Chapter 9

69 4 24
                                    

Chapter 9

Art paid for my hospital bill and medicine. It was Monday afternoon and I was finally home. Nasaktuhan din na may bagyo kaya makulimlim at maulan, hindi naman ako lalabas pa at wala namang event so okay lang. Ayon din sa weather forecast, mabilis lang din aalis ang bagyo. Kumbaga madadaanan lang ang probinsya, kaya bukas, maaraw na ulit.

I pet Berde first because I missed this petite green turtle, pero hindi ata ako nito na-miss dahil nakatago lang siya sa loob ng kaniyang shell. Nakalabi na lang akong nagbalik sa kaniya sa kaniyang aquarium.

Tinanggal ko na ang karton sa malaking canvas at tinapon iyon. I propped up my canvas to the easel beside my room and prepared my paint materials. kung tutuusin, tanggalin mo lang ang kama sa kuwarto ko at magmumukha itong art studio. There were many sketches and art pasted on my cream-colored walls. Kinuha ko rin ang family portrait na ni-print ko at tinitigan ito nang maigi.

Lolo Orsini and Lola Desiree were smiling, gray and old, but red and gold. Behind them was Art, regal and fine... And beside this gentleman was me. I felt warm looking at the picture, I wanted to say I felt out of place, but looking at it seems to tug a tiny string in my heart because it looked like I belonged there. This silly little nudge from within that I tried so hard to ignore has finally made me realize...

I like Art.

Siguro puppy crush pa lang. Hindi pa naman ito gaano kalalim. He was out of my league, though. At saka alam ko naman na pagkatapos ng event ng grandparents niya ay hindi na kami mag-uusap masyado, the thought made me sad... But that's reality.

I started sketching the outline unto the big canvas mounted on the easel. Halos isang oras bago ko natapos iyon, nagpahid na rin ako ng mga primerong pinta. Medyo nangalay na rin ang aking kamay dahil sa diretsong pagtrabaho. Halos apat na oras ata. Malaki rin ang canvas kaya hindi pa masyado makikita ang progreso, but I was done with the initial part.

Tumayo ako mula sa hassock at nag-inat. Dumiretso ako sa banyo at naghugas ng kamay at naghilamos dahil pinta-pinta na ako. Nag-amoy pinta rin ang aking kuwarto kahit nakabukas ang mga bintana kaya naman binuksan ko muna ang humidifier ko.

May kumatok sa pinto ko matapos ang ilang sandali, "Tita, kakain na po!" It was Earl. Sabay na kaming bumaba papunta sa dining area. Nandoon si Mama sa kaniyang wheelchair, si Papa ay abala sa paglagay ng ulam sa mesa, samantalang sina Kuya Daniel at Ate Viktoria ay pinapatahan si Ella na humihikbi. Wala si Tita Sarah, baka nangapit-bahay.

"Kumusta ang pakiramdam, Dawn?" Tanong ni Mama nang makita niya ako. "Apo, pasuyo ako ng malamig na tubig." Utos nito kay Earl na agad namang sumunod.

"I'm okay na, Ma."

Nagsalin na ako ng kanin at ulam sa aking plato at umupo. Tahimik kaming lahat ngayon, tanging tunog ng kubyertos lang ang umaalingawngaw at ang sounds mula sa TV sa salas na nakalimutan nilang patayin. "Earl, patayin mo nga yong TV sa salas. Sayang ang kuryente." Utos ko nang napansin kong tapos na si Earl kumain.

Sumunod naman ang pamangkin ko sa akin. Nagulat ako nang padabog na binaba ni Kuya Daniel ang kutsarang hawak, nagkaroon tuloy ng malakas na kalembang. "Nagpaparinig ka ba, Dawn?"

Nagtaka akong tumingin kay Kuya, "wala naman akong masamang intensyon, Kuya." Kasabay nito ay nawala na ang tunog sa salas.

"Nagrereklamo ka eh." Sita naman ni Ate Viktoria, "oo na, alam naming ikaw nagbabayad ng kuryente."

"Ang tahimik dito noong na-hospital ka eh. Ngayong nagbalik ka, naghahanap ka na naman ng gulo." Umiling pa si Kuya Daniel.

"Ano na naman ba ang nasabi ko?" I sighed. I felt my heart being crushed into pieces again. Nangilid ng luha sa aking mga mata, but I blinked them away. I suddenly lost my appetite as I stared at the chicken broth on my plate.

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon