Chapter 12

46 5 1
                                    

Chapter 12

I was curious about Cheska and Art whether they are together now or not, but I didn't bother messaging him. Saka, wala naman akong karapatan. I just like him, that's all. At syempre, naaawa rin para sa kaniya dahil ipit siya sa sitwasyong hindi niya kontrolado. Tatlong araw pa naman na nandito sa Ilocos si Cheska. I hope Art will be okay. Naisip ko na lang na magsasabi naman si Art kung gusto niya.

"Finally!" Bungad ni Carl sa akin sa labas ng bar, "may Jollibee sa likod. Baka hindi ka pa kumain."

I smiled. Mabuti at kilala ako nito. Umiiwas pa ako ngayon kila Papa kaya hindi na ako naghapunan sa bahay. Binati ko sila Ethan at Klyde na abala sa pag-accommodate sa mga customers habang si Khali naman ay nasa DJ area at nagpapatugtog ng musika. Medyo maaga pa kaya unti pa ang mga tao pero mamaya pagdating ng 10:00 PM panigurado puno na naman ang lugar.

Kumain muna kami ni Carl sa staff area. As usual, binalatan niya ang chicken joy niya at binigay ito sa akin. Syempre hindi ako magrereklamo dahil para sa akin, iyan ang pinakamasarap na parte ng manok.

"Ginugutom ka ba sa bahay n'yo? Pumayat ka." Lumabi si Carl. "Pakabusog ka ngayon, ah."

I faked a smile, hindi pala niya alam din na na-ospital ako last week.

"Masarap ba?" Tanong niya ulit.

Nag-thumbs up ako. "Lalo kapag libre." We both chuckled. Nag-usap pa kami, matapos ang kalahating oras, pumasok si Ethan at sinabihan ako na nagpapaalalay na si Khali. Kaya naman tumayo na ako at lumabas, tumungo ako sa DJ area at nag-swap kami ni Khali. Tinanguan lang niya ako bago umalis para magpahinga.

As expected, dumarami na ang mga tao sa paligid. Nagpatugtog lang ako ng remix ng mga party songs at nag-mash up din ako on the spot. Naghiyawan ang mga tao at sayawan. The entire place was being blasted with the upbeat music and disco lights. I was smiling as I controlled the mood of the enclosed space.

"This is your DJ Dawn, are you guys ready for more?" I asked through the microphone. The crowd screamed and cheered. "More energy, are you guys ready?" Mas lumakas ang sigawan nila.

I smiled and I started with Taylor Swift's Ready for It intro. Nag-remix lang ako ng mga kantang alam kong babagay rito. If painting is one of my passion, I guess doing this is second to it. I am really glad to meet Carl Singson, sa kaniya ko nadiskobre ito.

Nang nakapagpahinga na si Khali ay nagpalit ulit kami. Bumaba na ako mula sa entablado, maraming mga lumapit sa akin upang magpakilala. Ngumingiti lang ako sa kanila habang nilalampasan. Babalik na lang ako sa staff room para bumawi ng pahinga. Nakita ko naman si Carl pababa sa VIP lounge. Mukhang may mga personal siyang bisita.

"May mga bigatin sa taas." Aniya nang matanaw ako. Nasa harap kami ng counter. Umupo kami sa magkatabing bakanteng silya. I asked Klyde for a Galaxy drink, and he gladly brewed. I watched the guy mix gatorade, gin, and pineapple juice using a jigger. After that, he put the mixture into a glass.

"Thank you." I smiled at Klyde before he went away to serve another customer.

Uminom ako.

"What's the problem? You don't usually drink." Tanong ni Carl sa akin.

"Wala naman." I lied, "I just felt like giving myself a reward for small accomplishments." Mukhang naghihintay si Carl sa kasunod na sasabihin ko, ngumiti ako sa kaniya. "Makakabili na ako ng kotse."

His mouth formed an 'o', after that, he playfully punched my shoulder. "Congrats, Dawn!" He took his glass from the counter, wala na itong laman, "let's cheers to that!"

I laughed and we both did. He faked to drink from the empty glass as well.

A few seconds later, nagpaalam na si Carl upang mag-asikaso pa ng ibang mga bisita. Naiwan akong mag-isa sa may counter. Hindi rin nagtagal ay may pumalit sa bakanteng silya sa tabi ko. The guy was staring at me, I can see that from my peripheral view. Hindi ko na lang pinansin. Sa halip ay tinanggal ko ang tali sa buhok ko. I let my flowy hair to cover the side of my face through my shoulder, blocking the man from my view.

Drawn by DawnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon