Chapter 13

51 5 0
                                    

Chapter 13

Maagang nagising si Earl. 7:00 AM kasi ang pasok niya ngayon. Bumalik na rin siya sa kuwarto niya. Ako naman ay mabigat ang pakiramdam ngunit hindi ko na lang ininda iyon. Kinuha ko ang pouch ko at nilabas ang calling card na binigay sa akin ni Kaizen kahapon.

That guy is a flirt, but he'll refer me to host a party, so I'll just bite the bait. I called the number.

A few rings passed and someone answered. "Moshi moshi?" The voice was low and deep, it wa rough too. Halatang kagigising lang ng taong nasa kabilang linya.

I cleared my throat. "This is Dawn Denise, you gave me your calling card last night."

Biglang nagkaroon ng katahimikan, kaya naman kumunot ang aking noo. "Oh." Tila natauhan ang lalake sa kabilang linya, "ang aga ah."

"Nagising ba kita? Sorry, tatawag na lang ako mamaya."

"No... No. It's okay." Kaizen chuckled, "I didn't expect you to call me so early, that's all. Anyway, can we meet today?" Hindi ako umimik, there was an awkward silence, and I heard him snort as if he was amused. "Of course, I'll be with my sister. You know, she'll be the one to hire you. I just referred you." Pagpapaliwanag niya.

Tumango ako, "alright, hindi naman ako busy ngayon."

Kasabay noon ay bumukas ang pinto ng kuwarto ko at sumilip si Earl. Nakabihis na ito at nakasuot ng facemask. Kumaway siya sa akin at tumango ako sa kaniya habang nakangiti. Nagpaalam lang siya't papasok na siya.

"So, where do you want to meet?" I asked.

"Kung okay lang sa iyo, sa Vigan Empanadahan?" Patanong na sagot niya.

I nodded, nagkaroon muli ng ilang segundong katahimikan bago ko napagtanto na naka-voice call kami.

"S-Sige." Sabog ka ata, Dawn?

"Alright, later at 6:00 PM? Balak din kasi namin ng Ate ko na manood ng dancing fountain after eating and strolling around Calle Crisologo. Galing pa kasi siya ng Japan since last week." Pagpapaliwanag niya. "She's been there for almost three years."

"Okay."

"See you." He said and hung up.

Nag-inat ako at tumungo sa easel kung saan nakaplastar ang canvas. Tinitigan ko ito habang tinatali ang buhok. Naglabas na ako ng mga painting materials at nagsimula akong magpinta. Buong umaga at hapon akong nagpinta. Pinapakiramdaman ko rin ang mga tao sa bahay. Kapag alam kong wala na sila sa labas ay saka ako bababa upang kumain. Somehow, I was thankful they don't invite me always to eat with them.

Dahil diretso ang aking paggawa sa painting ay natapos na rin ito. I smiled at myself as I gazed at the family portrait of Art. I was there too. I felt proud. Pinunasan ko ang ilang butil ng pawis sa aking noo dahilan upang may pinta sa aking daliri na napahid. I giggled at my own silliness.

I wiped my hands and grabbed my phone. Tumungo ako sa Messenger at kumuha ng selfie kasama ang painting. Sinend ko naman ito kay Art. Dumiretso na ako sa banyo para maligo at magbibis dahil mamaya ay lalabas pa ako para ma-meet sina Kaizen. Habang pinapatuyo ko ang buhok ay napansin kong may notification ako.

McArthur Schifer: That's gorgeous, Dawn. 😳

Ngumiti ako habang nagtitipa.

Me: me or the painting??

Saka ko lang na-realize ang katangahang nagawa ko nang ma-seen ni Art ang aking chat.

Me: jk

I sighed. Mabuti na lang at mabilis kong naremedyuhan! At saka, Dawn, huwag mong haharutin si Art! Pamilyadong tao na iyan. Kahit ano namang circumstance pa ang dahilan kung bakit nasa ganoon siyang sitwasyon, still, mali iyon. He's someone out of your league too!

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon