Chapter 26

50 5 1
                                    

Chapter 26

It was the next day when I ran out of some paint. Kaya naman kinuha ko ang susi ng Hilux at umalis. Good thing there's this Waze app that Art introduced to me kaya kahit hindi ko kabisado ang Manila, hindi ako maliligaw.

I checked the color coding for today, napasapo ako sa noo ko dahil bawal ko palang gamitin ang sasakyan ngayon. Mabuti na lang tiningnan ko muna! I decided to just book a Grab, and order for cold coffee at a stall in front of the building while waiting for my service.

Tumawag si Art habang sumisipsip ako sa straw, "good morning, love." Iyon ang bungad niya sa akin. Halatang kagigising dahil sa morning voice, at magulo pa ang kaniyang buhok nang buksan niya ang camera. Namatay kanina ang sleep call namin kasi na-dead batt ako.

"Good morning." Ngumiti ako sa kaniya. Pinakita ko sa camera ang background ko para ipaalam na nasa labas ako, na nasa tapat ako ng gusali. "Aalis ako, bili ng pinta."

"Alright, ingat ka..." Kinusot niya ang talukap ng kanang mata at bumangon na. Mukhang tiningnan niya ang orasan sa tabi. "The shooting starts in an hour, I'll go prepare."

"Sure, galingan mo." I threw him a flying kiss on the phone. Umakto pa siyang nasalo niya iyon sa kamay, he put his fist on his lips, pretending to kiss it too.

Binaba ko na ang tawag, sakto namang dumating ang service ko. Bago sumakay, I snapped a picture of the car and sent it to Art. When the driver dropped me off to the mall, I thanked him and went out. Medyo natagalan kami sa biyahe dahil na-traffic.

Pagkababa ko, namangha ako dahil nakita ko ang billboard sa kabilang gusali na katapat lang ng mall. It was Art! He was promoting a famous local clothing line brand. He really looked so good.

Pumwesto ako para iyon ang background at saka nag-selfie. Naka-finger heart pa ako. After passing through the security at the entrance of the mall, tumungo agad ako sa bilihan ng mga art mats. Nakabili rin naman ako ng hinahanap, at dahil nasa labas na ako, I decided to eat na lang muna sa isang Korean restaurant.

Natawa nga ako dahil may promo sila, makaka-50 % discount ka kapag may kasama kang partner. Lumabi pa ako at saka ako nag-send ng picture kay Art para ipakita iyon. Hindi na siya online, baka ongoing na ang filming.

Ang ending, bumili na lang ako ng shawarma rice sa isang stall doon sa mga hilera ng food court. May ilan na mga nagpapa-picture sa akin. Nagugulat na lang talaga ako. Dati si Art lang eh, ngayon pati ako na.

"Can't wait po for your art exhibit!" Sabi ng isa. She even showed me her phone that flaunted her ticket. "I'm a big fan!" She was high pitched, halatang nagagalak na ma-meet ako in person.

Para akong matutunaw sa tuwa, "thank you, see you there!"

May mga tao rin na nagtataka kung sino ba ako dahil ilan na ang nagpapa-picture. Someone also suggested that I post on Tiktok or any social media sites a video of me painting. I never considered that, but I also decided it's one good way of endorsing my art too.

Pagkauwi ko, nakipaglaro ako kay Berde saglit bago ko nilagay sa atelier ang mga binili ko. Hiniram ko rin muna ang tripod na may ring-light at phone holder ni Art. Nag-set up ako at saka ko inayos ang anggulo ko sa kamera. When I pressed the play button, I started painting.

I would occasionally change the angle of the cam. May part na likod ko lang ang nakikita at naka-focus sa canvas, meron ding sa harap ko mismo, sa side, at yong hawak ko habang nagpa-paint para point of view ko mismo. Mas natagalan nga lang ako dahil patigil-tigil sa pag-paint... Pero okay na rin dahil nag-enjoy naman ako.

Natapos ko rin ang painting at hinayaan ko muna iyon matuyo sa easel, habang hinihintay ay nag-edit muna ako ng video sa phone. As recommended, I posted it on Tiktok and put it on reels. I craned my neck and stretched my arms after. Apat ang natapos ko na mga painting ngayong araw.

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon