sa akin.

Napaiwas ako ng niyakap ako nito mula sa likod at inamoy amoy ang leeg ko pinapatakan ng halik.

"Zeke." Tigil ko sa kanya dahil nakikiliti ako, mamaya ako magc-crave na naman ako sa kagat niya.

Ang galing rin niyang umacting, kapag sa school iba yung niyayakap niya kapag dito sa bahay ako, pati pala mga bampira babaero na rin.

"Absent ka muna ngayon, you need to rest." Sabi nito at kumuha ng tuwalya.

"Ha!? Ayoko nga ang dami dami kong hahabulin at malapit na matapos yung first sem." Sabi ko. Hindi ito sumagot at pumasok lang ng banyo. Ang bilis lang nang araw, nung nakaraan naalala ko first day of school pa lang eh ngayon tambak na sa mga project, activites, reporting and output.

Lumabas ako at nakitang naghahain ng pagkain sa mesa si Wallace, napataas ako ng kilay dahil di ata nagbubunganga si Leny ngayon. Nakasunod ang tingin ng mga kapatid ko kay Wallace at paminsan minsan tumitingin kay Leny.

"Goodmorning ate!" Tumalon si Akiea mula sa upuan at tumakbo palapit sa akin. Ngumiti ako at niyakap ito.

"Anong oras ka nakauwi kagabi? Thank you wallace." Sabi ko ng inabutan ako nito ng gatas, binalik ko ang tingin kay Leny na nakabusangot ang mukha.

"Maaga pa, pero tulog kana ata pagdating ko." Sabi nito ng hindi tumitingin sa akin, mukhang wala ito sa mood kaya hinayaan ko na lang.

Kumain na lang ako para makapasok ng maaga, siguradong nandun na si Verxia sa paaralan manghihiram ako ng notes dahil malapit na yung exam.

"Let's go." Nagulat ako ng makita si Zeke na lumabas ng kwarto, ang bilis naman nitong maligo.

"Ha? Hindi ka na ba kakain? Sige mauna kana."Sabi ko at inubos ang tinapay at gatas, hindi ko gusto ang gatas pero para sa baby inom lang ng inom.

Lumabas na ako ng bahay para maghintay ng sasakyan na dadaan.

"Where the hell are you going woman?" Napakunot noo ako at napalingon kay Zeke.

"Ha? Malamang sa paaralan, saan ba dapat?" Naguguluhang tanong ko, napangiti ako ng may paparating ng jeep, papara na sana ako ng hilahin ako nito papuntang sasakyan niya.

"Ano bang problema mo? Akala ko ba ayaw mo kong isabay? At saka susunduin mo pa si kiana diba?" Sunod sunod kong tanong.

"Get in." Wala na akong nagawa at pumasok na lang sa car niya, di ko mapigilang mapangiti at makaramdam ng excitement dahil kasama ko siya ngayon.

Wag lang sanang huminto ang kotse dahil may susunduin na impokrita. Nakarating kami sa school ng walang nasusundo, hindi ako sumabay sa kanya papasok dahil baka anong issue ang kumalat at bawal pa naman yun since teacher siya dito.

"Kira!" Alam ko na agad na si Verxia kaya di ko na nilingon.

"Bakita absent ka kahapon? Alam mo bang may reporting tayo sa science ngayon? Wala ka sanang grupo ngayon kung di kita nilista sa group, magpasalamat ka sa akin dali!"

"Salamat." Bored kong sabi, napasimangot ito at hinampas ako sa balikat.

"Alam mo blooming ka ngayon, para kang nag-glow di katulad nung dati na para kang stress ka palagi." Komento nito sa mukha ko.

My Vampire Professor was my rapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon