Chapter 4

68 8 0
                                    

Chapter 4

I was 26 already... But it never crossed my mind to start my own family and become a mother myself. Siguro dahil wala pa naman akong nagiging nobyo kailanman at inilaan ko ang lahat ng oras ko para sa aking pamilya. Ayaw ko rin naman kasi silang makitang maghirap, lalo na noong naaksidente si Mama at nalumpo.

Iyon din ang kasagsagan ng aking existential crisis dahil akala ko'y maaabot ko ang aking pangarap na maging tanyag na pintor sa Pilipinas. Sobra akong nag-invest sa pagpinta at nag-launch pa ako ng exhibit ng mga gawa ko, ngunit unti lang ang dumalo, at walang bumibili sa mga nilikha ko. Doon ako nasampal ng riyalidad.

Mas naging mabigat ang responsibilidad ko noong nalumpo si Mama. Pareho silang tumigil sa pagtatrabaho ni Papa, kaya ang mga gastusin na pinaghahatian naming tatlo rati ay bumagsak lahat sa aking palad. Isama mo pa si Earl na gustong patigilan ni Kuya mag-aral, ako na rin ang sumalo dahil ayaw kong masira ang kinabukasan ng pamangkin ko.

Nagdala ako sa salas ng mga kubyertos pangkain. Nakalaylay ngayon si Ella sa bisig ni Art. Siya ang nag-volunteer kanina para raw hindi ako mahirapan sa pagkuha ng mga gamit. Ang cute nga nilang tingnan, mabuti at hindi madamot si Ella kaya kahit sino'y pwede siyang buhatin.

"Ano pala gusto mong inumin?" Tanong ko sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya na may sari-sari store kami.

"Hot chocolate." Aniya. Saan ako kukuha noon? It seems like he saw my puzzled face and he was amused, "Milo." He clarified.

"Ako naman kape." Ngumisi ako. "Magtimpla lang ako, ah?" He nodded, tiningnan ko naman si Ella na ngayon ay nilalaro ang hawakan sa nakasubong pacifier, "behave ka lang, Ella, okay?"

Nagpainit ako ng tubig sa kusina at pumunta ako sa tindahan namin para kumuha ng kape at Milo, naglagay na rin ako ng bayad sa money jar doon. Pagkatapos ko magtimpla ay ako na rin ang humiwa sa strawberry cheesecake at naglagay ng slice sa dalawang maliit na plato.

"Thank you, akin na si Ella..." I said. He nodded, akmang kukunin ko si Ella nang humawak ito sa manggas ni Art at saka umiwas sa akin ng tingin. Wow? Clingy naman!

"It seems that she like me." Tumawa nang marahan si Art, halatang natuwa siya sa naging reaksyon ng bata nang kunin ko ito. Kailan pa nag-asal ganito ito?!

"Ella, halika na... Nakakahiya kay Art." Suway ko, ngunit yumakap naman ito kay Art nang mahigpit.

He chuckled as I sighed because I felt embarrassed, "it's okay."

I shyly looked at him to see if he was sure it's really okay. Doon ko lang napansin na kulay berde ang kaniyang mga mata, like craters from unknown universe, around his black pupils were dark brown and golden shades. Sobrang ganda at nakakalunod.

"Let's eat?" I asked.

Tumango naman siya. Karga niya si Ella sa kaliwang kamay niya, at ginamit naman niya ang kanan upang kumain. Halatang sarap na sarap siya sa binili niyang cake. Mukhang nainggit nga si Ella eh.

"Okay lang ba kay Ella na kumain ng cake?" Tanong nito. Naglalaway na rin kasi ang bata at nagwawala dahil hindi sinusubuhan.

"Yes, basta unti lang." Sagot ko naman.

"Nice, pwede raw, Ella..." Ngumiti si Art at saka sinubuhan si Ella ng maliit na piraso ng cake.

Pinagmasdan ko lang ang dalawa. Kumalma na si Ella dahil napagbigyan sa gusto, halatang tuwa rin ang bata dahil tila kumikinang ang mga mata. Nagkalat pa nga ito dahil ang pisngi niya't gilid ng labi ay napahiran ng icing. Buti na lang at may bimpo niya ako kaya pinunasan ko agad.

"Ang dami mong awards, ah? Lahat ng nasa cabinet ay pangalan mo lang." Art said as we enjoyed our food. He must be pertaining to the things displayed at the glass cabinet. "Ang dami ring paintings sa paligid na may signature mo... Parang museum tuloy ang bahay. Iba-iba ang style pa kaya mawiwili kang tumingin. May realism, abstract art, surrealism, impressionism, at modernism."

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon